CHAPTER 8CHEERY'S POV
"Bakit nandito ka, ang init dito sa labas." Napalingon ako bigla kay Ading.
"Kakainis po sila," sabi ko kay Ading.
"Naku ganyan talaga mga 'yan mapagbiro. Masanay ka na ngayon lang nakakita ng maganda kasi. Di ba my love." Napalapit si Manang sa amin.
"Tigilan mo katatawag na my love, nakakahiya kay Cherry." Sabay ampas ni Manang kay Ading." Natawa na lang ako sa kanila. Maloko rin kasi si Ading.
"Ang sweet nga po Manang," sabi ko.
"Naku binola mo rin ako bata ka. Pili ka na rito para maluto ko para sa'yo." Napatingin ako sa dala ni Ading. Ang dami kasi isda iba't-iba. Hindi ko nga kilala anong mga isda ito.
"Kahit ano po basta luto niyo po," sabi ko kay Manang.
"Ito na lang mag-ihaw tayo bangus. Gusto mo ba? Bagong huli ni ading ko."
"Sige po Manang."
"Oh siya, maiwan na kita rito."
"Sama na ako my love." Natawa ako hinabol ni Ading si Manang. May pagkamakulit si Ading. Natutuwa ako makita sila naglalambingan.
"Ang sweet nila noh." Napatingin ako kay John tumabi siya sa tabi ko. Tiningnan niya lang ako napatingin sa dagat.
"Kanina pa kita gusto lapitan. Lalapitan sana kita ng makita ko masaya ka nakikipagbiruan kila Manang. Pasensiya na kanina sa inasal ni Mike." Nakatitig lang ako napatingin sa kan'ya.
"Nakakainis kasi 'yan kaibigan mo." Tumawa si John napakunot noo lang ako.
"Alam mo nagpapansin lang 'yan si Mike.
"Bakit naman siya magpapansin hindi naman ako si Shane. Seryoso bigla napatingin si John sa akin. May nasabi ba ako Mali.
"Kilala mo si Shane?" takang tanong niya.
"Hindi. Hindi ko pa siya nakita kahit kailan, pero ang alam ko girlfriend siya ni Mike. Iyon ang sabi niya. Napatingin ako sa kan'ya. Nakakunot noo lang siya sa akin.
"Shane Guavas ba ito?" Napakunot noo ako sa kan'ya.
"Ewan, alam ko lang Shane name niya. Kilala mo si Shane?" sabi ko sa kan'ya.
"Oo, matalik ko siya kaibigan.c
"Ah ganon ba! Sige aalis na ako." Ayaw ko magtanong mahirap na baka may masabi ko hindi maganda. Matagal naman kami wala ni Mike. Tanggap ko naman na ako lang nagmahal sa kan'ya. Kahit kailan tanggap ko naman na hindi niya ako pipiliin. Sino ba naman ako sabi ko sa isip ko.
"Wala sinabi si Mike sa amin kaugnayan nila ni Shane." Pahabol na sinabi ni John napahinto ako. Hinarap ko siya seryoso ako sa kan'ya.
"Wala naman ako paki kung magkaibigan kayo. Hindi ako interesado."
"Sigurado ka ba na girlfriend ni Mike si Shane kasi imposible naman mangyari 'yon. Natawa ako sa sinabi ni John.
"Si Mike na lang kausapin mo. Siya makakasagot na kanina mo pa gustong malaman." Naguluhan ako kaibigan niya, hindi niya alam tungkol sa mga kaibigan nila.
"Hindi naman 'yon nagsasabi," seryoso sabi niya sa akin.
"Akala ko ba magkaibigan kayo." Tanong ko sa kan'ya.
"Bakit hindi mo alam bagay na 'to?" Hindi ko na napigilan itanong sa kan'ya.
"Eh, kasi naman ayaw mo sabihin." Mapapamura ako sa lalaki na 'to ang kulit.
"Ang kulit mo rin kasi, akala ko ba kaibigan mo siya. Bakit wala ka alam, pero sa sa past namin alam niyo
"Alam nga namin sainyo iyon ang sinabi niya sa amin, pero 'yong sa kanila ni Shane wala, ngayon ko lang nalaman nang banggitin mo pangalan ni Shane." Bakit parang interesado siya kay Shane. Napakunot noo napaharap ako sa kan'ya.
"Anong klase kang kaibigan hindi mo alam, sabi mo matalik mo siya kaibigan atsaka si Shane lang sinabi ko ang dami Shane sa mundong ito," sabi ko sa kan'ya.
"Wala! Naman si Mike kinakaibigan. Tanging kami lang nila Shane ang kaibigan niya bukod sa mga gangster niya noon."
No'ng bangitin niya mga gangster bigla ako nanghina at natakot. Hindi ko makalimutan sinapit ko sa kamay ng mga gangster. Bigla ako natahimik."Malihim kasi 'yan si Mike." Hindi na lang ako nagsalita
"Please gusto ko malaman?" sabi niya.
"Sige na nga para matapos na." Hindi ko alam kung sino si Shane ang sinasabi mo. Ang pagkakaalam ko , siya lang naman 'yong girlfriend ng kaibigan mo na mahal na mahal niya. Handa pa nga pumatay para kay Shane. Kung paano ipagtanggol ni Mike si Shane pero, nong --------." Bigla ako natahimik naalala ko nong nasa panganib ako hindi man lang niya ako pinagtanggol iniwan pa nga niya ako sa mga gago lalaki. Muntik pa ako masunog kung hindi lang ako nakaligtas. Napayuko na lang ako natahimik muli.
"Ngayon alam mo na. 'Yon na lang lumabas sa bibig ko hindi ako makatingin sa kan'ya.
"Sabi ko na nga ba may something sila ni Shane, pero kung girlfriend niya si Shane paano sila naghiwalay." Napatingin ako sa sinabi niya.
"Aba! Malay ko riyan sa tanong mo. Paano kayo naging magkaibigan Mike?" tanong ko sa kan'ya.
"Sa ibang kami naging close ni Mike, pero kilala ko na siya dati pa. Naging mag-kalaban pa nga ka niyan. Ikaw paano naging kayo?" tanong niya sa akin.
"Magkaklase kami. Akala ko totoo tao siya kasi mabait siya sa akin. Ayon nan pala may malaking balak sila ng mga kaibigan niya . Kinaibigan niya ako hanggang sa na pinaibig niya. Ako naman tanga naniwala na walang kaalam-alam sa plano nila." Bigla na lang ako naiyak. Bumalik 'yong sakit naranasan ko.
"Ang sakit lang kasi niloko niya ako. Ang sama niya. Ok lang kung ako lang niloko niya pero mas masakit kasi dinamay pa niya pamilya ko. Ang sama niya. Nakalimutan ko na siya. Kasalanan niyo kasi! Bakit pa ako kasi nandito, kainis kayo." Sabay ampas ko sa kan'ya.
"Sorry, hindi naman namin alam."
"Wala na 'yon sige na maiwan na kita." Umalis na ako. Nagmadali ako sa kuwarto ko, nagkulong ako. Kung makakaalis lang ako rito. Matagal ko na ginawa, kaso ang hirap makaalis. Kaya nga ako nagbakasyon para marelax din paminsan-minsan. Ginulo na naman buhay ko, tapos nalilito ako sa kasweetan niya. Eh may Shane naman pala siya. May plano pa nga si Mike sa magiging pamilya niya sabi ni Manang sa akin pero naguluhan ako sa sinabi ni John ngyon lang. Sabi niya hiwalay na si Mike at shane. Hay ang gulo hindi nga niya alam na girlfrend ni Mike si Shane. May kalokohan din si John hanggang sa dinalaw na ako antok.
______________________________________
Labis Ako Nasaktan
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Labis Ako Nasaktan
RomanceMasayang magbabakasyon si Cherry para sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga gamit ni Cherry ay kinuha ng mga estranghero, dalawang lalaki na nasa tabi lamang nito...