Chapter Eighteen- Goodbye
Breanne's POV
************
I took a deep sigh, It's exactly one week since Karah took everything away from me, specially the only person I love the most, lola Zeny, at hanggang ngayon nga hindi pa rin ako sanay na wala si lola Zeny, pero pinipilit kong tanggapin yun ng maluwag sa puso ko.
Last day na ito ng palugit na ibinagay sa akin ni Karah, naihanda ko na lahat ng kailangan dalahin sa aking pag alis. Sobrang lungkot ang aking nararamdaman pero tinibayan ko ang aking sarili.
I look at the whole place one last time, na tila ba sa pamamagitan nun mamemorise ko lahat ang bawat sulok ng lugar na ito ng sa ganun mabaon ko sa aking ala ala ang lahat ng yun.
"i'll surely miss this place" mahinang bulong ko sa sarili ko, at hindi ko mapigilan ang pag agos ng luha sa king pisngi. "Babawiin kita! Pangako, gagawin ko ang lahat para mangyari yun" determinadong usal ko.
Tama na!
pinahid ko ang luha sa mga mata ko, hindi na ako dapat pang umiyak, dapat akong magpakatatag para mabawi ko lahat ng nawala sa akin at hindi makakatulong ang pag iyak kaya hindi na uli ako iiyak.
"I thought it's your last day here, why are you still here? " nagulat ako ng marinig ang boses ni Karah.
Tsk! Mukhang naging habit na yata talaga ni Karah ang biglang pagsulpot sa gitna ng aking pag eemote ah.
I gave her a bored look and answered her. "I know! Aalis na din ako wag kang mag alala, syanga pala gusto kong makausap si lola marahil naman ay hindi kalabisan iyon hindi ba?"
Umirap ito "what for? Hindi naman na yun makakatulong sayo"
"I just want to make sure that she is ok, masama ba yun? "
Bumalatay ang galit sa mukha ni Karah "Huh?! Kahit kelan talaga hindi ka marunong lumugar, sino ka ba sa palagay mo? At saka anong akala mo sa kin hahayaan si lola sa hindi mabuting kalagayan? Lola ko sya, tunay nya akong apo bakit ko naman sya pababayaan?! "
Umiling iling ako "Kung may maganda kang intensyon kay lola, hindi mo sana ginawa lahat ng ito Karah, ang totoo kahit tunay ka nyang apo takot na takot ako sa pwede mo pang gawin alam mo ba yun? "
"How dare you say that?! Lahat ng ginawa ko may consent ni lola, at hindi ito lingid sa kanya at pumayag sya kaya wag mong sabihin sa kin na ako lang lahat ang may gawa nito!
"Karah, useless na din kung paulit ulit nating pag uusapan ito, basta ipangako mo lang na ok si Lola at siguraduhin mo din na hindi ka sisira sa usapan na pwede ko uling mabawi ang lahat ng kinuha mo sa akin kapag nakaipon na ako yun lang ang gusto kong marinig " matigas na sabi ko dito.
Tumawa ito ng malakas. "Kalahating milyon sa loob ng anim na buwan, nagpapatawa ka ba?! Wag ka ng umasa na mababawi mo ang lahat ng ito dahil hindi mangyayari yun, Breanne hahahaha! "
"Gagawin ko lahat para mangyari yun kaya maghintay ka lang! " inis na sabi ko.
"Kahit ibenta mo ang kaluluwa mo hindi mo mababawi pa ang lahat ng ito" nang uuyam pa ring sabi nito.
"Lahat gagawin ko Karah! At kung kinakailangang ibenta ko ang kaluluwa ko mabawi ko lang lahat ng ninakaw mo pati na rin si Lola Zeny ay gagawin ko!"
"Ok! Hindi ako ganun kasama para di tumupad sa pangako, kapag nabayaran mo lahat ng ito sa loob ng anim na buwan pati si lola Zeny ay makikita mo , that's our deal kaya do your best Breanne! And one more thing, if you failed on this don't say that i didn't warn you about it... " saka para itong baliw na tumawa uli.
![](https://img.wattpad.com/cover/8383264-288-k14252.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...