Chapter 6- Run, Breanne Run...!
[Breanne's POV]
***************
Hindi ako mapakali kinabukasan, panay ang sulyap ko sa oras at inip na inip akong dumating ang alas kwatro.
Matagal na kase akong fan ni Bamboo,at gusto ko tong mapanood mag perform kaso hindi ako makanood sa mga concert at gig nito kase mahal ang bayad nanghihinayang naman akong gumastos dahil nga sa nag iipon ako para mabayaran itong shop kaya bawat sentimo mahalaga sa kin, at saka isa pa masyadong crowded ang concert kaya ayun panood nood na lang ako sa TV.
Nang dumating ang alas tres nakaligo na ako, syempre excited nga diba? naghahanap ako ng susuotin, At napili ko nga ay pantalon na may butas sa tigkabilang tuhod at simpleng gray tshirt na may tatak na #ILOVEBAMBOO na regalo pa sa akin ni Anne nung nakaraang birthday ko saka nagsuot ako ng cap at hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok at sympre dala ko ang ever favorite kong fitch na body bag. Tapos inaya ko na si Anne.
"Anne, let's go baka hinihintay na tayo ni Bruhang Trish doon"
" hindi ka excited masyado ano? ang aga pa grabe ka Breanne"
"ah sige kung gusto mo magpaiwan ka na lang Anne" Sabi ko dito sabay tayo at lumakad palabas ng pinto.
"Uy, Breanne wait syempre sasabay na ako sayo, libre pamasahe eh" Nakangising habol nito sa akin.
*********
Pagkarating namin sa SM Sta. Mesa marami ng tao ang naghihintay sa gig ni Bambo pero syempre no problem kase may ticket kami at tiyak na sa unahan kami makakaupo, yun talagang face to face with Bamboo.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ng mga sandaling yun, Animo'y teenager na first time makikipagkita sa crush, at nanginginit na din ang pisngi ko kaya alam ko na namumula ako.
Napalingon ako kay Anne ng bigla nya akong sikuhin, inginuso nito ang kinaroroonan ni Trish, kinawayan sila nito at sinenyas na lumapit na sila dito, kaya hindi na kami nag atubili pang dalwa at lumapit na kami.
"OMG! sa unahan nga kami, naku Lord baka po manghimatay ako kayo na po sana bahala" pipi kong dasal
"Ano bilib na ba kayo sa kin ha? Anne, Breanne?" nakangising tanong ni Trish.
Nginitian ko sya"bilib naman talaga ako sayo eh, teka san ba nanggaling ang ticket?"
"oo nga san nga?" Segunda ni Anne.
Ngmisi ito at saka inginuso ang papalapit na cute na lalaki na may dalang makakain at maiinom "Sa kanya"
"Sino naman sya? ang gwapo sis, pakilala mo sa kin baka sya na ang lalaking matagal ko nang hinihintay" Kagat labing bulong ni Anne kay Trish.
"Gaga! boyfriend ko sya!"
"Agad agad?! two weeks pa lang simula ng mag break kayo ni Jovin ah" Panabay na tanong namin. Natutop ko pa ang dibdib dahil dun.
"Ang O.A nyong dalwa, eh kasalan ko ba na ganito ako kaganda?" Pa cute pang tanong ni Trish, kadiri iw.
"Hello Girls!" Bati agad ng cute na lalaki ng makalapit sa amin.
"Hi!" panabay na bati din namin ni Anne dito.
Matapos ipakilala sa min ni Trish ang cute na boyfriend na si Gabriel "Gab" for short, naikwento na rin nito na nagkakilala silang dalwa sa bar na mismong pag aari ni Gab, just a week ago, na inlab daw si Gab sa bestfriend ko kaya nanligaw ito agad at sinagot din agad ni Trish, grabe iba talaga ang karisma nitong si Trish. Tsk!
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...
