Liam's POV
Panay ang sulyap ko sa aking relo past 8 na pero wala pa rin sila Zach at Breanne, ayon sa text message na na receive nya galing kay Zach darating na ito at kasama si Breanne.
Ewan ko ba pero simula kanina pa wala ng lan ang isip ko kundi kung ano ba ang ginagawa ng dalawa, san ba sila nagpunta at namasyal, napabuga ako ng hangin at napailing, "ano bang pakelam ko kung san mang lupalop sila ngayon" bulong ko, it's not really my concern to begin with.
Maya maya lang may ugong ng sasakyan na akong narinig, nataranta ako't umakyat sa taas syempre ayoko namang malaman nila na gising pa ako at hinihintay sila. Ng maramdaman kong nakapasok na sila lumalabas ako ng kwarto na kunyari ay mumukat mukat.
"Hey, Liam why still up?" Tanong ni Zach habang ibinaba yung mga paper bags na labit nya.
"Nagising ako sa ingay nyo eh" kunot noong sagot ko.
"Panong magigising ka sa ingay namin eh sound proof naman kwarto mo?" Kunot noo ding tanong ni Zach.
Napaisip ako oo nga pala sound proof nga pala kwarto ko, sa ayaw kong mabisto na hinhintay ko sila kung ano ano pati ang naidahilan ko. "Bukas kase pinto ng kwarto ko parang ayoko kase mag aircon ngayon eh"
Kumunot ang noo ni Zach tapos nagkibit balikat na lang.
"Zach kape mo baka lumamig na" nakangiti bungad ni Breanne na kalalabas lang galing kusina may dalang isang tasa ng kape hindi ito sumulyap sa kin at tila di alintana ang presensya ko.
"Ah oo nga Thanks Breanne" sagot naman ni Zach na halos umabot sa tenGa ang lapad ng ngiti.
I don't know why but this really pisses me off.
"Eherm" tikhim ko, "Can I have a coffee too, Breanne?" Singit ko.
Saka lang ito sumulyan sa kin pagkatapos ay tumango at tumalilis. Binalingan ko si Zach " So Zach, anong nagyari sa lakad mo?" Tanong ko.
"Hey, Liam Can you let me take a rest first, Bukas na natin pag usapan yan, pagod at antok na din ako eh" hihikab hikab na sagot ni Zach.
"Eh sino ba may sabi sayong magliwaliw ka pagdating mo dito? Diba dapat dumiretso ka na dito sa bahay ng sa ganon makapag pahinga ka at ma I report mo lahat ng kailangan mong I report" inis na sabi ko.
"Eh gusto ko din maglibang at saka naawa ako kay Breanne, mag isang naglalakad palabas ng subdivision, kaya sinamahan ko na lang sya, teka ano bang nangyari dito?" Nakakunot ang noong paliwanag at tanong nito.
Bigla akong natigilan at binaha ng guilt at awa ang puso ko para kay Breanne, somehow I felt responsible for what happened. "Si tita Carmela, halos magwala kanina dahil kay Breanne" mahinang sagot ko saka ikinwento ko dito ang nangyari.
"Whaaaat? At dahil lang ayaw ni Tita Mela na makita si Breanne pinag day off mo sya kahit alam mo na wala syang mapupuntahan?" Iiling iling si Zach.
"But I gave her money enough to spend a night in a hotel or some safe place" sabi ko.
"Tsk, it's not about money Tol, it's about what Breanne would feel. Think about it, and knowing her situation you think she's gonna spend the money you gave her?"
I sighed, tama si Zach, I was so insensetive.
"Sir, heto na po kape nyo, kung wala na po kayong iuutos aakyat na po ako" pagkababa ng kape inabot nito yung pera sa kin "hindi ko nagamit tong pera it's all thanks to Zach, isosoli ko na po"
Natahimik ako, lalong lumalim yung guilt na nararamdaman ko.
"wala na akong iutos at yang pera please keep it, binigay ko na sayo yan, and about what happened kanina, Sorry hindi kita dapat pinaalis dahil lang ayaw sayo ni Tita Carmela, I hope na hindi ka galit"
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...
