Chapter 33

13 3 0
                                    

Bump (Part 2)

Tumakbo ako palayo kay Zay pero bigla akong natumba.

"Uy Ok ka lang?" Tanong ng isang tao.

Masakit parin ang panga at tiyan ko dahil sa mga suntok ni Zay kanina.

Tinignan ko ang nagtanong sakin. "Iris?"

"Dax? Anong nangyare sayo?" Agad niya akong tinayo at pinaupo sa isang upuan.

"Saan ka ba nang-galing? May dugo yang labi mo." Alalang tanong niya. Naglabas siya ng isang panyo at pinunas ang dugo sa labi ko. Di ko maiwasan na tumingin sa kanya. "Hindi ka kasi nag-iingat." Inis na sabi niya.
"Yan ok na." Tinignan niya ako at tumingin din ako sakanya. Eto na namang puso kong tumakbo.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Dax, mahal pa kita. Itong puso ko ay nasayo pa. Tumitibok lang ito sayo. Nalaman ko ito pinagsisihan ko na ang pagkakamali ko." Tumulo na ang mga luha niya sa kanyang mata.

"Ako rin." Sambit ko.

Tumingin siya sakin. "Ikaw rin?"

"Malakas ang tibok ng puso ko pagnakikita kita. Hindi ko alam kung bakit. Litong lito na ako sobra." Paliwanang ko.

"Pwede ba tayong magbalikan?" Ditersong tanong niya.

"Ayoko muna."

Natulala siya. Oo ako rin gusto kong makipagbalikan. Pero gusto ko munang makilala siya nang mabuti. Para hindi na ako masaktan ulit.

"I'm sorry." Sambit niya at tumulo ulit ang mga luha niya.

"Sorry, dahil nasaktan kita nong una. Ang tanga ko para pakawalan ang isang lalaking tulad mo. Isang lalaki kundi proprotecktahan ako, isang lalaki na papasayahin ako, at isang lalaki na mamahalin ako ng sobra. I'm sorry, Dax."

Natahimik ako. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ko ang luha niya.

"Wag ka nang umiyak at wag ka rin magsorry. Oo, nasaktan mo ako pero pinapatawad na kita." Tumigil siya sa pag-iyak.

Ngumiti ako at ngumiti din siya.

"Nakaka-iyak naman." Boses na yun.

Tinignan ko siya. "Zay."

"Ang ganda ng moment niyong mag-ex, ah. Sorry." Sabay ngiti niya. "May dapat lang ako taposin."

Tinignan niya ako at ngumiti. Sinamaan ko siya ng tingin.

Tumayo ako at naramdaman ko ang sakit sa tiyan ko. Kita ko ang mga sugat sa kamao niya.

"Sabihin mo ang totoo." Nagtaka ako sa sinabi niya.

Anong totoo? Anong pinagsasani niya?

Tumingin ako kay Iris at tahimik lang siya.

"Sabihin mo, Iris."

Tumingin ulit ako kay Iris. Anong pinagsasabi ng hayup na to.

"Ano bang kailangan mo?!" Inis na sigaw ko.

"Gusto kong malaman mo ang totoo, Dax Enriquez." Ngumiti siya.

"Anong totoo?!" Sigaw ko ulit. Abnormal na ata to.

"Iris?! Anong pinagsasabi niya? Anong totoo?!" Hindi ko na makontrol ang tono ng boses ko.

Tumayo si Iris. "Dax."

"Anong pinagsasabi niya?"  Kaladong tanong ko.

"Iris, Go sabihin mo na ang totoo. Hindi ba ayaw mo siyang masaktan?" Sambit ni Zay.

"Manahimik ka, Zay."

"Woah, Galit ka na?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Binalik ko ang tingin ko kay Iris.

"Iris, anong pinagsasabi niya?!"

Lumunok siya. "Hindi totoo ang nararamdaman ko sayo."

Huminto bigla ang mundo ko. 

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now