Chapter 7- Karah is back!

15 0 0
                                        

Chapter 7- Karah is back!

Breanne's POV

*************

Halos panawan ng ulirat sina Anne at Trish dahil sa ginawa kong paghatak sa kanila, kasalukuyan na kaming nasa labas ng Mall at tila mga aso na nakalabas pa ang dila habang malalakas ang hingal dahil sa sobrang pagod.

"Breanne ano bang kagagahan na naman ang naiisipan mo at kinalakad mo kami?" Nakamulagat ang matang tanong ni Anne ng makabawi sa pagod.

"Oo nga??? Are you nuts? Are you out on your mind? Nanggagalaiting sabi naman ni Trish.

"Mamaya ko na ikukwento sa inyo pwede ba? Tayo na sa sakayan baka lumabas pa yung lalaking takas sa bilangguan" Pigil ang tawang aya ko sa dalwa na walang nagawa kundi sumunod sa akin

Pagkarating namin sa shop kaagad nag usisa ang dalwa pati si Trish sumama na din sa amin dahil gusto ding makinig sa kwento ko.

"Trish i saw the Escapee guy on the mall"

"What???? You mean si Pogi? Bakit di mo man lang sinabi sa kin ? I wanna meet him! Sayang yun!"

"Angur ka, gusto mo bang balian ako ng buto nun? Baliw ka talaga no? "

"Bakit naman nya gagawin yun? Ano ba ka---"

"Teka teka, ano ba yang pinag uusapan nyong dalwa ha? At hindi ko gets? " Putol ni Anne sa anumang sasabihin ni Trish.

Ikinuwento ko lahat ng nangyari sa bar, inamin ko din kay Trish na gawa gawa ko lang yung kunyari takas bilangguan ang lalaki.

Tawa ng tawa si Anne samantalang si Trish naman ay halos lamunin ako ng buo.

"Luka luka ka talaga Breanne, lagot ka talaga dun, ano ba kaseng pumasok dyan sa kukote mo at naiisipan mo yun? Pano kung magkita uli kayo tapos di mo na sya natakasan?" Natatawang tanong sa kin ni Anne.

"Iyon ay kung magkikita pa kami,at saka kasalanan nya din naman ah, ayoko sa lahat yung pagbibintangan ako no!" nakairap na sagot ko.

"Babalik ako ng SM hahanapin ko sya dahil baka sya na yung nawawala kong destiny" Sabi ni Trish saka dinampot ang kanyang bag.

"Aray! " tili nito. Binato ko kase ito ng suklay. "Lukaret ka talaga pano si Gab? Kahit kelan talaga ang landi mo kaya lagi kang HB"

"Nag jojoke lang naman ako, syempre si Gab ang forever ko, kung gusto mo sayo na lang si Pogi tutal bagay kayo, malay mo sya na ang forever mo" tatawa tawang sabi ni Trish.

"Uy! Baka nga sya na yung hinihintay mo Breanne, kelangan mo din ng lovelife paminsan minsan para naman mabuhay yang romantikong side ng pagkatao mo" sabay tawang segunda naman ni Anne.

"Bwisit kayo! Wag ako iba na lang! At saka FYI hindi ako naghihintay, i don't have time for that, ang dami ko pang kailangan gawin para isingit ko pa yan noh! " nanlalaki ang butas ng ilong na sabi tanggi ko.

"Hay naku! 24 ka na Breanne hindi ka pa nagkaka jowa ano ka?" Si Anne.

"Ay ano pa, di mo pa nararanasan kung gano kasarap ma inlab" segunda uli ni Trish habang natingala sa ere at tila nangangarap at parang mukhang ewan at kinikilig pa yata.

"Wow! Trish, hiyang hiya ako sayo masarap bang mainlab? Kaya naman pala parati kang umiiyak at nasasaktan, and take note ha? Walang kadalaan, at ikaw naman Anne, hanggang kailan ka magpapakamartir dyan sa boyfriend mong hindi ka kayang i-prioritized? " Taas ang kilay na bawi ko sa dalwa. Seriously? ako pa talaga ang nakitang alaskahin ng dalwang lukaret na to.

"Ah basta kasama ang mga ganung bagay pagnagmamahal ka Breanne, hindi mo kayang unawain because you haven't felt it yet, but once na dumating yan sayo well baka katulad ka din namin" kibit balikat na sabi Anne.

I Lied, I Love YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon