CHAPTER 28
CHERRY'S POV
"Gising nandito na tayo," sigaw ni Emz sa akin. Napamulat ako kahit nahihilo pa rin ako. Tumayo na ako humarap sa kaya.
"Nahihilo ako," sabi ko sa kan'ya. Tumawa si Emz nakaharap sa akin. Loko 'to tinawanan pa ako nahihilo na nga ako. Masasapak ko 'to siraulo na lalaki na 'to. Alam na hindi ako sanay sumakay sa barko. Hinirapan ko na lang siya.
"Bakit ka tumawa?" mataray ko sabi sa kan'ya.
"Ikaw kasi hindi ka na sanay."
"Eh sa nahihilo ako," sabi ko sa kan'ya. Hindi ko siya pinansin bigla na lang ako nagtatakbo palabas na walang lingon-lingon. Sumuka ako pagkarating ko sa labas. Nang matapos na napatingin ako sa paligid. Laking gulat ko ng makita ko siya. Nasa harapan ko si Mike na may dalang bulaklak na kanina pa pala naghihintay sa amin. Nakita ko rin na iba't-ibang palamuti. Nagulat ako ng may biglang nagpatugtug. Napatingin ako sa kanila. Naghaharana sila Manang, John, Emz at si Ading. Napatingin na lang ako sa kanila. Hindi ko akalain na magagawa ito ni Mike na surprise niya ako. Pinaghandaan talaga niya 'to. Ang ganda ng pagkagawa. Muli ako napatingin kay Mike. May kinuha siya at napahawak siya sa kamay ko. Maya-maya pinasuot niya akin habang siya nakaluhod pa talaga. Natulala ko sa ginawa niya. Wala pa rin tigil sa pagkakanta nila.
Labis ako Nasaktan
@c_sweetladyNoong bata pa tayo
Tayo'y nagsumpaan
Sa harap ng ating mga kaibigan
Kay tagal ng panahon ating pagsasama
Hindi ko naisip
Nagawa mo sa'kin 'to
Chorus:
Labis ako nasaktan
Hindi ko maisip
Bakit nagawa mo sa'kin 'to
ano ba nagawa ko sa'yo
Na labis mo akong nasaktan
Sa kay tagal ng panahon
Muli tayo'y nagkita
Muling nagbalik ang poot at galit sa'yo
Gusto kong umiyak at sabihin sa'yo
Labis mo akong nasaktan
Repeat Chorus 2x
Sobra ako humanga sa kanila. Mapanakit iyong kanta pero infairness ang gaganda ng boses nila. Naalala ko sinabi ni Emz. Sabi ko na nga ito ba sinasabi ni Emz importante. Dinamay pa si Manang sa mga kalokohan nila. Umalis ako sa work dahil dito mga loko 'to kung alam ko lang hindi na ako pumayag, pero grabe effort nila sobra.
"Sa pinakamamahal ko ang aking Prinsesa." Napatingin ako seryoso kay Mike. Gusto ko na tumawa pero pinipigilan ko lang.
"Sorry sa nagawa ko sa'yo. Mahal na mahal kita. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na sana matanggap mo ako.
"Cherry tumingin ka sa ulap." Ano raw? anong meron sa ulap dahil sa nacurious ako napatingin ako sa sinabi niya. Bigla ako nagulat ng may nagpaputok at nakita ko na may nakalagay na
"Cherry my love, will you marry Me?"
May mga lobo ako na nakikita iba't-ibang kulay at ang hindi ko inaasahan natulala ako may isang eroplano na dumaan ang laking gulat ko nang makita ko mga kaibigan ko sila Patrick na kumakaway sa amin at sumisigaw na "Pumayag ka na Cherry" hanggang sa nawala na sila.
BINABASA MO ANG
Labis Ako Nasaktan
DragosteMasayang magbabakasyon si Cherry para sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga gamit ni Cherry ay kinuha ng mga estranghero, dalawang lalaki na nasa tabi lamang nito...