Chapter 15- Don't judge me
Author's POV
************
Dahang dahang iminulat ni Breanne ang kanyang mga mata, habang sapo sapo ang kanyang ulo, para kase itong binibiyak.
Ginala nya ang kanyang mga mata, sumalubong sa kanyang mata ang isang napagara pero unfamiliar na silid, napapalibutan ito ng kurtina na kulay purple at kahit san nya ibaling ang mga mata puro mamahalin gamit ang kanyang nakikita.
Bigla syang napabalikwas ng bangon ng maalala na nalasing sya kagabi. "shit! Where am i? " mahinang tanong nya sa sarili. Pilit nyang inalala ang mga nangyari pero ang huli nyang natandaan ay may lumapit sa kanyang lalaki tapos di na nya alam ang nangyari.
Sinalakay ng kaba ang kanyang puso, mataman niyang pinakiramdaman ang sarili, parang wala namang kakaiba maliban sa napalitan ang suot nyang damit ng isang lampas tuhod na pantulog.
Tumayo sya, at hinanap kung nasan ang kanyang bihisan pero hindi niya iyon nakita tanging bag nya lang ang nakapatong sa ibabaw ng drawer.
binukitkit nya ang laman nito at nakahinga sya ng maluwag dahil hindi naman nawala ang wallet, cellphone at kung ano ano pang mga abubot.
"Hay! Salamat, akala ko nanakawan na ako, buti amdito lahat" nasambit nito.
Liam's POV
***********
"Nasan na yun? " inis na inis ako kase kanina ko pa hinahanap yung grey coat ko na isusuot sa conference pero hindi ko pa rin ito makita halos hinalughog ko na sa buong cabinet pero wala.
Maaga pa naman akong gumising ng araw na yun kase nga aatend ako ng isang conference na gaganapin sa baguio. Ayaw ko naman istorbohin pa si Aling Lita para lang ipahanap iyon.
Lumabas ako ng aking silid baka naman sa guest room na naman naitabi ni Aling Lita kaya dali dali akong pumunta dun.
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako kase may babaeng nakatalikod at abala sa kung anong ginagawa. Tila busy ito at hindi man lang naramdaman ang presensya ko.
"Hay! Salamat kala ko nanakawan na ako buti andito lahat" narinig kong sabi nito saka niyakap ang bag.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noong tanong ko sa babae.
Tila nagulat ito dahil sa bigla kong pagsasalita kaya halos mapatalon ito.
"I-Ikaw......???? " halos panabay na bulalas namin..
Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Gulong gulo ang buhok nito at tila kagigising lang dahil nakapantulog pa ito.
"Anong ginagawa mo dito? " gulat na tanong nito.
"Ikaw pa ang may ganang magtanong ng ganyan, ikaw ang anong ginagawa dito sa pamamahay ko? " salubong sng kilay na tanong ko dito.
"Bahay mo? Ibig sabihin ikaw ang kasama ko kagabi? " bulalas nito.
Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo? Wala ka ba sa sarili mo??"
"Kelangan ko yung bihisan ko, asan yun? Aalis na ako, kung alam ko lang na ikaw yung kasama ko kagabi sana sa kalye na lang ako natulog..."
Kumunot lalo ang noo ko.
"Miss...I think you're losing it" sabi ko.
Syang bungad naman ni Zach sa pinto. "Liam, bakit andito ka? Pasensya na hindi na kita nagising kagabi pagdating namin, mukha kaseng pagod ka eh, pagkatapos ay bumaling sa babae "anyway Breanne I'm glad you're awake"
![](https://img.wattpad.com/cover/8383264-288-k14252.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...