Chapter Fourteen- I'm all alone
*********
"Tumigil na kayong dalwa! Sawang sawa na ako sa pag aaway nyo, napapagod na ako kakasaway sa inyo! Matanda na ako pero hanggang ngayon ganyan pa rin kayong dalwa, talaga yatang di na kayo magkakasundo kahit kelan, ayokong sumuko pero sagad na sagad na ako! " malumanay at tila pagod na pagod na bungad ni lola Zeny sa amin.
"L-lola! " sambit ko sabay yakap dito, bumalong na naman ang luha sa mata ko...
"Breanne.... " naramdaman kong hinagod ni lola ang likod ko.
"Lola! anong ginagawa nyo dito? Where's Jim? Diba sabi ko umuna na kayo? " nang makabawi sa kabiglaan ay tanong ni Karah.
Matiim itong sumulyap kay Karah saka humiwalay ng yakap sa kin "Ngayon lang, hayaan mo akong magsalita, ngayon lang igalang mo ako kahit hindi bilang lola mo kundi isang tao na nakakatanda sayo, pwede ba yun Karah? " malungkot na pakiusap ng matanda dito.
Natameme naman ito at hindi nakaimik, samantalang ako ay awa ang nadama para sa matanda.
"Ayoko nang sumabatan kayo, ayoko ng isa isahin ang mga pagkakamali nyong dalwa dahil matatanda na kayo at hindi ko kailangang sabihin pa dahil dapat alam nyo na yun sa sarili nyo! mas mabuti pa nga siguri maghiwa hiwalay na tayo, gayung hindi nyo din naman akong pinakikinggan! "
"Lola.....? " takot ang nadama ko ng mga oras na yun.
"Karah, iwan mo na ako, kakausapin ko lang si Breanne ng masinsinan" utos nito.
"No! Dito lang ako "mariing tanggi ni Karah.
" lahat ng gusto mo sinsunod ko, ngayon ako naman ang sundin mo at isa pa meron akong isang salita"
Umirap si Karah saka bubulong bulong na nagmartsa palabas. "Bilisan mo lang ha? " baling pa nito bago tulyang lumabas ng pinto.
"Lola, naguguluhan po ako, anong ibig sabihin ng lahat ng to? Ipaliwanag nyo po sa kin, naniniwala pa ako na may malalim kayong dahilan, pero kahit ano pa man yun pipilitin ko pong unawain please sabihin nyo po sa kin. " garalgal ang tinig na tanong ko kay lola Zeny.
" Patawarin mo ako Breanne, pero may malalim akong dahilan kung bakit kailangan kong gawin ito, maniwala ka para sa kabutihan mo ang lahat ng ito, hindi mo mauunawaan sa ngayon pero alam ko darating ang tamang panahon na maiintindihan mo din ako" sabi nito saka hinawakan ang mga kamay ko.
Lalo akong naguluhan...
"Hindi ko po talaga maiintindihan kung hindi nyo ipapaliwanag sakin" noon ay tumutulo na uli ang luha ko sa sobrang dami ng emosyon na lumulukob sa damdamin ki.
I felt betrayed, and it's so unfair!
"Apo, alam mong mas may tiwala ako sayo kesa kay Karah, alam kong kaya mong harapin ang hamon ng mundo ng mag isa dahil matapang ka, minsan sa buhay natin may mga desisyon tayong kailangan harapin gaano man yun kahirap kailangan pa rin nating pumili at ito ang isa sa pinakamahirap na desisyon na aking ginawa" tumigil ito saglit at pinahid ang luha king mga mata saka ito nagpatuloy "Sasama ako kay Karah, siguro nga masyado akong naging unfair para sa kanya at hindi ko sya nagabayan ng maayos sa kanyang paglaki, natatakot ako na baka pag pinabayaan ko sya ngayon mas lalong dumilim ang takbo ng buhay nya, at baka nga kapag kami lang ang magkasama mas magiging madali para sa kanya ang lahat, Breanne hangga't nadyan ka magiging mahirap para kay Karah ang lahat, dahil nakatatak na sa puso't isipan nya na rival ka nya sa lahat ng bagay, na ikaw ang dahilan kung bakit hindi nya naabot lahat ng gusto nyang abutin dahil para sa kanya balakid ka sa buhay nya, naiintindihan mo ba ang sinabi ko sayo Apo?"
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...