Chapter 5- Karah Gonzalez
[Breanne's POV]
**********
"Breanne, lola Zeny is here, papasukin ko na lang sya dyan ha!" Sigaw ni Anne mula sa labas ng kwarto na pinaka opisina ko na din.
Si Anne, ang kaibigan ko at nag iisang kasama at katulong sa paggawa ng mga Computer.
Kasalukuyan akong busy sa pag aayos ng isang Laptop na tatlong araw ng kinukuha sa akin ng may ari pero dahil nga sa panonood ko ng Anime eh hindi nya pa natatapos---- i told you so i'm an anime addict hehe! Kaya inaaway na tuloy ako nung may ari pero nadadala ko na lang sa paglalambing, regular costumer na kase namin.
Si lola, bakit kaya?
"Hay naku! Bata ka, wala ka ba talagang balak dalawin ako sa bahay hah?" May pagtatampong bungad nito sa akin
Naku! Lagot ako nito 4 days na pala akong di nauwe sa bahay.
"Lola..." Sinalubong ko agad ito ng yakap at halik.
"Meron naman po, kaya lang i've been so very busy these past few days ang dami kaseng trabaho eh" Kunyari'y seryosong sagot ko.
"Madaming trabaho o nanonood ka lang ng kartons?"
"Patay!.......patay ka sakin mamaya Anne alam kong ikaw na naman ang nagsumbong kay lola" bulong ko sabay sulyap dito ng lagot-ka-sa-kin-mamaya look.
Alam ko kaseng ito ang nagreport sa lola nya na nagkulong ako ng halos dalwang araw panonood ng Anime kaya hindi ako nakadalaw dito.
"Lola, hindi po ako nanood busy lang po talaga"
"Nakausap ko si Caloy, ang sabi 3 days na daw di nya pa nakukuha yung lap..lap---ah ewan kung anong tawag dun, basta yung pinagawa nya sayo...ganun ba ang busy?"
Si Caloy---- sya yung may ari ng laptop na ginagawa ko ngayon. Malapit lang kase bahay nito sa bahay ni lola eh kaya malamang na magkrus ang landas nilang dalwa.
Buhat ng mabili ko kase ang shop na ito mahigit isang taon na din ang nakalipas ay madalas na akong dito matulog, Kahit walking distance lang din naman ang pagitan sa bahay ng lola minsan wala na din akong time para dalawin ito, pero syempre hindi ko naman nakakalimutang padalhan ito ng pagkain at mga groceries.
Hanggang ngayon nagtitinda pa rin ito ng mga gulay sa palengke kahit nga sinabihan ko na sya na tumigil na sa pagtitinda at ako na ang bahala sa lahat ay hindi ito nagpapigil, lalo lang daw syang mapapagod pag walang ginagawa kaya hinayaan ko na lang din na ipagpatuloy nya ang pagtitinda
May kasama naman si Lola Zeny sa bahay, si KC anak ng kapit bahay namin na naging malapit na din sa amin kaya kampante ako na iwan ito dahil alam ko namang mabait at mapapagkatiwalaan si KC
"Breanne........?" Ani ni lola Zeny na nakapagpapukaw sa malalim kong pag iisip.
"Huh? Si Caloy po? medyo mahirap po kaseng gawin yung laptop nya kaya natagalan"
"Babatukan ko si Caloy pag nagkita kami, magsusumbong yun ah" bulong ko.
"Hay naku, ikaw talaga sabi ko sayo tigilan mo na panonood nyang karton lalong babata isip mo nyan, aba'y kelan pa ako magkakaapo sayo?matanda na ako Brianne?"
Napangiwi ako.
OMG, here we go again.
"Lola naman apo agad? wala pa ngang boyfriend"
"Kaya nga dapat humanap ka na diba?" Saglit itong tumigil at tila may naalala.
"Syanga pala Apo umuwe na si Karah kagabi, pero umalis din kaninang umaga. Hindi ko alam kung hanggang kelan sya magtatagal"

BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...