CHAPTER 15CHERRY'S POV
"Nasaan na ba ako?" Napabangon ako napatingin sa paligid. Naguluhan ako. Ang pagkakaalam ko sa bangka akoM Naguluhan na ako paano ako napunta rito?Anong lugar ito? Para ako tanga Nagsasalita ng mag-isa.
"Hindi mo na ba talaga naalala?" Bigla na lang may pumasok. Nagulat ako napakurap ako sa mata ko parang pamilyar sa akin tao na 'to. Iyong boses niya. Napatitig ako ng palapit ng palapit siya sa akin.
"Hoy! Bakit hindi ka na nakasagot riyan," sabi niya sa akin.
"Panaginip ba ako? Nakauwi na ba ako? Ikaw ba yan?" Tuloy-tuloy ko sabi sa kan'ya. Tinawanan lang niya ako.
"Teka ang dami mo tanong, ako nga dapat magtanong sa'yo? Ano ginagawa mo sa kagitnahan ng dagat, tapos mag-isa ka pa?" Naalaala ko na. Napatingin ako sa kan'ya. Hinahanap ko nga si Ading. Nang makita ko bangka niya hindi na ako nagdalawang isip, kinuha ko bangka kahit hindi ako marunong hanggang sa makarating ako kagitnahan ng dagat hanggang sa nanghina ako nakatulog ako.
"Hoy! Ang lalim ng inisip mo." Napatingin ako sa kan'ya seryoso.
"May naalala lang ako.
Teka bakit andito ka?" sabi ko ulit sa kan'ya. Nagugululuhan na ako kaiisip."Ako nagtanong sa'yo, binabalik mo lang tanong ko?" Napakamot lang si Patrick nakatitig siya seryoso.
"Ano ba 'to?" Naguguluhan na ako sabi ko sa kan'ya. Lumapit siya sa akin tinawanan lang niya ako.
"Eh ikaw bakit napunta ka rito?" sabi ko seryoso sa kan'ya.
"Nagpatayo ako sa resort, sa tulong ng kaibigan ko. Ang daya mo. Sabi mo pupuntahan mo ako sa birthday ko naghintay ako sa wala. Bigla ko nga naalala birthday niya. Napayuko na lang ako. Ang hirap iexplain.
"Sorry ang dami nangyari Patrick, ikaw kasi ang bagal mo dumating." Paninisi ko sa kan'ya
Kasalanan naman talaga niya kung dumating agad siya. Sana hindi ako nagkakaganito."Teka bakit ka ba napadpad dito?" Ito na sinabi ko magtatanong na siya. Paano ko ba sisimulan. Kahit siya maguguluhan sa ipapaliwanag ko. Nag-isip muna ako karapat-dapat sa sagot niya. Alam ko naman na hindi niya ako titigilan. Iyong titig pa lang niya ngayon alam ko naghihintay siya ng sagot ko.
"May kaibigan ako taga rito." . Ewan ko ba bakit ito 'yong lumabas sa bibig. Hindi ko sinabi ang totoo, pero teka! Anong lugar ito sabi ko sa isip ko. Napatingin ulit ako sa kan'ya.
"Nakausap mo na ba si Sarah?" sabi ko sa kan'ya.
"Ah! Si Sarah... Hindi pa eh, pero nong isang araw kinakumusta ka niya sa akin."
"Ano sabi mo?" Bigla ako kinabahan. Hindi naman kasi alam ni Sarah na si Patrick ang pupuntahan ko.
"Sabi ko hindi kita nakita. Nagulat nga siya. Hindi ka raw niya makontak." Lagot paano 'to siguradong nag-alala na 'yong bruha na 'yon. Maya-maya may bigla pumasok. Napatingin lang kami sa pumasok na nakauniporme na may dala-dala pagkain. Mmukha mabait nakangiti siya sa akin. Ang cute niya may dimple si girl.
"Sir! Ito na po ang pagkain at damit."
"Sige lagay mo na riyan." Napatingin ako kay Patrick. Aba! Sosyal sir na sir si Patrick. Natawa ako nakatingin sa kan'ya.
"Grabe ang yaman mo na Sir Patrick." Pang-aasar ko sa kan'ya.
'Ikaw lang kasi walang bilib sa akin." Sabay akbay niya sa akin.
"Hoy! Loko ka. Anong walang bilib ka riyan. Alam ko naman magaling. Matalino, mabait, masipag ano pa nga ba?" Kunwari nag-iisip ako. Nagulat ako nilamos niya mukha ko. Tiningnan ko lang siya masama.
"Alam mo namiss kita sobra." Seryoso sabi niya sa akin.
"Ikaw din kaya namiss ko," sabi ko rin sa kan'ya.
"Binubola mo lang ako." Nakasimangot si Patrick nakaharap sa akin. Natawa ako ang cute mukha niya parang kamatis namumula.
"Hindi kaya, pero salamat niligtas mo ako."
"Hindi ako mga tauhan ko." Nagulat nga ako nang makita kita."
"Nasaan ba ako?"
"Andito ka lang sa kabilang isla?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Nasa kabilang isla ako." Pag-uulit ko sa kan'ya.
"Oo! Bakit!" Ibig sabihin niloloko lang nila ako. May kabilang isla pa pala.
"Wala!" 'Yon lang na sabi ko.
"Alam ko nasa kabilang isla ka lang," seryoso sabi ni Patrick. Kaya nga natagpuan ka ng mga tauhan ko. So do'n ka pumunta hindi sa birthday ko.
"Alam mo rin 'yong isla."
Takang tanong ko. Ibig sabihin hindi lang nag-iisa sila. Pinagkaisahan nila ako. Naniwala ako ito ang sabi nila na mahirap makaalis. 'Yon naman pala may nakakaalam pa ng isla. Sabi nila walang iba nakakaalam. Ano ba totoo? Naglolokohan ba kami katulad ng ginawa niya. Bakit lagi na lang ginaganito ako ni Mike. Lagi na lang niya ako sinasaktan.Una, lumapit siya sa akin para sa pustahan ng mga kaibigan niya, pangalawa 'yong pagpunta ni Shane sa isla, alam nga niya kung nasaan si Mike pangatlo sabi nila wala nakakaalam sa isla. Bakit alam ni Patrick tungkol sa isla nakakalito na."Oo! Ako ang dati may -ari, binenta ko lang sa iba." Mas lalo ako naguluhan binenta niya ibig sabihin kilala niya si Mike. Eh si Mike may-ari ng isla sabi nila.
"Omg!" Napasigaw ako naguluhan napatingin siya sa akin.
"Akala ko nag-iisa isla lang ito?
"Ano sabi mo?"
"Wala," mahina ko sabi.
"May masasakyan ba rito biyahe manila?" sabi ko ulit.
"Oo naman! Bakit ang dami mo tanong?"
"Wala 'yon lang lagi sinsabi ko."
"Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa akin."
"Wala." Napayakap ako kay Patrick.
"Namiss kita sobra happy birthday." Iniba ko na lang usapan.
"Hindi ko birthday."
"Kahit na. Basta gusto ko lang bumati sa'yo. Sa lahat nang tulong mo."
"Ang drama mo, hindi bagay sa'yo." Nakakunot noo lang siya nakatingin sa akin.
"Kakainis ka Patrick. Namiss lang talaga kita."
"Hay naku. Kumain ka na nga lang may pupuntahan tayo mamaya."
"Saan?"
"Dito lang sa resort ko ipapasyal kita."
"Talaga." Bigla ako natuwa. Makikita ko rin resort niya kanina pa niya pinagmamalaki.
"Salamat dito ha! Gutom na talaga ako."
"Halata nga, kulang pa ba sa'yo?" Nakatawa lang siya sa akin.
"Nabusog na ako, ang sasarap ng luto rito."
"Sige na pahinga ka na muna, mamaya papasyal kita mamaya." Umalis na nga si Patrick. Bigla ako may naalala lagot nag-alala na sila Manang sabi ko sa isip ko. Paano gamit ko hanggang nakatulog ako kaiisip.
____________________________________
Labis Ako Nasaktan
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Labis Ako Nasaktan
RomanceMasayang magbabakasyon si Cherry para sorpresahin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga gamit ni Cherry ay kinuha ng mga estranghero, dalawang lalaki na nasa tabi lamang nito...