Chapter 9

52 6 0
                                    


                     CHAPTER 9

MIKE'S POV

"Totoo ba naging kayo ni Shane." Nagulat kami ni Emz sa bigla  pagsulpot ni John sa amin.  Sinapak niya ako na kinagulat ko sa ginawa niya.

"Tangina nangyari sa'yo?" Sabay lapit ni Emz sa min. Hindi ako makagalaw sa sobra higpit pagkahawak ni John. Problema nito bigla na lang nanapak.

"Tangina naman oh, alam ko na lahat Emz. Si Shane pala naging dahilan Mike  kung bakit kayo nagkasira ni Cherry." Sinuntok ako ulit ni John. Naramdam ko ang  galit niya sa akin.

"Siraulo ka pre, ikaw pala dahilan kung bakit araw-araw umiiyak si Shane. Ang galing mo umarte. Tangina akala ko magkaibigan tayo."

"Sorry," sabi ko mahina kay John. Alam ko na labis-labis niya pinoprotektahan si Shane gano'n siya kaibigan.

"Teka nga! Aano ba nangyayari?" Nalilito na rin si Emz napaharap sa amin.

"Siya kasi, tangina napakaplayboy dalawa ang pinaiyak na babae.

"Sorry! 'Yon lang ang nasabi ko paulit-ulit sa kan'ya.

"Ano pa magagawa ko nangyari na." Natawa si Emz napaharap sa amin.

"Ayos na kayo sa lagay na 'yan."

"Ano ba sa tingin mo?" magtataray ni John. Natawa na rin ako parang babae talaga 'to  pabago-bago ng mood.

"May pasa si Mike sa ginawa mo."

"Dapat lang 'yan sa kan'ya."

"Tangina! loko ka si Shane ang nangloko kay Mike." Sabay batok ni Emz kay Johnm

"Iyan kasi lagi girlfriend lang ang inaatupag  mo. Wala ka ng alam sa nangyayari sa paligid mo. Siya ang lagi kong  kasama. Kaya ngayon wala kang ka alam-alam. Gago ka," sabi ni Emz sa kan'ya.

"Hindi si Mike ang dahilan kung bakit si Shane umiiyak. Tinulungan lang ni Mike si Shane. Alam mo kanino siya umiiyak do'n sa isa natin magaling na  kaibigan. Niloko siya," sigaw ni Emz kay John.

"Bakit sinabi ni Cherry girlfriend mo si Shane." Natahimik ako bigla sinabi ni John

"Bakit natahimik ka. Ano ba talaga ang totoo? Tangina naman eh! Sabihin mo na kasi.

"Hindi ko girlfriend Shane. Kaibigan ko lang siya. Humingi siya sa akin ng tulong paano mapapalabas tunay na saloobin ni Jake. Pumayag ko sa kagustohan niya mangyari." Natawa bigla si John.

"So totoo, niloko mo si Cherry?"

"Teka, paano napunta sa usapan si Cherry?"

"Dahil niloko mo si Cherry. Tangina Mike. Kanina alam mo nasaktan ako ng nakita ko  siya umiiyak. Wala akong magawa. Natahimik ako Mike.  Hindi ko maiisip bakit nagawa mo sa kan'ya. Mike ang bait-bait ni Cherry. Alam mo ba natulala lang ako iniwan niya ako. Aam mo Mike, hindi pa siya nakamove on. Sariwa pa rin sa kan'ya ang sakit naramdaman niya.
Ako sa'yo, kailangan niyo pag-usapan 'yan nakaraan n'yo."

'Tama siya Mike. Bakit hindi kayo mag-usap ng kayong dalawa lang. 'Yong hindi mo inaasar si Cherry. " Napatingin ako sa kanila.

"Magseryoso ka naman pa minsan-minsan. Paano mo makukuha loob ni Cherry kung inaasar mo  lagi siya."

"Naisip ko na rin 'yan John.
Sana nga makapag-usap kami bago siya umalis. Sana nga 'wag na lang siya umalis, dito na lang siya sa tabi ko," sabi ko sa kanila.

"Gumagawa naman ako tiyempo para makausap kaming dalawa kaso mahilap siya kausapin hindi ko siya makausap ng mag-isa. Kung hindi kasama niya si  Manang si Ading naman kausap niya minsan hindi siya lumalabas ng kuwarto.

"Mangyayari 'yan Mike kung magkakaayos kayo. Kaya ikaw bilisan mo na." Sabay ampas ni Emz sa akin.

"Ang cute niya kasi Emz pag-inaasar."

"Tangina 'wag mo kasi daanin sa pa ganyan-ganyan mo. Mas lalo siya naiinis sa'yo! Paano kayo magkakaayos  torpe ka naman kasi dumiskarte." Sabay tawa ni Emz. Tangina gago 'to makatorpe napaharap ako masama sa kan'ya.

"Tara na nga nagugutom na ako," sabi ko na lang sa kanila.

"Kunwari kapa gusto mo lang makita si Cherry mo di ba John." Nag-apir pa sila.

"May plano ako." Napatingin ako kay Emz.

"Ano na naman 'yan Emz."

"Basta may naisip na ako maganda."

"Ano nga?" sigaw ni John sa kan'ya. Masyado kasi maromantic 'to si Emz sa amin tatlo. Lahat siya gumagawa. Minsan napapagkakamalan namin bakla isang 'to.

"Bakit hindi ka magset ng date?Dapat romantic." Kinilig pa sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba umiral  na naman kabaklahan niya.

"Ha?" Takang tanong ni John. Isang 'to minsan bobo rin. Kasasabi pa lang ni Emz.

"Tangina! Nakikinig ka ba?" Sabay batok ni Emz kay John.

"Basta kami bahala sa lahat. Kami na magyayaya kay Cherry." Napahiling na lang ako. Kung ano man pinaplano niya.

"Saan naman?"

"'Wag ka nga magsalita. Naiinis na ako sa'yo." Sa inis ni John binatulan niya si Emz.

"Gago ka! Hindi ko nga alam binabalak mo. Dinadamay mo pa ako," sabi ni John sa kan'ya.

"Anong plano?" sabi ko sa kan'ya. Napatingin lang siya sa akin sabay tawa pa talaga.

"Secret sa amin na lang ni John. Basta masosolo mo siya." Sbay hila niya kay John.

"Magkita na lang tayo mamaya," sigaw ni Emz. Tangina, anong plano wala naman siya sinasabi sa amin. Bigla  ako natakot sa binabalak ni Emz. Iniwan pa ako nga mokong na 'to. Bago ako tumalikod rinig ko pa sumigaw si Emz.

"Magpakaguwapo ka mamaya." Napatingin ako sa dalawa. Tawang-tawa  pa sila. Mga loko sigaw pa  talaga. Alam na may kasama kami sa isla panigurado rinig lahat sinabi niya.

"Mga loko kayo," sigaw ko sa kanila.

"Sige ganyan kayo iwanan niyo ako. Ang sama niyo," sabi ko sa kanila.

"Ang drama mo. Marinig ka pa ng my love mo si Cherry," sigaw ni John." Napatingin ako sa kanila masama. Napahiling ako ng  makita ko binatukan ni Emz si John. Lumipas ang oras. Tangina saan nagpunta mga 'yon. Bakit wala pa sila. Gago mga 'yon. Iniwan ako mag-isa. Tangina saan na naman nagpunta mga 'yon. Ang dami-dami namin gagawin. Loko naisahan nila ako. Ako nagpapakahirap tapos sila nagsasaya lang. Tangina maghapon na pala pa rin sila. Saan mga 'yon nagtago. Tinapos ko dapat namin tapusin may mga
nag-order sa amin kailangan namin maideliver. Ito na naging pinagkakaabalaan ko. Simula no'n na ito na tinayo namin business ng mga kaibigan ko. Nakita ko sa kanila na mahilig sila magdrawing na katulad ko rin na  masaya kapag may naddrawing.  Para nagiging masaya ako kapag madami akong nagagawa na kasama ng mga kaibigan ko.  Mahilig ako magdrawing mga tanawin lalo na bulaklak na nais ko ibigay kay Cherry. Nang maggagabi na. Natapos ko rin. Deretso na ako sa mansio. Walang katao tao  ay dahil sa pagod ko nagpahinga na muna ako.

______________________________________

                Labis Ako Nasaktan
                 (Mike and Cherry)
                    By:c_sweetlady

Labis Ako NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon