Chapter Thirteen- The Confrontation: Breanne Vs. Karah

9 0 0
                                    

Chapter Thirteen- The confrontation: Breanne vs. Karah

Breanne's POV

**********

Spell busy...

B-R-E-A-N-N-E, oo ako na, ang dami kong trabaho ngayon as in! Kung kelan wala si Anne saka naman dumagsa ang madaming customer. Tapos may nagpapa rush pa. Hays pano na to?

Aaaaaaccchhhoooo!! ........

Pangsampu ko na yan, sasabay pa yata ang lintek na na sipon na to kanina pa kase ako bahin ng bahin, naisip ko tuloy na pinag uusapan ako ng kung sino o baka naman naiisip ako ni-------Liam, teka san nanggaling yung idea na yun? Napailing ako! Tsk! Bakit ko ba naisip yun? Weird!

Syanga pala kay Trish ko nalaman na Liam daw ang pangalan nung poging lalaki na sinabihan ko ng takas mental, napangiti ako, and speaking of Trish malamang enjoy na enjoy ang bruha ngayon.

Naalala ko tuloy yung huling pag uusap namin. Inasar asar nya ako tungkol kay Liam kaya inis na inis ako sa kanya....

"Peace na nga eh! " nakaingos na sagot nito. "Kaya ako pumunta dito kase 1 week akong mawawala"

Kumunot ang noo ko at bumaling dito "anong mawawala? Ano ka lamang lupa na bigla na lang mawawala? "

"I mean may lakad ako kase-----..... "

"Ay natural kaya ka nga mawawala kase may lakad ka, alangan naman mawala ka ng di lumalakad" baling ko uli dito.

"Batukan kaya kita Breanne, sira to talaga. Ayaw mong ma good time pero ikaw lakas mang good time asan ang hustisya? " eksaheradang anas nito.

"Eh ano nga kase dami mo kaseng pa echos eh"

" Pa Cebu kami ni Gab, mga 1 week kami dun. Ipapakilala na daw nya ako sa family nya ang sweet diba? Hays Finally na meet ko din ang forever ko" halos maluha ang bruha.

Napabaling ako at biglang nagising ang diwa ko " wow! Talaga ba? Masaya ako para sayo Trish! Ayiiieeh!" Napakilig na din ako kahit pano.

"Pagkakataon ko na to di ko na sasayangin!" Sabay yakap sa kin, tinapik ko naman ang likod nya.

''You deserved it girl! goodluck! I'm at your back whatever happen. Remember that" well yes! Masaya ako para sa kay Trish kase alam kong matagal na nya tong hinhintay at ngayon nga ay heto na.

"Oo naman alam ko yun bess! "

I sighed. Ayun after all the hardship she's been through, after so many break ups with different guys, finally Trish met the one, hindi ko tuloy maiwasang isipin na eh ako kaya pinanganak na ba yung the one ko?

Tapos bigla akong napangiwi kase biglang pumasok sa balintataw ko ang nakangising mukha ni Liam.

WTH!

Erase..... Erase..... Erase.....

Nakakainis yung lalaki na yun. Mapanghimasok talaga, lagi na lang nasa isip ko eh.
Bwisit.....

"Busy as always, what are you trying to accomplished Breanne? Para saan lahat ng yan? You don't have a family remember that" bungad ni Karah sakin.

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Karah sa king harapan, kahit kelan talaga hindi ito naturuan kung pano kumatok, bigla bigla na lang itong dumarating...

Mataman ko itong tinitigan. Nakahalukipkip habang nakataas ang kilay. Karah's favorite expression lalo n kapag kaharap ako.

Napailing ako, kase may parunggit na naman ito sa kin pero wala akong balak na patulan sya. At least not now.

I Lied, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon