First Anniversary
Friday!!! TGIF! Plus nasa good mood ako. Bakit? Di ko alam! Bad news. Si Rean at Eric ay di pa nagpapansinan. Mga pabebe lang sila. Sabi sakin ni Rean na ngayon na rin daw ang Anniversary nila.
"Tampo na ako." Galit na sabi ni Rean.
"Bakit na naman?" Sabi ni Jyrah.
"J, ngayon ang anniversary namin. Tas hindi pa kami magpapansinan." Tumulo ang mga luha niya. Woah, drama queen.
Agad namin siya linapitan. At sinasabing "ok lang yan."
"Thanks Guys." Pinunasan niya ang luha niya. Namumula na rin ang mga mata niya. Nagdrudrugs siguro to.
"Mamaya mag-usap kayo." Seryosong sabi ni Pau.
💜
Lunch. Its the time to talk. Kasi nga they don't talk anymore. Kumakain kami ngayon. Then, dumating si Eric.
"Awkward." Bulong ko kay Pau. Natawa naman siya at nag-apir kami. Humiwalay si Eric ng lamesa pero magkalapit lang sila sa isa't isa. As in sobrang magkalapit. Back to back lang.
Tumayo si Pau at kinuha ang baonan ni Rean at nilipat sa lamesa ni Eric. Kaya napilitan si Rean na lumipat ng lamesa. Sinamaan niya ng tigin si Pau. Lagot ka!
Di namin mapigilang makinig sa kanila. Kaya ang mga susunod na magsasalita ay silang dalawa.
"Eric, ba't hindi ka ba namamansin?" seryosong tanong ni Rean.
"Basta."
"Eto na nga yung chance naten para makapag-usap hindi mo pa ilalabas."
"Ayoko muna. Wala ako sa mood." tumayo si Eric at umalis.
Naiwan si Rean na may luha sa kanyang mata. Agad namin siya pinuntahan.
"Rean." alalang sabi namin.
Pinunasan niya ang luha niya at tumayo. Nakayuko lang siya. "Akyat na tayo." seryoso niyang sabi at naglakad na. Nagkatinginan kaming tatlo. Bad vibes na siya.
"Ang gulo talaga ng pag-ibig." sambit ni Jyrah.
"Sinabi mo pa." sagot ko naman.
Hays. Kamusta na kaya si Iris.
💜
Nasa bahay na ako. You knoe relax relax. Kain dito, kain diyan. Tulog dito, tulog diyan. At syempre assignments diyan, assignments dito.
Pero may gut feeling akong nararamdaman. Inopen ko ang acc ni Rean. By the way.. Oo alam ko ang account niya.
Pau sends you a message.
Pau: Rean!!!
Rean: oh bakit?
Pau: Nandito si Eric!!
Rean: anong gagawin ko?
Pau: Sungit. Kakausapin ka raw niya.
Rean: Dalian niya sabihin mo.
Pau: Teka papahiran ko phone ko.
Rean: Ok.
Pau (Eric.): Rean?
Rean: oh sino 'tong kausap ko?
Pau (Eric.): Ako to si Eric. Rean I'm sorry. I'm sorry dahil wala akong pakialam na anniversary natin ngayon. I'm sorry din dahil hindi ko kayo o ikaw pinansin. I'm sorry.
Rean: yan lang ba?
"Woah, taray mode." Sorrna di ko mapigilan.
Pau (Eric.): Happy Anniversary <3 I Love You.
Siguro umiiyak na yang dalawa.
Pau: Deng? Umalis na siya. May luha sa mata. Sana magkaayos na kayo.
Rean: sorry din. I love you too.
Pau: late na. Sobrang late.
Rean: ...
Pau: Umiiyak ka?
Rean: Yes. Bye na muna.
Pau: Pahinga ka muna.
Woah! Magiging ok din ang lahat. Sabi ko nga mahal nila ang isa't isa. Pero wala paring poreber.

YOU ARE READING
In A Relationship (Single #2) [Completed]
Novela Juvenil[Single Book 2] After getting dumped by his first official girlfriend. Ipagpapatuloy ni Dax ang kanyang Single na buhay pero may twist at ibang pang ano-anong mangyayare sa buhay niya. Malalaman niya na ba ang ka-poreber niya? o forever alone lang...