Chapter 29

14 5 0
                                    

Old Rocker! (Part 3)

Pagkatapos naming mag-hugas ng pinggan bumalik kami ni Iris sa sala kung saan nagkwekwentohan sila. Umupo ako sa tabi ni Mike.

"Nong ganap?" tanong ko.

"Nagkwekwento si Uncle Eni."

"Alam niyo ba kung bakit ito ang binigay kong kwarto sa inyo?" tanong ni Tito. Umiling kaming lahat.

"Bakit?" tanong ni Izi.

"Dahil sa buong apartment na to. Ito ang kwarto ng band practice namin." napa-ohh kami dun.

"At dito ko rin nakilala ang asawa ko."

"Si Tita Belchi?" tumango si Tito.

"Bago ko binili ang building na ito. Isa siya sa mga hotel employee dito. Kaya napakaespesyal ang kwarto na to. Dito rin kami gumawa ng magic." sabay kindat niya. Anong magic?

"Teka nga." tumayo si Tito at pagbalik niya may dala siyang photo album.

"Noong mga 90's isa akong sikat na rakista. May banda kami na ngangalang The Sweet Skullers." natawa kami sa pangalan ng banda nila. Sweet Skuller huh?

"Pero bakit po kayo nagresign?" tanong ni Izi.

"Dahil may responsibilidad na ako ngayon. May tatlong anak akong inaalagaan at may isang asawa na minamahal." napangiti ako sa sinabi niya.

"Bakit niyo po naisipan na bilhin tong building?" tanong naman ni Nat.

"Nong una wala talaga akong plano na mapasakin tong building na to. Pero dahil sa sobrang pagmamamahal ko sa Tita niyo. Napabili ko tong apartment. Malakas din ang kita nitong apartment."

Binili niya lang tong building para lang sa minamahal niya. Love can do so many things nga naman.

"Pero hindi po ba mabigat sa bulsa tong pagbili ng building?"

"Oo, sobra. Pero sinabi ko kay Tita mo na mag-resign na para maka-bonding kami. Pero talagang tatak siya dito sa hotel na to. Kaya nagset up kami ng concerts twice a month para lang mabili ko tong building na to."

Sobrang amaze ako kay Tito Eni.

"Pero tandaan niyo mag-tapos muna kayo sa pag-aaral niyo para makuha niyo ang pangarap niyo sa kinabukasan."

Tumango kami. "Sino may gitara?" tanong ni Tito.

"Ako po!" sambit ko. Tumayo ako at kinuha ang gitara ko sa studio. Pinahiram ko kay Tito.

"Etong kanta na to ay ang theme song namin ng asawa ko."

Nakapabilog kami kay Tito at hinihintay ang kanta niya.

[Sandalan By: 6cyclemind]

♪♪~~Kanina pa kitang pinagmamasdan.
Mukha mo'y di maipinta
Malungkot ka na naman~~♪♪

Napatingin ako kay Iris. Biglang tumakbo ang puso ko. Ughh. Ano ba tong naradamdaman ko?

~~♪♪Sige lang
Sandal ka lang
At wag mong pipigilan
Iiyak mo na ang lahat sa langit
Iiyak mo lang ang lahat sa akin.~~♪♪

"Dax, mahal pa kita. Please may lugar pa ba ako diyan sa puso mo?" sabi niya habang pumapatak ang mga luha niya.

"Wala na, Iris ayoko na. Sinaktan mo na ako. Hindi na mababalik ulit." nagpatuloy pa ang pag-iyak niya.

"D-dax. Kaya nga napakalaking mali ang ginawa ko. Mali ang desisyon na yun para lang pakawalan ka. Sobrang mali." Nanghihina niyang sabi.

"Wala na talaga, Iris. Nagpakatanga lang ako." iniwan ko siyang nag-iisa.

Napatingin ako sakanya. Mahal ko pa ba? Pero sinaktan niya na ako. Bat ba ang gulo ng mundo ko ngayon?

~~♪♪Andito lang ako makikinig sayo
Sa buong magdamag
Sa'kin di ka balewala
Sige lang sige lang
Sige lang♪♪~~

Lahat sila ay nagsipalakpakan at aigin lang kay Iris.

Ang Hirap.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now