Chapter Ten- Karah's evil plan
(Author's POV)
***************
Nagulat si Lola Zeny ng pagdating nya sa bahay ay bukas ang kandado ng pintuan, "Karah? " bulong nito. Saka tuloy tuloy na pumasok sa kwarto.
"Karah?" Dali dali itong lumapit at niyakap ang Apo. "Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala agad, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Tanong nito.
"Lola, anong ibig sabihin nito? " kunot ang noong tanong ni Karah.
Takot at pagkabigla ang bumalatay sa mukha ni Lola Zeny ng makita ang box na hawak hawak ni Karah. " K-Karah, ibalik mo yan sa kin, hindi mo dapat pinapakelaman ang bagay na hindi sayo" hintakot na sabi nito.
" no! Lola, you can't have this back! Not ever! Ako na ang maghahawak ng lihim na ito, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang malasakit nyo kay Breanne at kung bakit mas importante sya kesa sa kin" Tiim bagang na sabi ni Karah.
"Karah, hindi totoo yan! Pareho kayong importante sa kin, ibalik mo yan hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari kapag may nakaalam ng bagay na yan" halos maiiyak na si Lola Zeny habang inaagaw kay Karah ang wooden box.
"Hindi ako tanga para ipaalam ito sa iba lola i will just keep it and make sure that no one will get to see this, kaya you have nothing to worry about! Iingatan ko ito pero syempre i have conditions to ask you" sabi nito saka sinilid sa bag ang wooden box.
Umiiyak na si lola Zeny ng mga sandaling yun. "Karah, iningatan ko yang bagay na yan sa napakahabang panahon, wag mo namang gawin to sakin nakikiusap ako sayo Apo"
" tsk! Bakit ba kailangan mong umiyak lola? Lalo akong naiinis, nagagalit at nasusuklam kay Breanne! Hindi ko nga ilalabas lahat ng to pero may kondisyon, kilala nyo ako lola kapag nangako ako tinutupad ko, alam nyong di ako ganun kasama diba? "
Pinahid ng matanda ang luha saka tumango tango, "alam ko, Apo hindi ka masamang tao, pero ano ba yung kondisyon mo? "
"Makinig kayo lola, ganito ang kailangan nyong gawin" and with that Karah stated all of her conditions.
"Karah hindi ko magagawa yun! " histerikal na tanggi ng matanda, tapos nagsimula na itong umiyak. " Karah hindi naman ako nagkulang sayo, pinilit kitang palakihin ng maayos binigay ko sayo lahat pero bakit sa kabila nun, nagawa mo pa rin to sa kin? Nasasaktan akong makita kang ganyan, nasasaktan akong makita kang unti unting nagiging masamang tao"
"Lola, wag mo na akong sumbatan dahil baka ako naman ang manumbat sa inyo" maigsi ngunit madiing sabi ni Karah.
" sige, sumbatan mo ako Apo, sabihin mo sa kin lahat ng nakita mong mali sa kin tatangapin ko lahat ng yun, basta tigilan mo lang ito nakikiusap ako. " halos magmakaawang sabi ni lola Zeny
"Alam nyong ayoko ng sumbatan, you know how i hated dramas, kahit kelan wala kayong narinig sa kin at mananatiling wala kayong maririnig sa kin anumang panunumbat pero alam nyong gagawin ko kung anong gusto ko! Pumili kayo, susundin nyo ang gusto ko o ipapaalam ko sa buong mundo ang nilalaman ng box na ito? Sabay lakad palabas ng silid. " think about it Lola i'll give you until tomorrow to decide ayokong umabot sa ganito pero binibigyan nyo ako ng dahilan para gawin to" garalgal ang tinig na pahabol pa ni Karah saka walang lingon likod na tumalilis palabas ng bahay.
Naiwang nakatulala si Lola Zeny habang tahimik na lumuluha at para itong kandilang nauupos at dahan dahang napaupo sa sahig. "Karah" impit na daing nito.
Liam's POV 😍
*************
"What? I almost can't believe what i just heard from you" bulalas ni Zach sa kanya pagkatapos kong ikwento dito lahat ng nalaman ko kay lolo Amado.
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...
