Chapter Eleven- And they meet again...Liam's POV
************
Pagkatapos kong makuha ang address ni Breanne, nagpaalam na ako sa mga ito.
Sa Sampaloc ang address na binigay ni Trish sakin ni Trish, kaya from Cubao diretso na ako sa sampaloc para puntahan ang bahay ng babaeng kumuha ng locket ni Zia.
"Ito na siguro yun" i muttered. "Otaku's Computer Repair Shop" mahinang basa ko sa Sinage ng isang hindi kalakihan bahay, kung bahay ba yun o shop ewan ko. Mas mukha kase itong bahay kesa shop eh.
In all fairness agaw pansin ang buong lugar dahil sa magandang pagkakapintura nito, Cute itong tingnan from outside kulay Pink ang kulay ng buong bahay at halatang babae ang nagmamay ari.
Hindi masyadong makita ang loob nito dahil kahit glass door ito may mga nakapaskil na iba't ibang klase ng mga cartoon characters dito. "What a child! No wonder na naisip nya yung mga kasinungalingang sinabi nya sa kaibigan nya" iiling iling na bulong ko sa sarili.
Kanina pa ako nag iisip kung anong una kong gagawin sa kanya oras ma makita ko sya.
Pababa na sana ako sa kotse ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nuon ang dalwang babae, nakilala ko agad yung babae sa bar, si Breanne samantalang yung isang babae ay hindi pamilyar sa akin.
Dumiretso yung isang babae sa tabi ng kalsada na tila nag aabang ng taxi, maya maya ay sumakay na ito.
Mataman kong tinitigan si "Breanne" na naiwan sa labas na patingin tingin sa wristwatch nya.
Matangkad lang si Zia dito ng ilang pulgada, Simple lang ang ayos nito naka kupas na pantalong maong ito na may punit sa hita at sa tuhod tinernohan ng kulay pink na blouse na may pintang cartoons pa rin, nakapusod ang buhok nito pataas, hindi ito kaputian pero kita ko na napakakinis ng mukha nito na walang bahid na kahit na anong make up.
Sanay na akong makakita ng mapuputi at magagandang babae, infact I even dated an actress and models before pero ewan ko at parang ayaw ko ng alisin ang mga mata ko dito.
Maya maya ay humikab at nag iinat ito tapos bigla na lang sumigaw ng malakas na ikinagulat ko "I'm freeeeeeeeee!!!!!......... " at saka umikot ikot pa to habang nakataas ang mga kamay. Napangiwi ako at natawa ng palihim dahil sa ginawa nito. "How childish"
Breanne's POV
***************
Iina't inat akong pumasok sa loob ng shop ng masigurong nakasakay na ng taxi si Anne, maaga itong nagpaalam sa akin kase magbabakasyon daw ang buong pamilya niya sa probinsya at baka abutin daw ng isang linggo o higit pa. Napangiti ako, ibig sabihin nun......
" After a million years, At last I'M FREEEEEEE!!!!!!............. " sigaw ko na nakataas pa ang dalwang kamay saka umikot ikot. "Finally magsasawa din akong manood ng mga Anime na gusto kong panoodin ng walang magmumutaktak sa kin" nakangising bulong ko, inilagay ko yung Close sign sa pinto para walang istorbo saka tuluyan na akong pumasok sa loob.
Dahil nga mag isa lang ako ngayon kinuha ko sa loob ng opisina ang laptop saka inilabas ito at ipinatong sa table ni Anne. Masyado kaseng mainit sa loob ayaw naman ko namang gamitin ang aircon kase malamang tataas na naman ang bill ng kuryente ko.
Kumuha muna ako ng sitsirya at mineral water sa drawer na lagayan namin ng grocery saka sinimulan ng manood.
Gintama ang napili kong panoodin kaya bago pa lang ay tawa na ako ng tawa habang tuloy ang subo ng sitsirya.
"Eherm! Excuse me....." Anang baritonong tinig.
"Aay kabayo ka.....! " Gulat na gulat at kulang mapatalon ako dahil sa pagtikhim ng kung sinong tao sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomansaBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...