Chapter 12- Carmela Caballero

16 0 0
                                        

Chapter 12- Carmela Caballero

Breanne's POV

***********

"Hoy bruha, ano ka? Lugi ba ang negosyo mo ngayon? " walang kaabog abog na tampal ni Trish sa aking noo.

Kadarating lang nito, bigla na lang sumulpot sa harapan ko, may sa kabute talaga tong babaeng to eh.

Nakasandal pa rin ako sa sofa habang nakatitig sa kawalan, and take note, inis na inis pa rin ako dahil sa nangyari kanina.

"Ano sa palagay mo ba? " tamad na sagot ko dito.

"Ano may bumarat ba sayo? "

" wala! Nainis kase ako alam mo ba nanggaling dito si Mr. Escapee? Napaka arogante nya!? Sinira nya ang araw ko"

"A-ah eh A-ano bang nangyari? " nauutal na tanong ni Trish. Weird ha.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina, at ang unan ang napagdiskitahan kong suntok suntukin na tila ba iyon yung lalaki.

Napangiwi si Trish at saka nag peace sign. "So--Sorry"

Nagsalubong ang kilay ko at kinutuban ako "Sorry? Trish....? Don't tell me? You........? "

"Ahm, Y-Yes.... Sorry! " peace sign uli ito sa kin.

Napamulagat ako..."Whaaaat? Paanong....? "

"Nagkita kase kami sa bar ni Gab eh, turns out that he is Gab's friend nakilala nya ako so wala na akong nagawa, you see? It's a matter of life and death so ayun" tila apologetic na paliwanag nito.

"Walanghiya ka, taksil ka Trish, akala ko pa naman kaibigan kita, why??? Alam mo bang guguluhin nya ang buhay ko simula ngayon dahil sa akala nya na nasa kin ang locket? " kunyari ay galit na sabi ko dito.

"Ay ang OA mo bess! Wala naman sayo yung locket diba? Bakit maka react ka ganyan? Ang gusto ko lang naman magkaayus kayo at masabi mo sa kanya ng maayos na wala sayo ang locket ng sa ganun hindi kami madamay sa pagtakbo at pag iwas mo sa kanya kapag nag kukrus ang landas nyo masama ba yun?"

"Hhmp! Ang kulit nya kase ayaw nyang maniwala sa kin, anu yun patataihin nya ko ng locket? Nakalabing sabi ko.

"Who's fault is it in the first place? Kung di ka ba naman sira sukat ba naman hayaan mo so syang isipin na na sa iyo ang locket? Sana nung gabi pa lang nagpakapkap ka na para hindi na umabot sa ganito wala namang problema sa pagkapkap tutal------ gwapo naman sya diba?"

"Trishh!" Sigaw ko.

Malutong na halakhak lang ang sagot nito at saka nag peace sign uli sa kin.

"Hay naku! Trish i've had enough for today, kaya kung wala kang magandang sasabihin you better go! " patamad na sumandal uli ako sa sofa. Nanghihina kase talaga ako kapag naiisip ko yung gwapong mukha ni Escapee guy.

"Peace na nga eh! " nakaingos na sagot nito.

"Ewan ko sayo! "

Liam's POV

************

Habang nagbabyahe papuntang opisina, hindi maalis sa isip ko ang inosenteng mukha ni Breanne, ang pagsasabi nito na wala sa kanya ang locket. Naiinis na talaga ako sa sarili kase parang gusto nang maniwala na talagang wala dito ang locket.

"Damn! Why can't i erase her on my mind?!" Mahinang mura ko sa sarili. At hindi din alam kung bakit ko nasabi dito magiging anino nya ako at babalikan ko ito ganung pwede naman na umupa na lang ako ng detective at pasubaybayan ito o kaya naman ipahalughog ang buong bahay nito upang makasiguro na talagang wala dito ang locket.

I Lied, I Love YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon