Chapter 28- Injuries 3
[Breanne's POV]
Habang naglalagay ng plato sa mesa di ko maiwasang mapasimangot dahil sa hindi ko maipaliwanag na inis. Ume echo pa kase sa tenga ko lahat ng sinabi ni Sir Liam lalo na yung part na" may girlfriend ako"
"Wow! Bakit?'hindi ko ba alam at hindi din ba alam ni Zach na may girlfriend na sya para ipagdiinan nya pa yun?" Nakangusong bulong ko sa sarili ko.
"Apaka yabang! eh di wow! Ako na yung walang boyfriend, ako na yung walang lovelife....pero pag ako talaga nagka boyfriend who you ka sa kin Sir Liam"
Napabuntong hininga ako.
Ano ba kase tong iniisip ko? Bat ba affected ako?
Pumikit ako "Wake up! Wake up! Breanne!" saka tinuktukan ko ang ulo ko.
Pagdilat ng mata ko tumampad sa kin kunot noo pero gwapo pa ring mukha ni Sir Liam.
"What are you doing...? Masakit ba ang ulo mo?" Sinalat nito ang noo ko pati na ang leeg ko.
Kinilabutan ako dahil sa pagdait ng palad nito sa balat ko kaya awtomatikong napaurong ako.
"Ah..eh hindi ho Sir...ginigising ko lang po sarili ko" Tarantang sabi ko. Halos magkanda utal ako.
"Are you sleepy? Go ahead take a rest.."
"Hindi ho....i'm fine hindi naman ako sanay matulog sa tanghali eh"
"Ang gulo mo, you said your waking up yourself and yet you're not sleepy...." umiling iling ito. "Anyways about what happened while ago, I just want to remind you that you're here for work at hindi sa kung ano anong bagay lang...ayokong maulit yun ok?" Seryosong sabi nito.
Nakagat ko ang labi ko. "I'm sorry Sir Liam...but it's not what you think..."
Nahihiya ako kase may ibang dating kay Sir Liam yung nakita nya kanina. Normally I wouldn't really care about what other people think of me but this time I feel like I want to explain my self.
Pero pano ko nga ba iiexplain na nude picture ng 8-years old self nito ang pinagsimulan ng lahat?
"I don't care kung ano man ang meron sa inyo ni Zach..I mean meddling on someone else's business is not my thing but I still want to ask you to respect MY home..so next time kung may gagawin kayo don't do it here do it somewhere else! " madiin nitong sabi.
Sobra na talaga to. Alam ko mababa ang tingin nya sa kin at sa pagkatao ko kase nakatatak na sa isip nya na magnanakaw at sinungaling ako pero hindi ko naman hahayaan na mas lalo nya pa akong apakan. I need to do something bago pa lalong bumaba ang self esteem ko.
"Sir Liam alam ko hindi maganda pagkakakilala nyo sa kin... I know I lied to you and did something terrible! Pero hindi yun dahilan para pagsabihan nyo ako ng ganyan, na para bang wala akong isip!" Garalgal na sabi ko.
Akmang magsasalita si sir Liam pero nagpatuloy ako. Nasa punto na ako ng galit ko wala na akong takot sa kahihinatnan ng mga sasabihin ko dito.
I need this job but my dignity is more important.
"You know what's your problem Sir Liam? You don't listen to people lalo na sa isang katulad ko lang... I know mahirap lang akong tao pero...pero...hindi naman ako ganung klaseng babae!" Puno ng hinanakit na dagdag ko saka dali dali akong tumalikod dito at dumiretso sa kwarto ko.
Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi na ako nag abalang lumingon pa kase may luha ng naglalandas sa mga pisngi ko atleast ayokong makita nya na umiiyak ako.
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...