Breanne's POV
*********
Masayang masaya ako habang pauwi sa bahay kase meron na akong trabaho tapos panay pa ang ngiti ni Liam sa akin, and gosh! Napakagwapo niya kanina habang nakasimpleng pambahay lang. Mukhang fresh na fresh ito. *drools*
At tama yun ang planong naisip ko, I need 3 jobs para makaipon, and luckily sa ngayon meron na akong dalwa.
Job 1 mag hohome service ako sa pag aayos ng PC, marami na akong pinamigay na mga fliers pati na rin sa mga dati kong kliyente binigyan ko din at nakisuyo na ipamigay sa mga kakilala nila.
Job 2- maid ni Sir Liam at Sir Zach, everything goes according to plan, meron akong matutuluyang bahay bukod sa may sahod pa ako, siguro naman papayagan ako ni Sir Liam na gumawa ng time management para magawa ko lahat ng trabaho ko. Job 3 na lang ang kailangan kong isipin.
"Thank you so much Lord! " usal ko "You never let me down, and You're the best God on earth!"
Bukas balak ko nang lumipat kina Sir Liam kase bukas na din ako paaalisin ng buyer ng shop kaya tamang tama.
Nag inat inat ako, unti unti ko na kaseng nararamdaman ang pagod dahil sa dami kong trabaho nung mga nagdaang araw.
Nagpasya akong matulog muna sa sofa para makapagpahinga, akma na akong sasandal sa headrest ng gulantangin ako ng mga sigaw galing labas.
"Breanne....! " panabay na sigaw ni Anne at Trish sabay sugod ng takbo sa akin.
"Trish! Anne! " napatayo ako at sinalubong ang mga ito saka niyakap ng mahigpit, naluha pa ako.
"Namiss ka namin bess! "
"Kayo din! " halos maluh luhang sabi ko
"Marami kaming pasalubong sayo bess"
"Talaga? " excited na tanong ko
Pagkatapos nun hinalughog ko na agad ang bag na may lamang mga pasalubong sa akin, kung ano ano ang laman nun may damit, sapatos, pantalon, tsinelas, pabango, make up kit, mga pagkain at kung ano ano pa.
" ang dami naman! " bulalas ko.
"Love ka namin eh! At saka may special kaming regalo sayo" kinuha ni Anne ang isang bag at dahan dahan itong binuksan.
"Tadaaaaaaaa"
Nanlaki ang mga mata ko "Wow! DVD's????? Waaaaaaahhhhhh! " hindi halos ako magkandaugaga sa pagtingin sa mga DVD's.
May Naruto, One Piece, Hunter X Hunter, Bleach, Katekyo Hitman Reborn, Slam Dunk, Kuroko's basketball, Shaman King, Full metal Alchemist, Gintama, D-Grayman, Fairy tail, Flame of Recca, Ghost fighter at kung ano ano pa. Tuwang tuwa sya tapos meron pang manga, Shonen jump. Grabe!
"Ang dami nito, siguradong mahal ang mga to! Salamat! " halos maluhang sabi ko, akala ko naiinis ang mga ito sa pagiging Otaku ko pero heto at binilhan pa ako ng mga collections.
Nginitian ako ng dalwa. "Yung mga shonen jump, pati yang DVD's galing yan sa pinsan ko na umuwi galing japan, matagal na naming pinabili yan mga yan mura lang kase dun tapos binayaran na lang namin ni Trish"
Naluha ako, napaka importante sa kin ang lahat ng bagay na may kinalaman sa anime. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili yakapin ang dalwang kaibigan.
"Kayo talaga! Sinorpresa nyo ako ng sobra! " sa pagitan ng pagsigok ay sabi ko, bakit ba ang iyakin ko yata ngayon?
" asus! Basta anime iiyakan mo talaga!" Natatawang sabi ni Trish.
Pagkatapos ng mahabang kumustahan kwentuhan naman kami tungkol sa bakasyon ng dalwa at masayang masaya daw ang mga ito sa bonding nila na ikinasaya ko talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/8383264-288-k14252.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lied, I Love You
RomantikBreanne's jaw dropped as she look at the man standing in front of her, He is the most handsome guy she ever laid eyes on------- kaso arogante ito, mayabang, walang puso, antipatiko at walang modo. She doesn't have an slightest idea that meeting...