CHAPTER 25CHERRY'S POV
1years
"Nakakainis naman,
Tawag ka ng tawag na sa meeting ako. Netext mo na lang sana ako," sabi ko sa kan'ya. Pagkalapit ko bigla na lang niya ako niyakap. Natahimik ako sa ginawa niya."Nagagalit ka na naman? My love namiss lang kita atsaka gusto ko lang naman makasama ka. Bakit ba nagagalit ka." Napatingin lang ako seryoso sa kan'ya. Nagpacute pa siya nakatingin sa akin.
"Nakalimutan mo na ba? Isang taon na tayo magkasintahan."
"Alam ko hindi ko nakakalimutan," mahina ko sabi sa kan'ya. Paano ko makakalimutan buong buhay ko siya lang minahal ko.
"Kasi naman eh, natakot ako kanina. Alam mo ba 'yong boss ko kanina badtrip na badtrip pumasok sa office. Next time 'wag ka na tumawag sa akin ipapahamak mo pa. Ako pa mapagbalingan init ng ulo ng boss ko. May meeting kasi kami kanina." Paliwanang ko sa kan'ya paulit-ulit na lang kasi kami ganito. Ilan ulit ko na sinabi sa kan'ya kapag nasa work ako 'wag na 'wag siya tatawag.
"Pasensiya ka na love. Mahal na mahal lang kita. Gusto ko, araw-araw kita nakikita." Seryoso ako nakatingin sa kan'ya. Tinalikuran ko na lang siya.
"Saan ka na pupunta?"
"Uuwi na, gusto ko na kasi magpahinga," sabi ko sa kan'ya.
"Mamaya na kumain muna tayo. Ang tagal ko naghintay sa'yo sa labas." Patingin lang ako sa kan'ya bigla ako na konsensiya, pero hindi ko na kaya masama pakiramdam ko. Paano ko sasabihin ito sa kan'ya na hindi siya magagalit. Ikaw ba naman maghintay tapos hindi matutuloy. Napaharap ako sa kan'ya nakayuko.
"Pasensiya na, medyo masakit ang ulo ko kailangan ko na magpahinga. Maaga pa kasi ako bukas." Bigla na lang nag-iba mukha ni Mike. Tinalikuran niya ako at hindi na nagsalita pa siya. Napasunod ako sa kan'ya kahit na masama pakiramdam ko.
"Galit ka ba?" sabi ko sa kan'ya. Napahinto siya hinarap niya ako.
"Hindi ako galit," sigaw niya sa akin. Napaatras ako ramdam ko pinipigilan niya ako magalit. Napahilamos siya sa mukha niya.
"Naiinis lang ako, alam mo ba 'yon. Tangina kanina pa ako naghintay sa'yo tapos hindi naman pala matutuloy. Ang dami mo kasi dahilan," sigaw niya sa akin.
"Tangina pareho tayo pagod Cherry, pero kinakaya ko dahil gusto ko makasama ka tapos ngayon na pinaka importante araw nakalimutan mo. Lintik na dahilan 'yan acherry. Ito pa talaga araw na 'to. Ito lang Cherry hinihingi ko sa'yo araw na 'to. Gusto ko sabay natin icelebrate ang anniversary natin. Isang taon na tayo, pero parang pakiramdam ko hindi mo ako mahal. Ano ba relasyon natin ito? Gumaganti ka ba? Sabihin mo 'wag mo akong gawin tanga." Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko magawa makapagsalita. Inamin ko ang dami ko pagkukulang sa kan'ya. Simula bumalik ako sa work ko. Hindi ko na siya nakakausap o minsan nakakasama.
"Ano Cherry sumagot ka? Lagi kita iniintindi! Paano naman ako! Ginagawa ko naman lahat para sa atin ha! Kailan naman ako uunahin mo riyan sa puso mo. Mahal mo ba talaga ako o ako lang nagmamahal sa'yo? Cherry oras lang hinihingi ko sa'yo. Sabihin mo mahal mo ba ako." Napatingin lang ako sa kan'ya.
"Ano hindi ka na nakapagsalita riyan. Sabihin mo Cherry tangina naman." Bigla ako napaharap sa kan'ya. Napatingin ako sa harapan namin na may mga ilan na dumadaan nakatingin sa amin. Dito pa talaga kami mag-aaway sa harap ng mga kawork ko. Eh, sinabi ko naman hindi ko kaya masama pakiramdam ko.
"Ano ba pinagsasabi mo? Busy lang ako sa work ko. Nakita mo naman di ba!" sabi ko sa kan'ya. Wala nga akong time sa sarili ko tapos ngayon dumadagdag ka pa," sabi ko sa kan'ya.
"Tingnan mo kauuwi ko pa lang. Kung napapagod ka na! Hindi mo naman ako kailangan sunduin. Kaya ko naman umuwi ang dami mo sinabi." Tiinalikuran ko siya nainis kasi ako. Alam ko nagkamali ako pinagmukha pa niya sa akin. Hindi naman siya ang nahihirapan sa relasyon namin. Lagi ko naman siya iniisip. Nawalan lang ko oras, pero hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa kan'ya.
"Diyan ka magaling ang umiwas." Napahinto ako sa sinabi ni niya. Napaharap ako sa kan'ya masama ko siya tingnan. Ano ba problema niya? Bakit ba siya nagagalit?
"Ano ba? Ang ingay mo," sabi ko sa kan'ya.
"Naririnig nila tayo oh! Puwede ba 'wag ngayon Mike?" mahinahon ko sabi sa kan'ya.
"Nakakainis naman, ang dami ko na nga problema dinadagdagan mo pa. Hindi ko naman nakakalimutan anniversary natin pagod lang ko. Sorry kung pakiramdam mo binabaliwala lang kita. Alam mo naman gaano kita ka mahal tapos sasabihin mo sa akin gumaganti lang ako sa'yo? Bakit ko naman 'yon gagawin, kung sa una pa lang hindi kita mahal? Bakit ko pahihirapan sarili ko para gumanti lang sa'yo." Sa inis ko iniwan ko na siya. Buti na lang hindi siya sumunod baka kasi kapag sumunod pa siya bigla na lang ako mawalan ng malay. Nanghihina na kasi ako parang nahihilo na ko. Ang sakit-sakit na ng mga katawan ko. Naghintay ako may masasakyan ng may pumara sa tapat ko. Agad-agad ako sumakay hindi ko na siya pinansin. Hindi kami magkakaintindihan, dahil pareho kami galit. Pagkarating ko deretso ako sa bahay inuupahan ko. Agad ako nagpahinga hindi ko na talaga kaya. Iniisip ko lahat sinabi niya kanina. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagalit. Wala lang talaga ako oras sa kan'ya. Tama ba 'tong pinasok ko o sadyang kampante lang ako sa relasyon namin, kaya buong akala ko maiintindihan niya ako. Ang sama ko. Ang sama ko girlfriend sa kan'ya. Hindi ko man lang naappreciate ginagawa niya. Naiinis lang kasi ako ang dami niya sinasabi. Mahal na mahal ko siya, alam naman niya 'yon. Simula ng sagutin ko siya minahal ko na siya ng buong puso ko na kahit natakot na ako magmahal muli, pero pinili ko magsimula kasama siya ulit, tapos sasabihin niya hindi ko siya mahal. Kakainis lang, lahat ng pagmamahal ko sa kan'ya puro lang pala kukunwari sa tingin niya, pero hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa akin ngayon, ako may kasalanan. Kung kaya lang ng katawan ko sasama ako sa kan'ya, pero hindi nanginig na nga ako kanina hindi ko lang pinahalata sa kan'ya hanggang sa nakatulog ako.
______________________________________
Labis Ako Nasaktan
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Labis Ako Nasaktan
RomanceMasayang magbabakasyon si Cherry para sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga gamit ni Cherry ay kinuha ng mga estranghero, dalawang lalaki na nasa tabi lamang nito...