[10]

437 20 3
                                    

Wonwoo's POV

Sinundan ko si Noona sa conference room. Wala akong balak na pumasok sa loob kasi baka magalit siya sakin. Kaya pinakinggan ko na lang sila sa may labas since nakabukas konti yung pinto.

Masyadong obvious na nag e-eavesdrop ako pero bayaan na. Basta marinig ko.

"Nakalimutan namin na ipapirma yan sayo. But you can sign it now. Just read the content first." Anong tinutukoy ni CEO? Contract ba yun? "You can sign it now."

"1 year lang ba talaga?" Mahina pero narinig ko pa din na sinabi yun ni Noona. Anong one year lang? One year lang namin siya makakasama? One year lang ang contract niya samin? Yun ba yun? Anong one year? Curious ako!

"Yes, Ms. Lee."

"Ok na. Pwede na ba akong umalis?"

"You can go now." Sabi ni CEO at narinig ko ang pag tayo ni Noona sa kinauupuan niya. Bago ako tuluyang makapagtago may narinig pa akong sinabi si CEO. "As much as possible, wag mong ipapaalam 'to sa Seventeen."

What the hell? Bakit hindi namin yun pwede malaman?

Nakita kong lumabas na si Noona pero nanatili lang siyang nakatayo doon. Parang ang lalim ng iniisip niya.

After siguro ng one minute naglakad na siya paalis. Pero bigla na lang ako nagsalita.

"Isang taon ka lang namin makakasama?" Napatigil siya sa paglakad at napalingon sa direksyon ko. Nanlaki ang mata niya.

"Wonwoo.."

"Sagutin mo tanong ko, Noona." Diretso kong sabi. Dahan dahan naman siyang tumango.

"Wonwoo, wag mo 'to sasabihin sa kanila. Please." Sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko.

"Pero bakit Noona? Bakit ayaw mong malaman nila?!" Tumataas na yung boses ko pero wala akong pakialam. I know, hindi 'to big deal sa paningin ng ibang tao pero para samin oo.

"Dahil yun ang utos ni CEO. Wonwoo, please.."

"Yun lang ba talaga?"

Natahimik siya sa tanong ko at dahan dahan niya akong binitawan.

"A-ayokong... malungkot sila. Ayoko, Wonwoo. Mahalaga kayong lahat sakin. Malapit na kayo sa puso ko. Please, don't tell this to them.." Tapos may narinig na akong mahihinang hikbi.

What the heck?! Umiiyak siya?! Geez! Kasalanan mo 'to Wonwoo! Shit shit.

Hindi ko alam gagawin ko kaya bigla ko na lang siya niyakap. "Noona, wag ka na umiyak.. Shhh.." Hinagod ko yung likod niya. Unti unti naman siyang tumahan.

"Please, Wonwoo.... Mangako ka sakin.. Wag na wag mo 'to sasabihin sakanila.." Pahikbi hikbi niyang sambit. Ugh. Noona, you're making this really hard for me..

"Fine. Promise." Sabi ko na lang.

"Ang payat mo." Sabi niya habang nagpupunas ng luha.

Oo na. Payat na. Atleast di maitim -.-

---------

Seungcheol's POV

Kanina pa kami nag aantay kay Wonwoo dito sa practice room. Sabi niya may bibilhin daw muna siya sa convenience store diyan sa labas ng building. Pero halos 20 minutes na namin siya inaantay. Ano kayang nangyari dun? Di tuloy kami makapag-practice.

"Seungkwan sunduin mo na nga si Wonwoo." Utos ko.

"Huh?! Bakit ako Hyung?!" Napairap na lang ako. Mag rereklamo pa eh.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon