Chapter twenty one- Day off

16 0 0
                                        

****

Pagkalabas ng bahay pinagmasdan ko ang perang nasa kamay ko, i took a deep sigh saka ako napailing sampung libo? tsk! mayayaman nga naman balewala lang sa kanila ang ganito kalaking halaga samantalang kaming mahihirap kailangan pa naming paghirapan ang lahat bago mahawakan ang ganitong pera.

Naiinis ako kase pakiramdam ko bayad to sa kin ni Sir Liam dahil sa sampal na inabot ko sa mother- in law niya pero syempre kahit na ayaw kong tanggapin wala naman akong choice diba? Kaya kesa magpalaboy ako sa day off kong ito bakit hindi na lang ako mag enjoy?

Naglakad lakad na ako palabas ng subdivision dun na lang ako sa highway sasakay para makatipid.

-----------

Zach's POV

Kakadating ko lang galing laguna binalikan ko kase uli yung lugar na pinangyarihan ng aksidente ng bunsong anak ni Chairman Amado para sa karagdagang imbistigasyon, medyo pagod na din ako at ewan ko ba kung bakit nitong mga nakaraang araw gusto kong laging umuwi ng bahay para makita si Breanne.

Sukat sa isipin na yun napailing ako, "bakit ko naman sya ma mimiss? Siguro dahil nakakatuwa lang si Breanne dahil sa pagiging magaan nitong kausap yung tipong lahat ng bigat ng sibdib mo mawawala kapag sya na yung kausap mo" parang tangang paliwanag ko sa sarili.

Nang biglang tumingin ako sa unahan ng sasakyan ko nakita ko si Breanne na naglalakad at tila malalim ang iniisip, "grabe na to iniisip ko palang sya andito na sya nababaliw na yata ako" bulong ko sa sarili ko saka kinusot ko mata ko baka kase namamalikmata lang ako pero pagmulat ko si Breanne talaga.

"Breanne....!"

"Zach...."

"San ka pupunta?" Tanong ko habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan ko

"Day off ko daw kase sabi ni Sir Liam, so ayun baka mag mall lang ako"

"Bakit lakad ka palabas, hindi ka man lang hinatid ni Liam? Ang layo layo pa ng highway" kunot noong tanong ko.

"Ah ok lang naman ako actually gusto ko nga yung makapaglakad lakad ako kase lagi na lang akong nakakulong sa bahay diba? Sige Zach tutuloy na ako" saka nagsimula na itong lumakad.

"Come on! Sumakay ka na, gusto ko din lang mag mall sama na tayo kung ok lang sayo" ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun eh wala akong gustong gawin kundi magpahinga.

"Ah nag iisip pa kase ako kung san ako pupunta, at saka isa nakakahiya sayo Zach" tanggi ni Breanne.

"Sige na! Ako na bahala kung saang mall, sakay na" sabi ko saka binuksan ko na ang pinto para hindi na ito makatanggi pa.

"Sigurado ka?" Atubiling tanong pa ni Breanne.

" Kulit mo talaga sige na sakay" natatawang sabi ko.

"Sige na nga! Mapilit ka eh..." Napangiti na ring sabi ni Breanne.

Humantong kami sa MOA and since lunch time na din lang tumuloy na kami sa isang fast food chain, actually I insisted na sa isang class reataurant kami kumain pero ayaw naman ni Breanne kaya sa Mang Inasal kami humantong

Napakasaya talaga ni Breanne kasama napaka genuine ng mga tawa nito at habang tumatagal parang lalo itong gumaganda specially her eyes and the way she looks

"Hey! Zach may dumi ba ako sa mukha?" Nakangiting tanong nito.

"W-wala naman"

"Eh bat ganyan kang makatingin?" Sabi nito sabay pahid ng panyo sa buong mukha nya

"Wala nga, hindi kita niloloko natutuwa lang ako kase ang saya mong kasama nakakagaan lang ng pakiramdam"

"Ows! Ganun? Baka naman naawa ka lang sa kin kaya hinatid mo ko dito"

"Maaawa? Bat naman ako maaawa sa sayo eh hindi ka naman mukhang kawawa?" Natatawang sabi ko

"Kase naglalakad lang ako kanina kaya siguro inisip mo na wala akong pera kaya ayun naawa ka at sinamahan mo na ako dito"

"Ha!ha!ha! Nakakatuwa ka talaga hindi ka naman mukhang kawawa kanina eh at hindi ko din naman inisip lahat ng sinasabi mo eh, talaga lang gusto kong mag relax kaya naisip kong samabay na sayo"

"Ganun ba? Mabuti naman pala kung ganun, anyway bilisan na natin ang pagkain at ayokong sayangin ang day off na to and since sinamahan mo na din ako pagtyagaan mo na akong kasama hanggang maisipan mo ng umuwe ok ba yun? Besides wala ka na din namang choice eh"

"No, actually enjoy naman akong kasama ka so far"

Nagkatinginan kami saka sabay kaming nagkatawanan. Napakagaan talaga ng loob ko kay Breanne dahil sa pagiging simple nitong babae parang kaya nyang pagaanin lahat ng bagay.

****Breanne's POV

Ang bait talaga ni Zach, ang saya nitong kasama parang hindi nito alintana ang estado namin sa buhay samantalang si Sir Liam mapanghusga, mayabang, antipatiko walang puso at suplado, napasimangot tuloy ako pagka alala dito. " hmp nakakasira talaga sya ng mood kahit kelan" nakaburangot na bulong ko.

"Problem?" Tanong sa kin ni Zach siguro napansin ang pagsimangot ko

"Ah wala, may naalala lang ako"

"Ah ganun ba?" Tatango tangong sabi nito "anyway san na tayo after nating kumain? May suggestion ka ba? Is there any place you want to go?

"Nothing in particular, alam mo naman hindi ako dapat mag aksaya ng pera kase kelangan kong mag ipon kaya i think mag window shop na lang tayo or kung may gusto kang puntahan pwede mo na akong iwan baka kase abala na ako sayo" sabi ko habang sinasaid ang lamang ng manok sa pinggan ko.

"Hindi ka naman gagastos kase sagot ko lahat at saka wala naman talaga akong gagawin ngayong araw and i think i need to take a break every once in a while, at kung mag isa lang naman ako napaka boring naman nun, actually ako pa nga dapat magpasalamat sayo kase nag eenjoy ako eh"

Napatingin ako kay Zach kase parang may kung anong emosyon ang humaplos sa puso ko tapos naisip ko parang date ito nanginit tuloy ying pisngi ko " asa ka na naman Breanne ang kapal mo din, dream on girl!" mahinang saway ko sa sarili ko

"Ano Breanne hindi ka na sumagot dyan? Ok ganito na lang what if pumunta na lang tayo sa luneta tapos mag picnic tayo ang tagal ko na kaseng di bumabalik dun eh, what do you think?" Excited na tanong sa kin ni Zach

Ewan ko pero parang napakasaya ni Zach sa mga sandaling ito at super excited pa kaya parang hindi ko kayang hindian, kaya umoo na din ako naisip ko tuloy ganito yung mga bagay na nakakalamang tayong mahihirap sa mayayaman, yung mga simpleng kasiyahan at simpleng mga lugar na pinupuntahan natin eh hindi nila mapuntahan dahil sa pagiging busy nila sa mga bagay bagay.

"So let's go grocerie muna tayo para sa pagkain natin at inumin" sabay hila sa kamay ko.




"Oh God! Is this a date?" kagat labing usal ko tapos nanginit uli ang pisngi ko.
















I Lied, I Love YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon