Chapter 17

13 4 0
                                    

What is this?!

"Cross?!" gulat na gulat naming sabi.

Bumitaw si Zay sa pagyakap kay Rean.

"What is this?!" inis na sabi ni Cross.

"Cr-cross." nanginginig na sabi ni Rean.

Kitang kita sa mga mata ni Cross ang inis, galit at panghihinayang.

Lumapit si Zay kay Cross.

"Cross, pre. Nagkatampuhan lang naman kami ni Rean. Hindi ko naman siya inaangkin."  Biglang sinuntok ni Cross si Zay. Nagulat lahat kami sa nangyari. Agad kong inalalayaan si Day.

"Zay, ok ka lang?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya habang pinupunasan niya ang nagdudugong labi niya.

"Cross tama na!" Sigaw ni Rean.

Sinamaan ni Cross si Rean. At agad na tumayo si Zay at binigyan na malakas na sapak si Cross. Kaya napahiga rin siya.  Nilapitan naman ni Pau si Cross at inalalayan.

Tinignan ko si Rean nakatayo lang siya. Hindi siya makagalaw.

"Rean!" Sigaw ko. Bigla siyang nagising. At pumunta kay Cross.

Tumayo naman si Cross at biglang umalis. Kaya sinundan naman ni Rean. Sumunod naman kami ni Pau.

"Cross! Cross!" Tawag ni Rean kasi hindi siya pinapansin.

Kaya tumakbo si Rean at hinawakan ang braso ni Cross. Unti unti namang humarap sakanya.

"This is tense." Bulong ni Pau. Natawa nalang ako

"Cross, pag-usapan naman natin to." Pagmamakaawa ni Rean.

"Ano Rean?! Ano pa 'bang pag-uusapan natin ha?! Kitang kita na ng dalawang mata ko ang nangyari!" Sigaw ni Cross.

Natahimik si Rean. Pumatak ang mga luha niya. Walang kaming magawa. Nagsimula na ring kumidlat at bumuhos na ang ulan. Pumunta kami ni Pau sa may silong at naiwan ang dalawa sa gitna. Nakita kong nababasa na ang dalawa.

"Rean!" sigaw ko pero hindi siya kumibo. Rinig na rinig ang pag-iyak niya.

"Cross, sabi mo maghihintay ka!" sigaw ni Rean.

"Oo, sinabi ko. Pero sa nakita ko. Hindi ko na alam kung ipagpapatuloy ko ba o hindi!" pabalik na sigaw ni Cross.

"Cross naman, eh. Kung kailan ba nagugustohan na kita. Saka ka naging ganyan. Wag naman ganun!"

Nakita kong umiiyak na rin si Cross. "Anong tawagan niyo?" tanong niya bigla.

Natahimik si Rean at patuloy parin ang pagpatak ng luha niya.

"A-ano?" takang tanong ni Rean.

"Anong tawagan niyo ni Zay!?"

"Besh." tipid niyang sagot.

"Simula ngayon. Doon ka na sa besh mo." naglakad palayo si Cross. Kaya hinabol naman ni Rean.

"Cross!" sigaw niya. "Cross! Isang tanong, isang sagot!" sigaw ni Rean. Napahinto si Cross at tumingin sakanya.

"Are you going to wait? Or give up?" diretso niyang tanong.

"I give up." nagpatuloy naglakad si Cross. At biglang napa-upo si Rean at nagpatuloy sa pag-iiyak. Habang siya ay basang basa na ang kanyang uniform.

Kaya agad akong kumuha ng payong at nilapitan siya.

Hinawakan ko ang balikat niya. Tinignan niya ako. "Awat na. Basang basa ka na, oh." tinayo ko siya at pina-upo sa upuan.

"Absent tuloy tayo sa first class. Saka wag ka nang umiyak mas lalo kang papanget." natatawa kong sabi. Natawa naman siya.

"Pau kuha ka muna ng mga damit." Utos ko.

"Sige." Umalis siya para kumuha ng damit. Tinanggal ko ang jacket ko at nilagay kay Rean.

"Bakit ganito? Lahat nagtatapos sa iyakan." Malungkot na sabi niya.

"Rean, lahat naman nagtatapos sa iyakan. Pero sa isang pagtatapos masaya naman ang kasunod." Sagot ko.

"Salamat, Dax."

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now