[4]

517 21 0
                                    

Ji Won's POV

"Nandito na tayo~" magiliw na sabi ni chubby cheeks. Seungkwan, tama?

"Noona, kami na magdadala ng gamit mo sa loob." Sabi ni banal kaya tumango na lang ako. Gentleman ang bata xD

Kasabay kong pumasok si Seungcheol at iba pa.

Namangha ako pagpasok namin sa loob. Ang linis linis. Parang hindi lalaki ang nakatira dito. Plus the fact na thirteen sila. Grabe. SILA NA!

"I'll accompany you to your room." Sabi ni Seungcheol pero tumanggi agad ako. I have to know them more. Hanggang ngayon naiilang pa din ako sa kanila. Kailangan mawala yun dahil nakatira kaming lahat sa iisang bubong.

"Bakit? Nagugutom ka ba?" Tanong niya. Pero bago pa man ako makasagot ay nagsalita ulit siya. "Mingyuuu! Magluto--"

"Ah, hindi hindi! Di pa 'ko gutom." Sabi ko at nag chuckle.

"Ah ganun ba? Hehe." Napakamot siya sa batok. Ang cute niya haha. Ngayon ko lang din napansin na mahaba yung pilik mata niya. It makes him more attractive.

"Gusto ko lang sana kayo makausap lahat. Pwede ba?" Tanong ko. Sana pumayag ang lalaking 'to.

"Sure, Noona. GUYS! MAGPUNTA LAHAT SA DINING!"

Namangha na naman ako dahil lahat sila sumunod agad sa utos ni Seungcheol. Naks. Pag leader ka nga naman xD

"May pagkain?!?!" Excited na sabi nung iba. Pero nawala yung excitement nila nang makitang walang pagkain sa lamesa.

"Ano ba yan, walang pagkain."

"Paasa ka, hyung!"

"Wala naman akong sinabi na may pagkain, ha?!" Depensa ni Seungcheol sa sarili.

Umupo na kaming lahat. Buti na nga lang at saktong 14 yung upuan kung hindi, may isang nakatayo samin ngayon.

"Eh bakit mo kami tinawag?" Sabi ni Woozi.

"Gusto tayo kausapin ni Noona."

"Noona, anong gusto mo pag usapan?" Panimula ni DK. Ayan, naiilang na naman ako. Pero ise-set aside ko muna tong awkwardness na nfi-feel ko. Hinga ng malalim, Ji won... Whooo..

"Well... Ano... Kasi.... G-gusto kong m-makilala kayong mabuti.." Napayuko ako. Shet nahihiya akes! First time kong mahiya sa tanang buhay ko jusme!

"Hmm.. Sige. Since alam mo naman yung names namin, age naman ngayon." Sabi ni Hoshi na ikinatuwa ko. Whoooo, life savior siya xD

At ayun nga, isa isa nilang sinabi yung age nila. Ang maknae pala nila eh si Dino, pinakamatanda si Seungcheol. At tama din pala ako, magka-age lang kaming dalawa ni Seungcheol pati na din si Jeonghan at Joshua.

September 18, 1995 kasi ako pinanganak. So mas bata pa din sakin yung dalawang J.

Ang weird lang kung tatawagin akong Noona ni Seungcheol eh mas matanda nga siya sakin. Kaya sinabi ko na Ji Won na lang itawag niya sakin.

Nagkwentuhan pa kami ng nag kwentuhan. Ni hindi nga namin napansin na di pa kami kumakain ng lunch. Kaya ayun, nagpa-deliver na lang sila ng pizza dito sa dorm.

Nagutom din ako sa pagkukwentuhan namin. Kahit papano hindi na ako masyado naiilang sa kanila. Masaya sila kasama hindi kagaya ng Kuya kong panget.

Habang nag aantay, nagkwento lang sila sakin nang nagkwento. Daldal nila promise! Lalo na si Seungkwan jusq!

"Noona, anong course tinapos mo?" Biglang change topic ni Woozi. Walang sense lang naman kasi pinagkukwento nung iba eh xD

"Nursing." Sagot ko sa kaniya.

"Ibig sabihin nurse ka?!" Sabay sabay silang tanong.

Umiling naman ako. "Hindi pa ako nag bo-board exam." Sabi ko.

Tumango tango naman silang lahat. Mukhang mga disappointed nga eh. Big deal ba yun? Hahaha. Darating din naman ako diyan. Konting antay lang. Tinatamad pa ako mag take ng buwis buhay na exam eh xD

Nagingay lang sila pero ako hindi na umiimik. Gutom na ako! T_T

Pero after awhile ay may nag doorbell na. Nagkatinginan silang lahat. Di ko nga alam kung bakit sila nagtinginan eh. Pero bigla na lang tumayo si Pretty boy at nagsabing, "Ang tatamad niyo! Kami lang ni Noona ang kakain!"

Pupunta na sana siya sa may pinto pero pinigilan ko na.

"Ako na. Diyan na lang kayo." Sabi ko. Noona niya ako kaya sumunod siya sakin. Yan ang first rule na sinabi ko sa kanila xD

Pumunta ako sa may pinto. I opened it and...

"ANNYEEOOOONNGG!!!" Who the hell is this girl?

"I'm sorry but who are you, Miss?" I don't want to be rude pero sino siya? Paano niya nalaman ang dorm ng Seventeen?

"Ikaw... S-sino ka?!" Gulat niyang sabi. "Oppaaaaa!!!" Malakas niyang sigaw. Takte! May balak ba siyang bingiin ako?!

Narinig ko yung mga yabag nung mga lalaki papunta samin.

"DONGSAENG?"

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon