Special Chapter 2

34 4 0
                                    

Rean's POV

"Ang galing mo, Dax!" maligayang sabi ko at niyakap ko siya.

"Thanks, Rean." nginitian niya ako at ngumiti rin ako pabalik.

"Congrats, dude." bati ni Zay sakanya.

"Salamat, Zay."

"Sige na. Mag-celebrate ka na." sambit ko.

"Bye!" tumakbo palayo si Dax at naki-sama sa mga ka-band mates niya.

"Tara." hinawakan ni Zay ang kamay ko.

"Saan tayo?" takang tanong ko.

"Habang si Dax ay nagcecebrate. Tayo naman ay magcecebrate sa monthsary natin." hindi ko mapigilang mapangiti.

Lumabas kami sa campus at hinila ako sa isang side walk.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko.

"Date!" masayang sabi niya.

Mabuti nalang nagbago siya. Masaya ako para rin naman sakanya at sa akin ang pagbabago niya. Kaya nandito kami nagsasaya.

"Ano gusto mo?" tanon niya.

"Fishball!" masayang sabi ko. Ginulo niya ang buhok ko at hinila ako sa isang cart.

"Eto, oh." inabot niya sakin isang plastic cup na may laman na fishballs at squidballs.

"Salamat." nilagyan ko ng matamis na sauce. Hinila naman ako ni Zay sa isang bench.

"Tikman mo 'to." sinubuan niya ako ng isang fishball.

"Alam mo naman na pareho lang tayo ng kinakain." natatawa kong sabi.

"Para sweet kasi." sambit niya.

"Ang sauce lang ang sweet." natatawa kong sabi.

"Ganun pala, ah." tinaas niya ang baso niya at parang bubuhosan ako ng sauce.

"Subukan mo!"

"I will." nag-evil grin siya.

"Yah!" sinuntok ko siya sa braso. Binaba niya ang baso niya at tumawa ng malakas.

"Hindi ko naman talaga gagawin." nagpatuloy siya sa pagtawa.

"Hmp." nagpatuloy ako sa pag-kain.

"Sorry na." paglalambing niya sakin. Ang bilis talaga ng kabog ng puso ko. Niyakap niya ako. "Nagbibiro lang."

"Oo na." natawa ako dahil sa mukha niya.

Pinisil ko ang pisngi niya. "Ang cute mo talaga."

"Aray." sambit niya.

"Sana ganito tayo araw-araw." sambit ko.

Napatigin siya sakin. "Bakit? May problema ba?"

"Zay." nagtutubig na ang aking mata.

"Rean?"

"Lilipat na ako ng school."

Bigla siyang napatayo. "Bakit?"

"Yun ang gusto ni Mama. Sorry."

"Ok lang naiintindihan ko." napangiti ako sa sinabi niya. "Let's stay strong together, yah?"

Tumango ako.

"Thanks."

True Love.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now