Chapter 16

51 6 0
                                    


CHAPTER 16

MIKE'S POV

"Bakit ka ba nagmamadali?" Napatingin kami kay Ading na nalilito si Manang sa kan'ya. Napansin nga namin kanina pa siya hindi mapakali. Napatingin siya sa amin ng seryoso.

"Alam ko na kung nasaan si Cherry nagpunta?" Napatingin ako kay Ading sa sinabi niya.

"Talaga Ading nakita mo na si Cherry." Sabay-sabay kami napalapit kay Ading.

"Nasaan po siya?" tanong ko kay Ading? Mukha ni Ading nakasalubong, hindi ko alam kung sasabihin niya sa'kin base sa mukha niya parang nagdadalawang isip siya." Napakunot noo lang siya nakatingin sa akin.

"Hindi ko pa siya nakita, pero nawawala ang bangka ko."

"Ano?" Sabay-sabay sabi namin

"Teka po, ibig niyo po sabihin tumakas si Cherry gamit ang bangka." Bigla ako napaisip sa sinabi ni Emz. Paano mangyayari 'yon hindi naman marunong si Cherry sabi ko sa isip ko.

"Bakit naman gagawin niya 'yon" sabi ni Shane sa amin. Nakita ko sa mga mata niya naguguluhan na siya nangyayari. Hindi lang siya nagtatanong alam ko aapektuhan siya hindi lang niya sa amin sinasabi. Kanina pa siya nakikinig sa amin. Napatingin siya sa akin ng seryoso.

"Kunwari ka pa." Palihim lang si Ading pagkasabi niya sa asawa niya si Manang pero narinig ko bulong niya katabi ko lang si Manang kasi.

"Ano ka ba marinig ka." Pagsasaway ni manang na bigla siya napatingin sa akin.

"Totoo naman kung hindi siya pumunta rito, sana masaya sila."

"Tumigil ka na nga." Pagsasaway ni Manang kay Ading. Hinarap ako ni Manang.

"Baka hindi pa yon nakakaalis.
Hindi naman 'yon marunong magbangka," sabi ni Manang sa amin.

"Ano pa hinihintay natin tara na," sabi ko sa kanila.

"Teka lang." Napahinto ako pagkasabi ni Shane.

"Sasama ako," seryoso niya sabi sa akin.

"W'ag na shane," sabi ko sa kan'ya.

"Alam ko kung nasaan siya." Napatitig ako sa sinabi ni Shane.

Sigurado ako na sa kabilang isla lang siya." Napakunot noo ako na napalapit kan'ya. Ano pinagsasabi niya na sa kabilang isla lang si Cherry.

"Teka ano sinasabi mo sa kabilang isla? May isla pa ba rito?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"Buong akala ko kami lang. Tangina may isla pa pala rito." Napatingin sila sa sinabi ko.

"Oo! Mike meron yong may-ari nitong bahay dati. Nasa kabilang isla rin siya. Sa katunayan do'n nga ako nagbakasyon ngayon, pumunta lang ako rito para kumustahin kayo. Hindi ko naman sinasadya na maging ganito kayo Mike. Sorry, sorry." Napayuko lang siya.

"Puwede mo ba ako samahan kung saan isla 'yan," sabi ko na lang sa kan'ya.

"Malapit lang dito, pero hindi ako sigurado kung do'n nga siya napadpad," sabi niya sa amin.

"Paano kung hindi? Baka nasa kalagitnaan pa rin siya o baka naman napahamak na siya." Napatingin ako kay Ading. Bigla ako natakot sa sinabi niya. Tangina kasi bakit niya naisipan tumakas gano'n ba siya ka ayaw sa akin. Akala ko ayos na kami. Napasabunot ako sa buhok ko.

"W'ag ka nga nagsalita ng ganyan Ading. Tingnan mo ginawa mo natakot sila."

"Sige na Mike, puntahan niyo 'yong sinasabi ni Shane kami maghahanap ni John sa laot. Umuwi kayo kung ano na balita." Napatango na lang ako kay Ading.

"Sige, ako na lang maiiwan dito baka sakaling bumalik si Cherry."

"Wala kasama si Manang niyo," Napatingin ako kay Manang.

"Kaya ko naman, ikaw talaga Ading. Sige na alis na kayo."

"Dito ka na lang Emz," sabi ko sa kan'ya? Tumango lang si Emz sa amin. Nagpaalam na kami tsaka umalis. Napasunod lang ako kay Shane tahimik lang siya.

"Bakit hindi mo sinabi na may iba pa pala isla rito." Bigla napatingin si Shane sa akin. Seryoso nagkatinginan kaming dalawa.

"Hindi ka naman nagtanong, hindi naman importante 'yon.
Ayon natanaw ko na." Sabay turo niya sa akin. Napatingin ako. Tangina namangha ako sa ganda ng view.

"Ang ganda ng resort," sabi ko sa kan'ya pagkababa namin.

"Matagal na ba resort 'to?" Nakangiti siya nakaharap sa akin.

"Matagal na ito, nauna pa ito pinagawa bago mo nabili ang isla atsaka marami rito namamasyal." Napatingin lang ako sa resort. Marami nga tao.

"Bakit hindi ko alam ito?" Napatingin siya sa akin ng seryoso.

"Ibig niyo sabihin hindi kayo lumabas kahit man sa ibang lugar." Tmango lang ako. Hindi ko naman kasi alam na meron pa isla rito. Kung alam ko lang eh di sana nakapasyal kami ng mga kaibigan ko rito paminsan-minsan.

"Hindi eh! Akala ko kasi kami lang ang nakatira rito. Hindi mo man lang sinabi." Pninisi ko sa kan'ya.

"Hindi naman kayo nagtanong kasi." Tinawanan niya lang ako.

"Akala ko naman alam niyo 'to. Ang tagal niyo na sa isla, ngayon niyo lang nalaman sabay tawa niya ulit. Ako naman napasunod na lang ako kay Shane. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Maya-maya may lumapit sa kan'ya. Tnawag siya. Napatigil kami ni Shane. Nakangiti siya nakatingin siya.

"Siya ba 'yong boyfriend mo Shane." Bigla kami nagkatinginan ni Shane sa sinabi nong girl. Natawa si Shane sa sinabi nong girl. Napakunot noo 'yong babae kaharap ni Shane. Ako naman tahimik na lang.

"Loka-loka ka Kath. Bakit nandito ka? "Tanong niya kay Kath. Kath pala pangalan napatingin lang ako sa kan'ya.

"Nabalitaan ko kasi nandito siya."

"Sino?" Tanong ni Shane.

"Alam mo na 'yon, nakikinig lang ako sa kanila.

"Ang guwapo ng kasama mo," mahina niya sabi kay Shane.

"May mahal na 'yan."

"Grabe siya. Ang sakit naman harapan talaga."

"Aagawin mo pa! Ang sama mo," sabi niya sa kaibigan niya.

"Sige maiwan ko na kayo. Loka ka eh! Ayaw mo lang ako makalove life." Nagtawanan na lang silang dalawa. Napatingin lang ako sa kanila. Buti naman nakahanap din siya tunay na kaibigan. Si Shane kasi lagi na lang siya nasasaktan sa mga tao malalapit sa kan'ya.

"Gusto mo ba kumain muna?" Napatingin ako kay Shane.

"Sige Shane sumama ka na sa kan'ya. Magkita na lang tayo rito mamaya," sabi ko.

"Paano ka!" seryoso niya sabi.

"'Wag ako isipin mo kaya ko sarili ko."

"Ah okey! Magtatanong din ko kung may nakita sila. Magkita na lang tayo rito."

"Sige salamat Shane." Umalis na nga sila. Ako naman nagpatuloy sa paghahanap. Nalibot ko nga buong resort hindi ko pa rin nakita si Cherry. Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap. Alam ko makikita ko siya ng bigla ako nagutom kumain muna ako at nagpahinga mamaya na ako maghahanap.

______________________________________

Labis Ako Nasaktan
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady

Labis Ako NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon