Chapter 1

153 6 0
                                    

     
                         Chapter 1

Cherry's Pov

"Bruha saan ka na ba?" Sa gulat ko napalayo ko cp ko. Sigaw talaga hindi ba kausapin niya ako mahina lang. Napahiling na lang ako. Loka-loka talaga mabibingi ako sa sigaw niya.

"Karating ko pa lang sa cebu, sabi ko sa kan'ya. Tapos ito naghihintay na may masasakyan."

"Mabuti ka pa, nagbabakasyon sana all ." Natawa ako sa kadramahan ng kaibigan ko. Loka loka kasi niyaya ko naman ayaw naman sumama sa akin tapos ngayon magddrama parang may feeling na ako sa kadramahan niya ngayon.

"Bumalik ka na nga rito. Naku! 'Yong mukha ng boss natin may topak. Ang aga-aga nakabusangot nawawala kagandahan ko. Panigurado buong araw tahimik sa office  ngayon. Sinisiri ng boss natin araw ko."  Natawa ako sa kalokohan ni Sarah. Ang daming sinasabi. Lagi naman sira araw ng kaibigan ko. Natawa na lang ako sa isip ko.

"Hayaan niyo." Sabay tawa ko.

"Baka nag-break naman sila ng girlfriend niya." Sabay tawa namin ni Sarah sa sinabi ko. Ganyan kasi boss namin. Badtrip lagi  alam na namin kung ano dahilan. Naku! Panigurado nag-away na naman sila ng girlfriend nito. Sanay na kami sa kadramahan ng boss namin. Kung hindi lang matanda sa amin ng dalawang taon boss namin, nasapak ko na sa katangahan. Niloloko ng lahat nagpapakatanga tapos sa amin ibubuhos ang inis, tapos maghapon kami tahimik sa loob ng office.

"Ano pa nga ba?" Pareho kami natawa. Puro kasi kalokohan lumalabas sa bibig ng kaibigan ko.

"Mag-enjoy ka, 'wag mo muna isipin itong work. Basta lagi ka tatawag sa akin ha! Mamimiss kita best. Sana mahanap mo na riyan matagal mo na hinihintay, hindi na tayo bata," sabi ko na nga ba babalik sa love life ko. Minsan mga work ko lagi ako inaasar  sa boss namin. Natawa na lang ako. Buti na lang boss namin hindi naman napipikon sanay naman sa amin.

"Loka-loka ka, porket nahanap mo na da one mo," sabi ko sa kan'ya.

"Bakit kasi ayaw mo pa sumama sa akin." Pag-iiba ko sa usapan.

"Bruha ka, ang dami ko na absent. Kung pareho tayo mawawala rito ang  kalabasan wala na  tayong work. Panigurado nagwawala na sa galit boss natin.  Nadamay pa kita. Ikaw mas kailangan magbakasyon sa atin dalawa. Hindi ka na nagkakalove life,
Balita ko ang dami guwapo riyan sa cebu? Balitaan mo agad ako pag may makita ka agad." Sabay tawa niya.

"Loka-loka ka." Natawa ako sa sinabi ni Sarah.

"Di ba magkikita kayo ng friend mo?" sabi niya sa akin. Kahit kailan talaga tsismosa bruha na 'to? Wala naman ako sinabi sa kan'ya.

"Sino naman nagsabi sa'yo?" mataray ko sabi sa kan'ya.

"Bakit hindi ba?
Basta masaya ako para sa'yo, sige na best. Makita pa ako may katawag lagot ako damay pa kita"

"Hala ka! Lagot ka talaga kay Boss Dave" Tinawanan ko rin siya.

"Sasabihin ko ikaw ka tawag ko. Damay-damay na, sa lagay ako lang"

"Sige na bye na!" sabi ko sa kan'ya. Hindi matatapos ang usapan namin kung hindi ako una magpapaalam. Panigurado aabutin kaming maghapon nito. Hindi pa naman nauubos na sasabihin loka-loka ako kaibigan.

"Bye  best ingat." Loka-loka talaga 'tong kaibigan ko. Mamimiss ko kakulitan niya. Natawa ako sa sarili ko 1week lang naman ako nandito. Sosupresahin ko lang kaibigan  ko. Namiss ko na siya. Simula kasi bata pa kami nawalan na kami ng communication nasa cebu na kasi sila  nanirahan. Siya unang-una ko kaibigan bago si Sarah. Bihira naman sila nagbabakasyon dito Natawa ako nasaisip ko. Kanina pa ako nakaabang wala parin dumadaan sasakyan. Bigla ako na pagod, umupo muna ako saglit na  patingin-tingin nasa likuran ko gamit ko. Maya-maya may lumapit na dalawang lalaki sa tabi ko. Binaba nila ang kanilang dalang gamit. Tiningnan ko lang sila. Tinabi nila dala nilang gamit sa tabi ng gamit ko. Hindi ko na lang pinansin mukha naman mababait sila. Ang dami naman dala nila, sabi ko sa isip ko. Napatingin ako sa gamit nila. Wow! May mga pagkain pa dala. Napatingin ako sa dalawang lalaki mukhang may hinihintay siguro mga 'to panay tingin sa relo. Hay naku! Kahit ano-ano na lang napapansin ko sa kanila. Ang tagal naman. Naiinip na ako kahihintay wala pa rin. Pakonti na rin mga tao. Tumayo na muna ko bigla ako nagutom. Ikaw ba naman hindi matakam sa dala  ng dalawang lalaki. Mukha lechon pa naman 'yong nasa tapat ko.  Pagbalik ko, bigla ako kinabahan napatingin ako sa mga gamit ko na hinanap ko. Wala na 'yong gamit ko sabi ko sa isip ako. Patingin-tingin ako sa paligid ko  hanggang sa nakita ko na dala-dala nong isang lalaki ang gamit ko. Napatakbo ako sa kanila medyo malayo na sila. Nanghina ako ng pasakay sila  barko. Ano gagawin ko? Kahit pagod na ako binilisan ko takbo ko hanggang sa nahabol ko sila nakasakay ako. Napaupo muna ako saglit. Nasaan na 'yong mga 'yon sabi ko sa isip ko. Napatingin ako sa loob ng barko medyo malaki-laki ang  hahanapin ko. Humanda talaga sila sa akin oras na makita ko sila. Hindi naman sa kanila kinuha pa nila. Buwisit naman araw na nito ka malas-malas naman oh! Humanda kayo mga mokong kayo pinahirapan niyo pa ako. Imagine ang layo ng tinakbo ko para lang mahabol ko sila. Ramdam ko pagod ko. Napahilamos ako mukha wala naman ibang sumasakay ibig sabihin
Omg! Hindi kaya sa kanila 'to. Palakad lakad ako hinanap ko ang dalawang lalaki hindi ko pa rin nakikita. Naiinis na ako hangang sa  napansin ko paalis na barko saan naman sila pupunta? Bigla ako natakot at kinabahan. Saan ba sila pupunta? Hala paano na to? Ano ba 'tong pinasok ko?Bakasyon ba o problema? Hindi ko pa naman kilala mga to? Nang maramdaman ko nahihilo na ako hindi ako makagalaw napaupo na lang ako sa gilid. Parang gustong-gusto ko sumuka nahihilo na talaga ako. Hindi ko na kinaya napapikit ako. Hindi kasi ako sanay sumakay sa barko sa tuwing nakasakay ako nahihilo at nasusuka  ako kahit na malapit lang.

------------------------

Sarah
Cherry
Boss dave

______________________________________

                Labis Ako Nasaktan
                 (Mike and Cherry)
                    By:c_sweetlady

Labis Ako NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon