CHAPTER10JOHN'S POV
"Saan ba tayo pupunta?
Hoy sumagot naman kayo pag ako nadapa lagot kayo sa akin." Ang kulit naman ni Cherry."Malapit na tayo," bulong ko sa kan'ya.
"Malapit kayo riyan, wala ako nakikita. Alisin niyo na nga itong nakatakip sa akin."
"Suprise nga eh! May surprise ba nakikita? 'Wag ka na kasi maingay. Excited ka naman."
"Ako pa talaga excited kung nakakita lang ako nabutakan ko kayo." Natawa na lang ako kay Cherry ang ingay-ingay eh.
"Alisin niyo na kasi 'to," sabi niya paulit-ulit.
"Diyan ka lang ah! 'Wag ka kasi maingay," sabi ko sa kan'ya pabulong.
"Bakit saan ka pupunta?"
"Basta Cherry may kakausapin lang ako." Lumayo ako iniwan ko si Cherry na kung saan siya nakatayo.
"Ano na! Nandiyan na ba si Mike?" sigaw ko kay Emz.
"Malapit na siya."
"Tangina anong malapit kanina pa si Cherry naiinip."
"Ayan na oh! Kasama ni Manang at Ading." Lumapit na ako sa kanila. Hinarap ko si Mike. Tangina iba rin pormahan mukhang pinaghandaan ng gago.
"Ang tagal mo naman Mike!" Ang loko nakangiti lang. Mukha masaya siya base sa sa kan'yang mukha. Tangina labas lahat ng ngipin. Aba! Ikaw ba naman makikipagdate sa taong mahal mo. Napahiling na lang ako.
"Sabi mo umayos ako. Ok na ba ito?" Nagpacute pa ang loko.
"Tangina naman Mike, aminin mo na kasi mas guwapo ako sa'yo di ba po Manang?"
"Oo naman." Habang nakangiti si Manang sa akin.
'Yan gusto ko kay Manang." Sabay yakap ko.
"Ano Mike! Napag-isip mo na ba na mas guwapo ako sa'yo." Nagulat ako ng bigla na lang ako batukan ni Emz.
"Mangarap ka gago ka." Sabay tawa niya sa akin. Lumapit sa amin si Mike seryoso siya nakatingin sa aminm
"Salamat sainyo, sobrang ganda. Hindi ko akalain magagawa niyo ito?"
"Tangina ang drama mo, basta sisingilin ka namin diyan sa ginastos namin." Sabay akbay ni Emz kay Mike.
"Oh siya, mag-enjoy ka. Aalis na kami." Napatingin ako kay Cherry kanina pa nagrereklamo.
"Hoy!" Sabay tapik ko kay Cherry.
"Bakit ang tagal niyo?"
"Tatanggalin ko na ito! Nakakainis na kayo," sigaw ni Cherry. Tahimik lang kami ni Emz nanonod. Naririnig namin boses ni Cherry. Panay reklamo niya hindi niya alam si Mike na kaharap niya. Daan-daan tinanggal ni Mike ang nakapiring kay Cherry. Nakatitig lang si Mike. Hindi ako nakatiis lumapit ako kay Cherry ang bagal kasi ni Mike. Tatanggalin ko na sana ng may humawak sa kamay ko. Napalingon ako napaatras ako ng titigan ako ni Mike ng masama. Nakalapit na si Mike siya na kusa nagtanggal sa takip na kapiring kay Cherry. Nagulat si Cherry makita niya kami. Napatingin siya sa mga lobo nakasabit sa bawat sulok, may mga bulaklak na malapit sa table. Pinalibutan ng magaganda bulaklak. Napatingin si Cherry sa ibaba. Maraming bulaklak na sa daanan pulang-pulang ang mga kulay. Maya-maya lumapit kami ni Emz na handa kumanta sa harap nila.
*song
Noong bata pa tayo
Tayo'y nagsumpaan
Sa harap ng ating mga kaibigan
BINABASA MO ANG
Labis Ako Nasaktan
RomanceMasayang magbabakasyon si Cherry para sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga gamit ni Cherry ay kinuha ng mga estranghero, dalawang lalaki na nasa tabi lamang nito...