Chapter-27- Injuries 2
*******
Breanne's POVTulad nga ng sinabi ni Zach na sya ang bahala sa lahat, talagang tinupad nito. Pinagluto nya ako ng masarap na miryenda tapos naglinis din ito ng buong kusina pati na rin ng salas.
Nakakapagtaka talaga na kahit napakayaman ni Zach marunong pa rin ito ng mga gawaing bahay.
Ang saya saya nitong kasama napapangiti nya ako lagi at napapagaan ang pakiramdam ko.
"Breanne, can you recognize these faces for me?" Walang ano ano ay tanong sa kin ni Zach sabay abot ng isang lumang album sa kin.
Kasalukuyan nagpupunas kami ng mga frame at kung ano ano pang kagamitan dito sa salas, actually marami na kaming napagkwentuhan dalwa at kanina pa nga ako tawa ng tawa sa mga kwento nito.
Inabot ko yung album saka matamang tininitigan, isa itong lumang litrato at may apat na lalaki na siguro 8 years old pababa ang edad, naliligo ang mga ito at walang saplot yung tatlo nakadapa sa buhanginan samantalang yung isa nakatayo kaya kitang kita ang buong katawan.
Napakunot ang noo ko at pinamulahan ako ng mukha ng sumulyap ako kay Zach nakita ko na pigil pigil ni Zach ang pagtawa.
"Ano ka ba Zach, bakit walang saplot yan?"
"Just look closely Breanne I know you'll recognize these faces" sabay turo uli sa picture and this time with serious face.
So pinagkatitigan ko nga yung picture at nanlaki ang mata ko ng makilala yung nakatayo.
Si Sir Liam???
kahit alam ko naman na bata pa si Sir Liam sa picture di ko pa rin naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa hiya imagine I just saw everything! Naisara ko tuloy yung album.
"Grabe ka Zach! Kainis ka...!"
Bumunghalit na ng tawa si Zach, habang ako hampas hampas ito ng basahan na gamit ko pagpupunas kanina.
"Kahiya kay Sir Liam pag nalaman nya na nakita ko yang picture na yan.."
"Ayos lang yan bata pa naman sya dyan eh at MALAKI naman na ang pinagbago nya ngayon..." saka tumawa uli ng tumawa.
Lalo akong pinamulahan what does he mean malaki? Aggh! Ano bang nangyayi sa kin at parang ang green green ko.
"Alam mo kung nakakatayo lang ako babatukan talaga kita..kung ano ano kaseng lumalabas dyan sa bibig mo, itago mo na nga yan baka malaman ni Sir Liam na nakita ko yan..."
"Wala naman akong masamang sinabi ah" tumatawa pa rin sabi ni Zach.
"Ang dami mo talagang kalokohan kahit kelan..." nakalabing sabi ko. "Eto na tago mo na to.." saka inabot ko yung album. Lingid sa kaalaman nito may plano ako.
Nang aabutin na ni Zach sa kamay ko yung album habang tumatawa pa bigla kong hinigit ang braso nya saka pinagkukurot ito sa tagiliran.
"Arayy ko poo...." iwas ito ng iwas pero tuloy tuloy lang ako sa pagkurot dito. Para itong inasinang bulate kase sahalip masaktan nakiliti pala ito kaya parehas kaming nagtatawanan.
***********
Liam's POVKanina pa ako balisa at hindi mapakali naiisip ko kase si Breanne pati na rin amg kalagayan nito, 2 days na simula ng ma injured si Breanne at nag aalala ako sa kalagayan nya.
Wala kase itong kasama sa bahay at kung pwede nga lang na mag leave ako para maasikaso ang dalaga gagawin ko pero ang dami namang trabaho dito sa office eh. Ngayon pa talaga.
I don't know where all these concerns are coming from but right now all I wanna do is be right beside Breanne.
Nang mag break time ay dali dali kong inimpis lahat ng papeles ko sa mesa at saka deretso ng lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/8383264-288-k14252.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...