Chapter 25- Sorry****Breanne's POV****
"Breanne, wake up" alimpungatan ako sa mahinang tinig na aking naririnig kaya't dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa kin ang magagandang mata ni Sir Liam habang tinatapik ako sa balikat.
Dahil tulog pa ang diwa ko awtomatikong napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagkataranta ko na syang naging dahilan para magka umpugan kami.
"Ouch! Ouch!" Panabay naming sambit habang hawak ang aming noo.
"S-Sorry..sorry Sir Liam naalimpungatan kase ako" hinging paumanhin ko sa totoo lang hiyang hiya ako dahil sa mga nangyari kanina tapos ngayon heto na naman puro perwisyo na ang binibigay ko dito.
"Ouch, Breanne what's happening to you? Ginigising kita kase aalis na tayo tapos na ang meeting ko with Mr. Lim at kanina pa kita ginigising pero para kang mantikang makatulog" palatak nito.
Lalo akong napahiya. Kanina nga nung binuhat ako ni Sir Liam kala ko mahihimatay ako sa kahihiyan at dahil na rin sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
jusko! Ano bang ginagawa sa kin ng mamang ito.
"Pasensya na po Sir Liam tulig pa ho kase ang diwa ko, teka ho si Mr Lim asan ho?" Tanong ko.
"Umalis na tumawag yung asawa at kailangan daw sya sa bahay nila kaya umuna may importante daw aasikasuhin"
Napakagat labi ako, di man lang ako nakahingi ng pasensya dahil sa nangyari, hindi ko na kase natapos yung dapat kung gawin dahil sa pagka hulog ko, akala ko pagkagising ko magagawa ko din yun pero sumasakit na yung balakang at paa ko at siguradong di ko na kayang maglakad nito.
"Nagbilin naman sya na next week mo na lang daw gawin yung pinagagawa nya at kung di ka pa daw naman ok e di kahit sa susunod na lang" tila nabasa nito ang nasa isip ko.
"Nakakahiya talaga kay Mr. Lim ang palpak ko kase" mahinang sabi ko.
"Hindi mo naman ginusto yun kaya I'm sure he'll understand...anyway let's go"
Tumango ako tapos nang akma akong tatayo pinigilan agad ako nito. "I said i'll carry you diba?"
"Pero-----"
"Wala ng pero pero alam kong nanakit na ang paa mo ngayon kaya wag ka ng magmatigas, mabigat ka oo, pero wala akong choice" at saka walang ano anong binuhat ako nito " kumapit ka sa leeg ko nahihirapan ako" utos nito.
Gosh! Heto naman ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tulad kanina lalo pa langhap ko ang pabango nito na tila nagdadala sa kin ng pakiramdam na nasa pinakadulo ako ng bahaghari.
Hanggang makababa at makasakay ng kotse ni Sir Liam ay hindi na nawala ang eratikong tibok ng puso ko.
"Past 12 na, daan muna tayo sa resto tapos kumain muna tayo since hindi ka din naman makakapagluto sa bahay then after nun we'll go to hospital to check that out"
"Sa bahay na lang tayo kumain Sir Liam, kaya ko na sigurong magluto mamaya kase kakargahin nyo na naman ako papuntang resto eh, nakakahiya na quotang quota na ako" tanggi ko.
"Ayokong magutom tayong dalwa, at saka siguradong di mo pa kayang gumalaw ng maayos at sigurado ding pagbabawalan ka ng doctor na mapagod kaya wag ka ng tumanggi pa Breanne"
Napakagat labi ako.
"P-pasensya na Sir Liam sa abala wag po kayong mag alala kanila Trish muna ako uuwi habang nagpapagaling mag le-leave po muna ako para hindi na ako makaabala pa" nakayukong sabi ko.
"Breanne, I don't mean anything wrong, you're staying at my house hindi porke nagkaganyan ka eh pababayaan na kita na umalis at sa iba magpagaling, seriously ganun ba ako kasama sayo? At saka pwede ba tigilan mo yang ka so-sorry mo, once is enough ok?" Tila nanenermong sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/8383264-288-k14252.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomanceBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...