Chapter 19

51 5 0
                                    


                CHAPTER 19

CHERRY'S POV

"Goodmorning Cherry, ang aga naman ng gising mo di ba Emz?" Tiningnan ko lang si John, wala kasi ako sa mood na makipagasaran sa kanila.

"Alam mo naman nasa harap natin ang napapatibok ng puso niya." Sabay apir ni Emz kay John. Napatingin ako kay Mike na wala man lang reaksyon. Patuloy lang siya sa  kinakain niya na parang hindi niya ako nakikita. Hindi ako sanay na hindi ako binabati ni Mike. Napatingin ako ulit, wala pa rin. Dedma pa rin siya. Kusa na ako naupo sa tabi niya. Tumayo siya. Tinutoo niya ang  sinabi niya sa akin kagabi. Tahimik na lang ako. Bahala siya kung ayaw niya ako pansinin. Mukha nga nasobrahan ginawa ko sa kan'ya. Inamin ko naman nagkamali ako.

"Oh tapos ka na?" Nakatingin lang ako kay Manang tahimik lang si  Mike.

"Oo po, marami pa ako tatapusin." 'Yon lang sinabi ni Mike

"Oh siya igagawa na lang kita meryenda mo para mamaya."

"'Wag na po Manang maghanda,   kasi po pupunta ko si Shane. Sabi ko na nga ba Shane na naman. Tama desisyon ko na hindi na maniwala sa kan'ya. Hindi ko na siya pinansin. Tsaka umalis na rin  si Mike iniwan kami.

"Nangyari do'n." Napatingin si Emz kay John tsaka sila nakatingin sa akin.

"Tanungin mo si Cherry," sabi ni John sabay kalapit niya  sa akin

"Bakit ako? Ano ba ginawa ko?
Kung ayaw niya mamansin. Eh! Di 'wag, bahala siya.  Pansinan niya Shane niya."

"Mukhang may nangyayari sa dalawa."

"Meron talaga John taguan feeling." Sabay tawa ng dalawa.

"Ano sabi niyo?"

'Wala!" Sabay pa talaga sila.

"Nakakainis kayo, makaalis na nga!" Patayo na lang ako  ng makita ko papalapit si Mike at Shane papunta sa amin. Napatingin ako sa kanila. Mukha naman masaya nagtatawanan pa nga sila. Napatayo si Emz at John tumabi pa talaga sa akin. Nakatingin  sila sa akin ng seryoso. Napansin ko sila sabay harap ko sa dalawa. Kakainis sila, ako naman ang nakita nila. Problema ba nila? Eh! Ano ngayon kung makipagbalikan siya sa Shane niya. Eh! Do'n siya.

"Oh bakit may dumi ba ako sa mukha ko," sabi ko sa dalawa. Kung makatitig kasi parang ewan.

"Wala naman." Tawang-tawa si John napakamot nakaharap sa akin.

"Oh bakit ganyan kayo makatingin sa akin." Napakunot noo na lang ako. Nakalapit na nga sa amin si Mike at Shane.

"Goodmorning bati ni Shane sa amin?" Bigla ako napatingin sa katabi ko. Tahimik lang sila nakatingin sa akin.

"Oh! Tamang-tama hindi pa ako nag-aagahan. Mpapasarap kain ko." Napaupo na nga si Shane. Ang saya mukha ni Shane nakatingin sa mga pagkain.

"Syempre naman Shane  luto ni Manang." Wow nagsalita rin. Akala ko tuluyan na siya napipi. Kami naman nakatayo lang habang nakikinig sa kanila. Napalapit si  manang  amin

"Narinig ko pangalan ko. May kailangan kayo,"

"Kakain po kami Manang." Aba! Kanina lang sabi niya busog pa siya. Gano'n pala ah bigla ako nainis.

"Paano 'yan hindi  pa ako nakapagluto. 'Yong sinigang na isda pinapaluto ko na kay Ading. Akala ko kasi mamaya pa tanghali pupunta si Shane

"Ok lang po Manang, maaga pa naman," sabi ni Shane kay Manang.

"Oh sige maiwan ko na kayo ng makakaluto na ako." Tiningnan ko lang  sila.  Iyong dalawa lumamon ulit. Mukha nakalimutan nila ako hindi man lang ako  pinapansin. Kanina pa ako nakatayo nakatingin sa kanila. Mukha naman nagkakasayahan na sila. Sa inis ko umalis na lang ako. Magsama kayong dalawa buwisit. Lumabas ako na naiinis, nagpahangin-hangin lang ako sa labas hangggang sa nakatulog ako sa may puno. Hindi ko namalayan ang oras. Kanina pa ako nandito ng may  lumapit sa akin para ginising ako. Nagulat ako ng si Emz ng tumabi sa akin.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala. Napaupo ako nakatingin sa kan'ya.

"Anong oras na ba?" sabi ko sa kan'ya.

"Tanghali na."

"Omg! Kanina pa pala ko dmrito nakatulog."

"Oo nga eh!
Mukha napasarap tulog mo.
Tara na! Kakain na tayo." Napasunod na lang ako kay Emz ng  makasalubobg namin si Manang, Ading, at si John papunta sa kusina ng napatingin ako sa kanila. Nakita ko  kumakain  si Shane at Mike hindi man lang ako hinintay. Nagulat ako ng bigla na lang  umakbay si John sakin. Ang loko hila niya ako.  Nagpahila na lang ako sa kan'ya.

"Nandito na pala kayo! Pasensiya na kung na una na ako. Aalis na kasi ako." Napatingin ako bigla kay Shane.

"Ok lang Shane alam naman namin," sabi  ni Emz habang nakatingin siya sa akin.

"Sige na!  Saluhan niyo na kami."

"Do'n ka na Cherry sa tabi ni Mike." Tiningnan ko masama si emEmz. Nanadya ba siya!"

"Sige na Cherry!" Wala na ako nakagawa ng si Manang na nagsalita. Napalapit ako sa tabi ni Mike. Uupo na sana ako ng   tumayo siya.

"Sige Shane, magbibihis lang ko hintayin na lang kita." Ako naman natahimik na lang. Sabay-sabay na kami kumain.

"Puwede ba tayo mag-usap bago ako umalis?" Nabigla ako napatingin  kay Shane.

"Sige maiwan muna namin kayo." Sabay tayo ni Emz.

"Tapos na rin kami." Sabay kalabit niya kay John.

"Teka ka lang nagugutom pa ako."

"Mamaya na 'yan."  Seryoso napatingin si John sa akin. Ano kaya sinabi ni Emz sa kan'ya.

"Teka saan kayo pupunta Emz?" mahina sabi ni Shane sa kanila. Napatingin kay Shane ng seryoso siya nakatingin rin sa akin. Problema nito? Kung makatingin sa akin daig pa kakainin ako buhay.

"Pasensiya na kung dahil sa akin. Kung bakit kayo nag-aaway ni Mike ngayon." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kan'ya  mukha siya seryoso sa pagkasabi niya.

"Hindi mo naman kailangan humingi ng paumanhin. " Napatingin ako sa likuran si Mike ang  nag-sasalita. Seryoso siya nakatingin sa akin.

"Tama siya, hindi naman kami," sabi ko mahina.

"Oo nga naman Shane. Hindi naman kami." Naguluhan si Shane sa amin sa palitan namin dalawa. Ang magawa niya ay palipat-lipat ng tingin sa amin dalawa.

"Kasi naman ang alam ko di ba kayo?" Bigla napakamot si Shane sa sinabi niya. 

"Ako dapat humingi ng paumanhin. Ako pa nakasira relasyon niyo." Napakunot noo  nakatingin si Shane sa sinabi ko.

"Sige na Shane, aalis na tayo baka malate ka pa sa barko."

"Aalis ka na?"

"Oo Cherry, ngayon alis ko." Hay oo nga pala. Kanina pa nga niya sinabi aalis siya. Lutang ako.

"May biyahe barko rito?" takang tanong ko.

"Oo naman." Iyong mukha ni Shane gulat na gulat sa tanong ko.

"Kung gano'n puwede na rin ako makaalis. Makakauwi na ako."

"Umalis ka kung gusto mo. Tara na Shane." Sabay hila ni Mike sa kan'ya. Napasunod lang si Shane sa kan'ya habang sa akin ang  tingin niya. Buwisit lalaki na 'to. Ang sama ng ugali. Natulala lang ako nakatingin sa kanila.

______________________________________

                Labis Ako Nasaktan
                 (Mike and Cherry)
                    By:c_sweetlady

Labis Ako NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon