Miss You
Lunes. Monday. Kinabukasan ng linggo. May pasok. Iyak.
Pagpasok ko sa campus mag-isa lang ako pumunta ng room. Hindi ako sanay. Kase sanay ako na may isang babae na talagang mahal ko na nasa tabi ko lang. Pero wala eh. Things may come and things may go.
Pagpasok ko ng room bungad agad yung mga muka ni Jyrah.
"Dax!" Sabay suntok ni Jyrah sa tiyan ko.
"Aray!" Napahawak ako sa tiyan ko pero may napansin ako.
"Anong nangyare diyan?" Sabay turo kay Rean.
"Ewan di pa kumikibo eh." Seryoso siyang nagsusulat. Nilagay ko muna yung bag ko sa upuan saka lumapit ulit sakanila.
Seryoso talaga siya. May girl thingy ba to?"May dalaw ba siya." Natatawang sabi ko. Natawa sila Pau.
"Ewan ko."
Biglang tumayo at nagdabog si Rean at pumunta sa lockers.
"Woah."
Sinundan namin siya sa likod. "O anong meron bhe." Sambit ni Jyrah.
"Ah, wala." malakas na sinarado niya ang pinto ng locker niya. Kaya nagsitinginan ang mga kaklase namin.
"Lagottt!" sambit nila. Hindi namin sila pinansin. Anong meron dun?
💜
Lunch. As always nasa baba kami kumain. Si Rean wala sa mood na pinaglalaroan lang ang pagkain niya. Ano ba talagang meron dito sa babae na to.
"Kumain ka baka papayat ka niyan." biro ko. Sinamaan niya ako ng tigin. Ok bad joke. Kumuha niya yung kutsara niya at binato sakin buti nalang naka-ilag ako. Tumayo ako at kinuha ang kutsura.
"Woah, sorry."
"Uy Bhe, ano bang problema?" tamong ni Jyrah.
"Uy Rean, nandito lang kami." sambit naman ni Pau.
Nagbuntong-hininga siya. "Kasi hindi na naman siya namamansin. Lagi siyang busy."
"Nagpapaaffected ka naman?" sambit ni Jyrah.
"Oo, tutal mahal ko na siya eh."
"Teka teka, ngayon mo lang nalaman na mahal mo na siya?" takang tanong ko. Abnormal ata to eh.
"Oo."
"Ha!?" sabi naming sabay. Tatlo pa kaming nagulat. Kaya nga sabay eh.
"Diba pag gusto mo na. Mahal mo na rin?" takang sabi ni Jyrah.
"Oo nga." sambit namin ni Pau.
"Bhe, ok ka lang?" natawa kami sa sinabi niya.
"Gaga, tanga."
"Oh lahat mo." natatawa kong sabi.
"Hays, iba kasi sakin ang gusto sa mahal. Pero kayong tatlo tinulak niyo ako sakanya kaya ayan mahal ko na."
"You're welcome." sabi ko. Sinamaan niya ako ng tigin.
"Kasi naman, eh."
"Ayaw mo yun?" sabi ni Pau.
"Ayaw." agad niyang sagot.
"Ano kaya yun." takang sabi namin.
On the right time. Dumating si Eric at naki-upo.
"Yo." bati niya.
"Sup."
"Hey."
"Hello."Bati naman namin. Tinigan ko si Rean na tahimik lang. Kaya si Eric tumabi sakanya.
"Ba't kayo natahimik." sambit ni Eric.
"Ehem, awkward, ehem." acting ni Pau.
"Ano?" tanong ni Eric.
Siniko ko si Pau. "Si Rean kasi may sasabihin daw sa'yo." Sinamaan ako ng tigin ni Rean. Kakainin ata ako ne'to.
Tumigin si Rean kay Eric. "AYIEE!" Sigaw namin. Pero hindi nila kami pinansin.
"Eric, I miss so much." Yun na yun? All new pringles bites.
Natawa si Eric na ikinagulat namin. "Bakit? Lagi naman tayo nagkikita." Hinampas ni Rean ang balikat ni Eric. "Haha, joke lang na-miss din kita."
Lam poreber.

YOU ARE READING
In A Relationship (Single #2) [Completed]
Teen Fiction[Single Book 2] After getting dumped by his first official girlfriend. Ipagpapatuloy ni Dax ang kanyang Single na buhay pero may twist at ibang pang ano-anong mangyayare sa buhay niya. Malalaman niya na ba ang ka-poreber niya? o forever alone lang...