Chapter 3

85 5 0
                                    

                          CHAPTER 3

MIKE'S POV

"Pre!  May malaki tayo problema." Napalingon ako sa sigaw ni Emz.

"Ikaw kasi!" Napakunot noo ako sa dalawa panay nagsisihan. Anong kalokohan ginawa nila hindi nila magawa masabi sa akin.

"Hindi ko naman sinasadya, nagmamadali kasi tayo." Napatingin ako sa dalawa. Seryoso ko sila tinitigan. Anong problem mga 'to? Kanina pa sila ganyan ng bigla na lang may pumasok na babae hindi ko namukhaan nasa likuran kasi ni John.

"Gusto ko makausap ang may-ari ng bahay na ito," sigaw ng babae na basta na lang pumasok. Napatayo ako naguguluhan sa kanila. Nagulat   ako ng makita ko sino pumasok nagkatinginan kaming dalawa na parang huminto ang puso ko makita siya. Titig na titig ako nakatingin sa kan'ya.  Nang bigla siya nagtago sa  likuran ng mga kaibigan ko pagkakita sa akin.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo. Namumutla ka,"sabi ni John kay Cherry. Napatingin  ako sa kanila na nakakapit si Cherry kay John.

"Ok lang ako," sabi ni Cherry hanggang sa paunti unti siya umatras ng  tuluyan na kalabas. Maya-maya may narinig kamung  sumigaw. Nagmadali ako napatakbo. Agad na lumapit kay Cherry.  Binuhat ko siya  hanggang sa may sala.

""Aray ko!" sabi niya. Pinilit kasi gumalaw.

"Lumayo ka sa akin."

"May masakit ba?" tanong ko sa kan'ya. Tiningnan lang niya ako tsaka siya tumayo.

"Aray ko! Ang sakit," sabi niya paulit-ulit.

"Bakit ba kasi tumayo ka?" Hindi pa rin niya ako pinapansin at magawang tingnan.

"Mike, ito na 'yong gamot." Napatango ako kay John. Lumapit ako kay Cherry para tingnan paa niya. Namamaga kasi mukha napilayan pagkahulog sa hagdan.

"Wag kang lumapit sa akin, lumayo ka?"

"Gagamutin ko lang. Wala naman ako  gagawin sa'yo masama.  Tingnan mo namamaga na," sabi ko sa kan'ya.

"Wag kang mag-alala mabait 'yan si Mike. Sige maiwan muna namin kayo." Natawa ako  sa sinabi ni John?

"Wag niyo ako iwan."  sumigaw si Cherry sa kanila. Napalapit ako kay Cherry. Wala siya nagawa napatingin lang siya sa akin. Napaluhod ako bigla na hinawakan ko paa niya. Ginamot ko namamaga na niya kaliwang paa.

"May masakit pa ba?" sabi ko sa kan'ya. Nakatitig lang siya sa akin.

"Gusto ko na umuwi," sabi niya mahina sa akin. Tumayo ulit si Cherry pinilit niya  hanggang sa natumba siya.  Buti na lang nahawakan ko siya.

"Bakit ba ang kulit mo?
Sinabi na hindi mo pa kaya." Napalakas boses ko. Hindi ko naman sinasadya. Napatingin lang siya sa akin. Hindi na siya ulit nagsalita. Tahimik lang siya nakaupo. Napatingin ako sa kan'ya mukha may malalim siya  iniisip.

"Ano kaya  ginagawa ni Mike rito?
Alam ko na sa ibang bansa  na siya kasama 'yong girlfriend niya." Narinig ko bulong ni Cherry. Sabi na maymalalim siya iniisip. Bigla siya nagseryoso  nakatingin sa akin. Napatabi ako sa kan'ya. Tahimik lang kami pareho ng lumapit  si manang sa amin.

"Mike, nakahanda na pagkain. Kumain na muna kayo?"

"Sige po manang susunod kami," sabi ko kay manang. Kanina pa siya nakatingin sa'kin. Tumayo ako lumapit sa kan'ya tsaka ko siya binuhat.

"Anong ginagawa mo? Lumayo ka," sigaw niya. Patuloy ko siya binuhat hanggang sa dinala ko siya sa kusina. Sa tabi ko siya pinaupo. Ramdam ko  napatingin sa akin  mga kaibigan ko. Natulala lang si Cherry nang pinaglagyan ako  siya ng pagkain.

Labis Ako NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon