CHAPTER 12
CHERRY'S POV
"Oh! Ading nangyari sa'yo.
Kanino 'yan?" Napatingin ako kay Manang sa naging reaksyon ni Ading.Hoy! Bakit hindi ka sumasagot."
"Kasi naman my love may babae naghahanap kay Mike." Napatingin ako sa kanila na bigla na lang pumasok ang babae natulala kami. Napalapit si Manang sa babae.
"Nandito ba si Mike?" Walang modo pagkasabi ng babae.
Wow! Sino itong babae ito walang respeto ang arte-arte malapitan nga."Ano ba kanina pa ako nagtatanong? Sabi ko nasaan si Mike?"
"Hoy miss, dahan-dahan ka sa pananalita mo? Hindi mo ito pamamahay." Mataray ko sabi sa kan'ya. Tumawa lang ang babae kaharap ako.
"At sino ka ba?" mataray niya sabi sa akin. Aba! Mataray siya sabi ko sa isip ko.
"Sino ka rin?" Nakipagtitigan ako sa kan'ya.
"Alam mo wala akong oras sainyo! Gusto ko makita si Mike," sabi niya sa akin.
"Oh! Bakit hindi ka nakapagsalita? Tabi nga riyan," tinawag niya si Mike. Ang ingay naman babae na 'to. Kung makasigaw daig pa kabilang barangay. Loko pala itong babae na ito. Kumukulo dugo ko. Sasabunutan ko na sana napigilan lang ako ni Manang mukha napansin niya ako.
"Hayaan muna 'yan babae na 'yan."
"Nakakabastos po Manang kakainis. Makaalis na nga! Kayo na bahala riyan." Bigla ako nabadtrip. Sino ba babae na ito. Bakit alam niya nasaan si Mike? Sabi ni Mike walang tao nakakapunta rito. Bigla ko naalala sinabi nila sa akin. Bakit andito babae na 'to? Maganda nga sana, sama naman ng ugali. Umalis na lang ako ng nakasalubong ko si Emz at John. Hindi ko sila pinansin kahit tinatawag nila ako. Direderetso ako sa kuwarto. Nagulat ako naabutan ko si Mike sa kuwarto niya mukha bagong ligo ang loko. Hindi ko siya pinansin. Hinanap ko mga gamit ko. Pinagliligpit ko ng bigla siya napatingin sa ginagawa ko.n Nilagay ko na lahat ang gamit ko na wala akong tinira, lahat nilagay ko sa maleta ko.
"Teka, anong ginagawa mo? Bakit nakaligpit 'yan damit mo" Napatingin ako sa kan'ya seryoso ko hinarap siya.
"Ano sa tingin mo?" mataray ko sabi sa kan'ya.
"Gusto ko na lumipat ng kuwarto.""Bakit naman malaki naman ito, hindi naman kita pinapaalis. Problema mo ba? May topak ka na naman." Nainis ako sinabi niya topak. Ang sarap sabunutan eh.
"Sa gusto ko." Napakunot noo lang siya. Nakatayo lang siya sa harap ko.
"Anong nanyari? Tinupak na naman ba o inasar na naman mga loko mga kaibigan ko." Rinig ko bulong niya. Hindi ko na lang pinansin. Lumabas na ako diretso ako sa kuwarto ko katabi lang. Nakasunod lang siya sa akin nakaharang sa pintuan na seryoso siya nakatingin sa akin.
"Teka nga, baka may gagawin ka na naman." Dali-dali siya pumasok napatingin siya sa akin ng seryoso.
"Problema mo? Ako naman nakatingin lang sa kan'ya masama. Naiinis kasi ako. Sino ba babae na 'yon hindi kaya siya si Shane?
"Makakaalis ka na?" Sabay tulak ko sa kan'ya palabas. Ayaw ko siya kausapin. Hindi na ako lumabas ng marinig ko may tumawag kay Mike. 'Yong babae ipakta na yon sabi ko sa isip ko. Mukha alam niya kung saan kuwarto ni Mike. Iisara ko na lang bigla ako napatingin sa kanila.Nakasalubong niya 'yong ipaktang babae. Kasama pa nila John at Emz. Napatingin ako kay Mike natulala siya nakatingin sa babae ng bigla na lang lumapit 'yong babae niyakap siya at hinalikan pa talaga. Naiinis ako bigla nakita ko ng halikan ng babae ipakta si Mike at yumakap pa talaga babae. Ang landi. Bigla kami nagkatinginan ni Mike. Sa inis ko sinara ko ang pintuan sa katabi lang ni Mike. Nagkulong na lang ako hindi ako lumabas ng maghapon.
BINABASA MO ANG
Labis Ako Nasaktan
RomansaMasayang magbabakasyon si Cherry para sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga gamit ni Cherry ay kinuha ng mga estranghero, dalawang lalaki na nasa tabi lamang nito...