Chapter 26- Injuries

2 0 0
                                        

Chapter 26- Injuries

************

"Konting strain lang sa kanang paa ni Miss Mendoza, yung sa balakang nya nalabog lang dahil lakas ng impact ng pagbagsak, other than that wala naman akong nakitang serious injury" sabi ng Physician na matapos akong eksamin.

"How long will it takes to heal Doc?"  Tanong ko.

"2 to 3 weeks, I think"

"Well it's better kung isang buwan ang pahinga mo para mas gumaling ang mga paa mo the longest the better diba Doc?" Bungad ni Zach na kapapasok lang.

"What? That's too long I shouldn't be wasting so much time..I have so many things to do, I need to get better as soon as possible, Is there a way Doc? Nag aalalang tanong ko.

Isang buwan? ang tagal nun I only have 6 months and it's been a month simula ng kunin ni Karah ang bahay sakin, ang shop pati si lola. Ngayon if I would lose another month I don't think I can make it at hindi pwede yun.

"Well, actually kaya namang mapadali kapag nasunod lahat ng ipagbibilin ko sayo, bibigyan kita ng resetang gamot na kailangan mo for 1 week, it will help a little and the rest is depends on you, my suggestion is you should take a rest and eat a proper meal, pwede din na maglakad lakad ka sa umaga mas mapapadali ang paggaling ng strain mo sa paa"

"Breanne, it's ok hindi mo dapat madaliin ang paggaling mo baka mas mapasama pa yan, basta kailangan mo ng pahinga at yun ang dapat" Pauna ni Sir Liam ng nasa sasakyan na kami.

"Sir Liam, you don't understand..." halos maiyak na baling ko kay Liam.

"Alam ko.. alam ko kailangan mo makaipon ng malaking halaga at alam ko mahalaga bawat oras sayo, but Breanne don't forget na nasa poder kita whatever happened to you is my concern too, kung yung sasahudin ang problema mo you don't have to worry about that tuloy pa rin ang sweldo mo"

"B-but Sir Liam, sobra na ho yun, hindi ko kayang tumanggap ng pera na di ko pinaghi------"

"Damn It!" galit na putol nito sa sasabihin ko. "Pwede ba Breanne... for once stop thinking about that damn money! About that damn principles of yours! and start thinking about yourself?"

Pinigilan ko ang luhang gustong pumatak sa pisngi ko. Kase ayokong sabihin uli sa kin ni Sir Liam na weak ako pero tang ina! Bakit ba ang malas ko? Ang daming tao sa mundo na  walang mabigat na pinapasan pero bakit ako pa? Ako pa na naghahabol sa oras ang na-injured? Bakit ang lupit ng kapalaran sa kin?

I heard him sigh."Breanne please stop doing this to me...all I want is get back the locket that's why I am doing this this.. but look what's happening to me now? I shouldn't feel this way to you, you know but why I am being like this? Nahihirapan akong makita kang ganyan! For God's sake!"

Napatungo ako, and now what? Awang awa na ba sya sa kin ng sobra para sabihin nya sa kin yun?gusto ko syang sigawan na wag nya akong kaawaan, pero para akong napipi walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

"Breanne Alam ko mabigat ang pangangailangan  mo sa pera, I dont know why because you refuses to tell me at alam ko na hindi ko kayang unawain ang pinangagalingan mo pero sana naman maiisip mo din na mas importante pa rin na unahin mo ang sarili mo bago ang lahat ng yan"

"Sorry..." yun lang ang nasabi ko habang nakayuko.

I heard him sigh at hindi na muli pa itong nagsalita.

*************

"Breanne what the heck happened? Bat ba di ka nag iingat???" Halos histerikal na komento agad ni Trish ng tawagan ko sya para ibalita ang nangyari sa kin.

I Lied, I Love YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon