Chapter 17

49 5 0
                                    


                     CHAPTER 17

CHERRY'S POV

"Bakit ganyan ka makatingin hindi ako sanay." Natawa ako sa sinabi ni  Patrick

"Hindi ko kasi akalain magkikita tayo sa ganitong sitwasyon. Ikaw iyong isusurprise ko sana pero parang ako ang nasurprise saiyo.

"Nagtatampo talaga ako sa'yo lagi ako nakatingin sa phone ko na nagbakasaling tawagan mo man lang ako,  kahit na batiin man lang ako, pero wala ako natanggap mula saiyo. Akala ko kinalimutan mo na ko.

"Puwede ba 'yon," sabi ko sa kan'ya.

"Hmmn." Seryoso nakatingin si Patrick sa akin.

"Oh bakit ganyan ka makatingin," sabi ko din sa kan'ya.

"Wala, ganda mo kasi."

"Tara na maganda tanawin ngayon ang dami bituin." Sabay hila ko sa kan'ya. Nagulat ako ng hinawakan ni Patrick  kamay ko. Naglakad-lakad  kami ng bigla ako napahinto. Nakasalubong ko si Mike na hindi mapinta ang mukha. Bigla ako kinabahan ng  mapalapit siya sa amin. Hindi  ako  makagalaw ng mapatingin siya sa akin. Nagulat ako sa ginawa ni Mike kay Patrick bigla na lang niya ako hinila palapit sa kan'ya.

"Uuwi na tayo," sabi niya sa akin.

"Ayaw ko."  Sabay alis ko sa kamay niya. Rinig ko  napamura si Mike. Muli siya lumapit  sa akin. Ramdam ko galit na galit siya hinarap niya ako. Nakayuko lang ako, hindi kasi ako makatingin kay Mike. Natatakot ako sa kan'ya. Galit na galit siya sa ginawa ginawa  ko. Alam ko  kasalanan ko naman hindi ako nagpaalam sa kanila.

"Bakit! Dahil ba sa lalaki na 'yan?Ngayon mo lang nakita 'yan nakikipagmabutihan ka kaagad." Napatingin si Patrick sa amin naguguluhan.

"Teka pare, ano ba pinagsasabi mo?"

"Hindi kita kausap." Bigla na lang  sinuntok ni Mike si Patrick. Nagulat ako sa ginawa niya. Natumba si Patrick sa lakas na magkasuntok ni Mike. Nainis ako sa ginawa ni Mike. Bakit siya nananapak wala naman kasalanan si Patrick sa kan'ya. Lalapit ko na sana si Patrick ay para tulungan siya ng bigla napalapit  si Shane na patakbo lumapit kay Patrick. Hinalalayan niya ito tumayo. Nagulat ako magkakilala sila ni Patrick? Bakit nandito siya? Napatingin ako seryoso kay Shane. Lumapit si Shane na hinarap si Mike.

"Ano ka ba Mike. Bakit kailangan mo manakit?" sigaw ni Shane kay Mike. Napatingin lang ako kay Shane. Naguguluhan na ako magkakilala si Patrick at Shane tapos si Mike at si Shane. Bakit na lang lahat may kinalaman si Shane sa buhay ko.

"Kilala mo siya?" Sabay turo ni Mike kay Patrick.

"Oo, kaibigan ko siya. Siya lang naman may-ari nito. Siya si patrick bestfriend ko. Omg bestfriend ni Patrick si Shane. Ang dami-dami  kong  nalalaman. Ano pa ba susunod? Sabi ko sa isip ko.

"Teka nga ano ba problema mo Pare?" Napaharap si Patrick sa akin .

"Cherry sino ba siya?" Hindi man lang ako  makapagsalita. Nahihiya ako napaharap kay Patrick. Ang dami ko na kasalanan sa kan'ya tapos ito guguluhin ko pa resort niya. Lumapit si Mike sa akin.

"Ako lang naman boyfriend niya." Nagulat  ako sa sinabi  ni Mike. Napatingin ako kay  Patrick bigla na lang tumawa ng malakas. Nangyari kay Patrick ano naman binabalik niya? Kung sa asaran naku walang panama si Mike lagot na maaasar lang si Mike nito. Umakbay pa si Patrick sa'kin hindi ko na malayan katabi ko na pala siya. Napapangitnaan lang nila ako.

"Kaya pala ganyan ka makareact. Alam mo pare, lumang style  na 'yan. Kung girlfriend ka ni Cherry bakit nandito siya?" Napatitig ako sa kanila. Mukha nagkakatitigan sila. Lumapit si Mike sa'kin tsaka niya ako hinila pero ang nanyari naghilaan sila. Sumasakit na ang braso ko sa kahihila nila. Napasigaw ako ay hindi dahil sa walang tigil na hilaan nila. Sumasakit na kamay ko kakahila nila.

"Ano ba bitawan niyo nga ako," sigaw ko sa kanila. Binitawan nila ako. Napatalikod ako  iniwan ko sila. Ramdam ko nakasunod sa akin si Mike napatigil ako sa paglalakad ko.

"Saan ka pupunta?"

"Malayo sainyo," sabi ko sa kan'ya.

"Ano ba dapat kong gawin para mapatawad mo lang ako. Nag-usap na tayo di ba! Akala ko ayos na tayo." Bigla ako  natahimik sa sinabi niya. Akala ko ayos na kami. Simula ng dumating ulit si Shane ramdam ko hindi niya ako mahal hinarap ko siya.

"Ewan ko sa'yo."

 "Ah gano'n pala ah! Napapagod na ako sa'yo kahahabol."

"Ano gagawin mo?" binuhat niya ako sa harap ng maraming tao.

"Ano ba bitiwan mo nga ako."
Kahit ano sabihin ko. Hindi niya ako  binibitawan.

"Ano ba ang daming tao?" sabi ko sa kan'ya.

"Wala akong paki."

"Sige na suko na ako ibaba mo na ako. Sasama na ako sa'yo." Binaba  nga ako  ni Mike. Tawang-tawa pa siya nakaharap sa akin. Kanina lang mangangain ng buhay.

"Tara na," sabi niya
sa akin.

"Teka lang mag-uusap muna kami ni Patrick." Biglang nag-iba mukha ni Mike.

"Bakit pa?"

"Hindi ako katulad mo na basta-basta na lang aalis." Pabulong lang pagkasabi ko narinig niya pala.

"Papayagan kita kung kasama ako."

"Ano?"

"'Wag ka na magprotesta," sabi niya sa akin.

"Kakausapin mo o aalis na tayo?" Wala ako nagawa sumunod nga si Mike sa akin. Lumapit ako kay  Patrick na kanina pa nakatingin sa amin. Alam ko nalilito siya sa nangyayari.

"Hanggang dito ka na lang. Mag-uusap lang kami," sabi ko sa kan'ya. Agad ko hinila  si Patrick.

"Oh! Nasasaktan ako ginagawa mo."

"Wala na ba siya?" sabi ko sa kan'ya. Napatingin si Patrick sa akin ng seryoso.

"Wala sa tabi natin, pero nakatingin sa atin dalawa na parang  manganagain siya ng buhay.  Sino ba yon? Bigla na lang ako sinapa. Ang sakit no'n ah." Sabay haplos sa mukha niya.

"Nakakainis nga nagkita pa kami?Sorry ha! Nadamay ka pa. Masakit ba?" Hinawakan ko mukha niya.

"Hindi naman masyado. 'Wag ka na lumapit. Baka makalapit siya agad-agad. Nakatingin siya atin."

"May naisip ako." Tinawanan lang ako ni Patrick

"Ano na naman 'yan?" seryoso niya sabi.

"Itakas mo ako, nakatingin ba?"

"Bakit ba gusto-gusto mo umalis?"

"Basta ayaw ko sa kan'ya. ang kulit kasi."

"Totoo ba boyfriend mo 'yon? Ang daya mo sabi mo ayaw mo magkaboyfriend. Bakit ngayon pinagpalit mo ko?" Tinawakan ko rin siya. Nagawa magdrama.

"Naniwala ka naman." Nagulat kami pareho ng makalapit si Mike  sa amin.

"Anong tinatawanan niyo riyan. Tapos na ba kayo mag-usap? Tara  na Xherry gabi na. Kailangn na natin makaalis." Nagkatingin lang kami ni Patrick.

"Sige patrick, alis na kami."

"Tara na Mike. Nandiyan na 'yong bangka,"  sigaw ni Shane. Napatingin ako  kay Mike nakasimangot nakaharap sa kan'ya.

"Tara na alis na tayo." Sabay akbay niya sa akin.

"Hindi ako sasama. Makakaistorbo pa ako sainyo dalawa." Inalis ko kamay niya nakaakbay sa akin. Tawang-tawa  siya  napalapit sa akin.

"May love 'wag ka na magselos. Magkaibigan lang kami ni Shane di ba Shane?" Habang nakatawa siya. Natawa rin si Shane napaharap sa akin...

"Totoo sinasabi ni Mike magkaibigan lang kami atsaka maiiwan ako rito Mike. May pag-uusapan  pa kami ni Patrick. Sige na alis na kayo."

______________________________________

                Labis Ako Nasaktan
                 (Mike and Cherry)
                    By:c_sweetlady

Labis Ako NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon