Prepared (Part 1)
"Dax, sorry. Dahil dun sa kahapon. Alam kong nag-aalala ka lang para hindi ako masaktan. Nadala lang ako ng emosyon ko. Tinigil mo na rin ang mga nararamdaman ko para sakanya." Tinignan ko siya. Para siyang batang pulubing nanlilimos. 'Bes pagkain lang, oh.'
Natawa ako. "Pau, sorry din kung masyado akong harsh sayo kahapon."
"Bati na tayo?" Pa-cute niyang tanong. Tumango ako. Lumapit siya sakin na para bang yayakapin niya ako pero umiwas ako.
"No!"
"Fine." Sagot niya.
"Dax!" Sigaw ni Izi.
Agad akong napalingon sakanya. "Teka lang." Pagpapaalam ko kay Pau.
Tumango siya at pumunta ako kay Izi.
"Bakit?"
"Pasok tayo sa battle of the bands!!" Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Talaga? Naka-sali kami?! Abot langit na ata ang ngiti ko.
Hindi ako makapagsalita sa sobrang saya. "Tara. Excuse tayo sa mga classes natin ngayon. Sabi nila kaya daw nating patumbahin ang mga grade 9 at 10." Kinuha niya ang bag niya at kinuha ko na rin ang mga gamit ko.
"At saan kayo pupunta?" Bungad ni Sir.
"S-sir. Magprapractice po para sa banda." Kabadong sabi ni Izi.
Ngumiti si Sir. Nakakatakot ang mga ngiti niya. Kala mo may papatayin na tao. "Goodluck, kaya niyo yan." Hinawakan niya ang mga balikat namin ni Izi.
Pumasok na si Sir sa room. "Ang weird ni Sir." Natatawang sabi ni Izi. Natawa na rin ako.
Hinihintay kami ni Nat, Iris at Mike.
"Hi Guys!" Bati ni Izi.
"Hi!" Bati nila.
"Hi Dax." Bati ni Iris sakin.
"Uhm-Hi Iris." Nanginginig na sabi ko. Ang lakas parin ng epekto niya sakin.
"Muling Ibalik~" kanta nila. Sinamaan ko sila ng tingin.
"So, tara?" Yaya ni Mike. Lumabas kami ng Campus at sinundan si Mike.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Nat.
"Sa studio." Sambit niya. Studio?
May pinasokan kaming building. At pumasok sa isang kwarto.
"Wow!" Lang ang masasabe ko dito. Studio nga siya. May mga ilaw sa gilid. May isang TV, ref at sofa. May isang pinto doon. Binuksan ni Mike.
"At dito tayo magprapractice." Sambit niya. May dalawang Mike holders at Mikes, may speakers, may isang drum set.
"Magkano ang renta dito?" Tanong ko.
"Wala. Libre lang to dahil ang tito ko ay may ari ng apartment at studio na ito. Dati kasi siyang rakista." Napa-ohh nalang ako.
"Dito muna tayo matutulog?" Tanong ni Izi.
Tumango si Mike. May tatlong kama dito sa isang kwarto.
Tumango nalang kami. "Bukas tayo magpractice? May dalawang linggo tayo para magpractice sana maaging maayos ito."
Nilagay niya ang kamay niya sa gitna. Ginaya na rin namin.
"Pogitas!" Sabay sabay naming sabi.
💜
"Hello? Mama?! Nandito kami sa apartment. Dito muna kami mag-iistay. Oo, nandito si Mike, Izi at Nat. At pati si Iris. Opo, mga two weeks lang kami. Wala pong bayad dahil tito ni Mike ang may ari nito. Opo, mag-iingat kami. Excuse naman daw kami sa school. Ok, love you too." binaba ko na ang phone ko. Kanilang hapon kumuha muna kami ng mga damit at gamit namin.
Masaya to.
YOU ARE READING
In A Relationship (Single #2) [Completed]
Genç Kurgu[Single Book 2] After getting dumped by his first official girlfriend. Ipagpapatuloy ni Dax ang kanyang Single na buhay pero may twist at ibang pang ano-anong mangyayare sa buhay niya. Malalaman niya na ba ang ka-poreber niya? o forever alone lang...