Seungcheol's POV
Lahat kami naiwang tahimik nang umalis si Ji Won. She's mad. Hindi lang sa mga bata kundi pati na rin saming tatlo nila Han at Shua. Ginawa naming biro ang sitwasyon ngayon. Tama siya, mali nga kami.
"Kumain na muna tayo." Sabi ko. Nag hain na kami ng pagkain sa lamesa at sabay sabay nang nagsikain.
Si Ji Won....... hindi pa siya nag didinner. Baka magkasakit siya.
Mabilis kong tinapos ang pag kain at tumayo na para ikuha ng kakainin si Ji Won. She needs to eat kahit na masama ang loob niya samin. Hindi niya dapat dinadamay ang sarili niyang kalusugan.
Tumaas na ako at kumatok sa kwarto niya. Hindi siya nag rerespond kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob. Its open. Hindi niya dapat hinahayaang bukas ang pinto nitong kwarto niya. Its still not safe. Puro parin kami lalaki dito kahit papano.
"Papasok ako." Pagpapaalam ko habang dahan dahang binubuksan ang pinto. Ang isa kong kamay ay hawak ang tray ng pagkain. Nabungaran ko siyang naka upo at nakasandal sa headrest ng kama.
"Choi Seungcheol." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa phone. "What the hell are these photos? Alam mo ba 'to?" This time, nakatingin na siya sakin at nakaharap din sakin ang screen ng phone niya.
Nilapag ko muna sa side table ang tray saka ko binigay ang atensyon sa sinasabi niyang picture daw. Napakunot ang noo ko nang makita kung ano ang mga 'to.
Tangina. Anong ginagawa ng mga ugok sa pictures na yan? Lumalandi na ba sila?
"Hindi ko to alam." Sagot ko sa tanong niya. Inabot ko na sa kaniya ang phone. "They were probably dat----"
"Shut up, Choi." Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ka nandito? Pano ka nakapasok? Sinabi ko bang dalhan mo ako ng pagkain?" She raised an eyebrow at me. Huh. Sinusubukan niya na naman akong sindakin. Edi wow, Ji Won. Edi wow.
"Bakit ako nandito? Dinalhan lang naman kita ng pagkain. Nakapasok ako dahil iniwan mong bukas ang pinto. At oo, hindi mo sinabing dalhan kita ng pagkain. Pero hindi ako mapapalagay hangga't hindi ka kumakain. I won't let you get sick. Kaya kainin mo lahat ng yan." Sabi ko. Napairap naman siya at nagtalukbong ng kumot. Ugh. She's such a child.
"Ayokong kumain." Sabi niya.
"Fine. I'll feed you then." Nilapitan ko siya at kinuha ang plato na puno ng pagkain. Nagulat ako nung bigla siya bumangon at hinampas ako ng unan. Shit! Muntik pang matapon yung pagkain! Nako naman oh!
"Mukha ba 'kong bata para subuan pa?! Labas! Labas!"
"Lalabas ako pag naubos mo na 'to." Sabi ko habang mapang asar na nakatingin sa kaniya. Akmang hahampasin na naman niya ako ng unan pero napigilan ko agad. I'm not safe every time this girl's around. Kailangan ko pa ata palagi ng shield tuwing kasama ko siya.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Mahina niyang sabi. Biglang nanlaki ang mata niya at nagtakip ng bibig. Luh napano 'to?
"I'm doing this because I care. I care for you, Ji Won." I said, looking straight in her eyes.
"You care about everything, Seungcheol. Stop joking, its not funny." Sabi niya at nagsimula nang kumain. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil hindi naman yun totoo. May samting lang talaga siya kaya niya nasabi yun. Mabilis niya tinapos ang pag kain saka ako hinarap.
"Kausapin mo ang mga bata. Do your responsibility as their hyung, not as their leader." Sabi niya at hindi na ako pinansin pang muli. Napabuntong hininga na lang ako. She's not yet ready to face the kids. Sa tingin ko nag iipon pa muna siya ng lakas ng loob para makausap sila.
Kahit na pilitin ko man ang sarili kong ilagay ang sarili sa sitwasyon niya, hindi ko pa din magawa. Sobrang hirap nga siguro ng trabaho niya samin. Na kahit naman siguro ako, hindi ko kakayanin. Idols kami. Kaya alam kong gusto niyang mapanatili ang magandang reputasyon namin sa mga tao.
Hay, bakit ba kailangan mong maging ganito Ji Won? Ikaw mismo ang nagpapabigat ng responsibilidad mo samin. Tsk tsk.
Kinuha ko na lang yung tray at lumabas na sa kwarto niya. Nadatnan ko naman sila Jeonghan sa baba na nag aayos ng pinagkainan.
"Umupo kayong lahat." Panimula ko. "Hindi pa kayo kakausapin ng Noona niyo ngayon. I'll take the responsibility on her behalf. Mag uusap tayo ngayon ng masinsinan." This time, seryoso na talaga ako. Wala ng halong biro.
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Jeonghan. Seryoso na din siya. Siguro natauhan din sa kagaguhan niya kanina -.-
"Niligtas lang naman namin sina Carissa eh." Sagot ni Dino. Napakunot ang noo naming tatlo ni Han at Shua. Anong sinasabi ng batang 'to?
"Niligtas? Bakit? May nagtangka bang mang away sa kanila?" Tanong ni Joshua.
"Opo hyung. Sina Seulgi Noona po." Sagot niya ulit. Wait. Sina Seulgi? Eh mabait naman yun diba? Kaya nga siya.........nagustuhan ni Wonwoo.
"Bakit naman nila aawayin yung mga kaibigan niyo?" Tanong ko.
"Eh kasi hyung nai-insecure sila sa mga kaibigan namin. Dahil nga daw iba yung binibigay naming atensyon sa kanila kung ikukumpara sa iba naming schoolmates. Tsaka dahil na din sa mga pictures kung saan nakuhanan nila sina Woozi-----"
"Teka teka. Pictures? Ayan ba yung kumakalat ngayon sa social media?" Naguguluhan kong tanong.
"Yeah." Maiksing sagot ni Jihoon. Fuck. Malaking issue 'to. Naiimagine ko na kung gaano kainit ang ulo ngayon ni Doogi PD at mga staffs ng Pledis. Paniguradong ginagawa na nila ang lahat ng paraan para mabura ang mga pictures na yon at maexplain sa mga tao.
Bakit ba napaka-careless ng mga batang 'to? Alam nilang nasa public place sila, hindi dapat sila nagpapadalos-dalos sa mga ginagawa nilang kilos. Idols sila kung hindi nila nakakalimutan.
"Wait, anong picture?" Takang tanong ni Han. In-explain naman nung mga bata kung ano ba talagang meron sa mga litrato na yun. Naliwanagan naman ang lahat.
"Hindi niyo alam kung anong gulo ang pinasok niyo." Napapailing na lang ako dahil sa katangahan nila. "You should've been more careful. Hindi sa lahat ng oras gusto ng mga tao ang ikinikilos niyo. Hahanap at hahanap pa rin sila ng paraan kung paano kayo masisira at ang mga taong malapit sa inyo."
"Tama si Cheol. Sa susunod maging mas maingat kayo. Hindi niyo alam kung gaano karaming tao ang nasaktan sa kung ano man ang nalaman nila. What if may kumalat din na pictures habang nakikipagbugbugan kayo? You guys might be hurted physically. Pero ang Carats? Triple tripleng sakit ang mararamdaman nila pag nakita nila ang lagay niyo ngayon." Jeonghan
"Know the consequences of your actions. Hindi porket idols kayo kakampihan kayo ng mga tao. At alam niyo bang hindi lang ang sarili niyo ang ipinahamak niyo? Pati rin yung mga kaibigan niyo eh. Ngayon sa tingin niyo ba magkakaron pa sila ng lakas ng loob magpakita sa maraming tao after all what happened? Makita pa lang siguro ng mg die hard fan niyo ang hibla ng buhok nila, baka hindi na sila sikatan ng araw. You should've think twice dahil pati sila damay na sa gulong ginawa niyo." Joshua
"Ngayon, ang masasabi ko lang maghanda kayo sa kung anong pwedeng sabihin o gawin ng Noona niyo. Hindi siya pinili ng Pledis sa trabahong 'to para lang sa wala." Sabi ko. Tumayo na ako kaya nagsitayuan na rin sila sa kani-kanilang upuan.
"Osiya! Matulog na tayo! May pasok pa kayo bukas mga bata!" Full of energy na sabi ni Jeonghan.
Magla-lighten up na sana ang mood namin kung hindi lang nagsalita si Hoshi.
"Hyung. Suspended kami ng isang linggo."
"TANGINA. ANO?!?!?!"
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)
Short Story"You'll be the SEVENTEEN's Personal Noona." Kung ikaw ba gagawing 'Ate' ng SEVENTEEN? Papayag ka ba? Tunghayan ang journey ni Lee Ji Won sa pagiging 'Ate' ng SEVENTEEN^^.