Chapter Nine- The secrets
(Karah's POV)
**************
Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch 8:19 a.m, bumaba ako ng taksing sinasakyan sa tapat mismo ng aming bahay, meron naman akong sariling susi galing kay lola Zeny para daw anytime na dumating ako eh makakapasok ako.
Pag ganitong oras alam kong wala si lola dahil nasa palengke ito at nagtitinda ng mga gulay.
Plano kong halughugin ang bahay para mahanap kung san nakatago ang pera na naitatabi ni Lola, alam ko kase na may mga nakatabi itong pera in case na magkaroon ng emergency.
"Hmmmp! Kasalanan to ng walang utang na loob na Breanne na yan, ang damot damot, para konting pera ang hinihingi ko di pa naibigay" bulong ko.
Tahimik akong nakapasok sa loob ng bahay, una kong pinasok ang kwarto ko, naupo ako sa kama at pinagmasdan ang paligid, walang pinagbago sa ayos everyhing is well organized kung ano yung iniwan kong ayos ganun pa rin hanggang ngayon, alam kase ni Lola na ayaw na ayaw kong nababago ang ayos ng kwarto at ayoko din na may ibang humahawak ng gamit ko lalo na si Breanne pero kahit ganun halata namang lagi pa rin nalilinisan kahit na wala ako dito.
Nakaramdam ako ng kung anong lungkot sa puso ko pagkakita sa picture namin ni lola nung grumaduate ako ng elementary, ang saya saya ko nun kahit walang honor kase nakita ko kung gano ka proud si lola Zeny. Biglang akong napairap ng maalala na salutatorian naman si Breanne. " kahit kelan talaga panira ng moment ang bruhang yun".
Tumayo na ako at binuksan ko ang drawer ko tapos kinuha ko na yung ilang mahalagang gamit ko saka tuluyan na akong lumabas
Tumigil ako sa tapat ng isang maliit na kwarto na para naman kay Breanne, isang dibisyon lang yun na may plywood at saka nilagyan lang ng kurtina para pinaka saraduhan na rin.
"Karah pwede bang mag share na lang kayo ng kwaro ni Breanne, kase sobra sobra naman para sayo yun eh masyadong malaki diba? Kasyang kasya kayong dalwa dun" naalala kong sabi ni Lola Zeny sa kin.
"Ayoko nga! Mawawalan ako ng privacy at saka isa pa ayoko ng may makikialam ng mga gamit ko" mariing tangi ko.
"Lola Zeny, ok na po ako sa silid ko tutal wala naman po akong masyadong gamit at saka tama po si Karah we both need privacy" nakangiti namang sabi ni Breanne.
"If i know gusto lang magpa impressed at magpaawa kay lola, plastic!" Bubulong bulong na irap ko.
"Oh sya, kung ganun wala na akong magagawa, pero pag nasisikipan ka na sa silid mo pwede kang makitulog sa kin ha, Breanne"
"Opo lola, salamat po."
Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako kay Breanne, i just have a feeling na nagpupumilit itong palitan ako sa pwesto bilang apo ng Lola ko. Inaagaw niya ang lahat ng atensyon na dapat sa akin lang, and i hate it!
At lalo akong naiinis kase kahit lagi ko itong inaaway, kahit kelan di ito lumaban sa akin at hindi din ito umiiyak sa harapan ko pero alam ko na umiiyak ito ng palihim dahil minsan narinig ko ang impit nyang hagulhol
"I hated you Breanne! And i will be hating you for the rest of my life!"
Dali dali na akong pumasok sa loob ng kwarto ni lola Zeny, ang aking tunay na pakay.
Alam kong madami itong perang naitatabi dahil bukod sa kita nito sa palengke madalas pa rin itong abutan ni Breanne galing sa kita ng shop nito.
Sinimulan ko nang halughugin ang bawat sulok ng apat na korner ng kwartong ni lola Zeny.
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...
