Please.
"Everything has a reason." Sambit niya.
Natahimik lang ako.
"Kaya bigyan mo ng chance para naman magkapag-usap kayo. Para maayos na yang buhay mo." Ngumti siya at tumayo.
💜
"Dalian mo na." Seryosong sabi ko.
"Dax." Hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong tinanggal ito.
"Bilisan mo na ang lahat ng gusto mong sabihin." Tumingin ako sa relo ko. "May 30 minutes ka para magpaliwanang."
"Dax, totoo iyon." Sambit niya. Pero hindi ako umimik.
"Oo, totoo ang lahat. Totoo na peke lang ang mga nararamdaman ko sayo."
Habang nagsasalita siya sumisikip ng sumisikip ang puso ko.
"Pero simula nang sumali ako sa banda. Pa-ulit ulit kong sinasabi na niloloko lang kita sa ginagawa ko. At the same time, niloloko ko rin ang sarili ko."
"Anong gusto mong iparating?" Seryosong tanong ko.
"Gusto kong sabihin na. Mahal pa kita. Ayaw kitang iwanan. Kahit ipilit ko pa ang sarili kong kalimutan kita. Wala, hindi tumalabla."
"Bakit alam ni Zay?"
Natahimik siya.
"Bakit niya alam!" Sigaw ko.
"Siya ang nagsabe sakin." mas lalo akong nainis.
"Bakit?"
"Kasi para daw hindi ka na umeksena sa kanila ni Rean. Tinakot niya ako. Basta mahulog ka lang sakin ok na daw yun."
"That son of a bitch." Bigla akong nagising. Planado niya lahat nang ito. Simula hanggang dulo. Simula palang ayaw niya na sakin.
"Alam niya ba ang tungkol kala Cross dati?"
Tumango siya. "Kung hindi ako nagkakamali."
"Ano?"
"Planado niya ang lahat. Dahil sa selos niya sakin. Nagplano siya para lang mawala ang closeness namin ni Rean. Para mapasakanya lang siya. Ginamit ka niya para mawala ako at mahulog ulit ako."
"Oo, yun nga ang totoo." sagot niya. "Noong una palang kinausap ni Zay si Cross. Nag-away pa sila nun. Pero may sinabi si Zay kay Cross para pag selosin siya. Kaya sila nag break."
"At ang alam ko may plano si Zay kay Rean." dagdag niya pa."Anong plano niya?"
"Hindi niya sinabi."
May plano siyang saktan ang mahal niya? Napaka. Tumayo ako pero hinawakan ni Iris ang braso ko.
"Mag-ingat ka." paalala niya. Tumango ako.
"Rean."
YOU ARE READING
In A Relationship (Single #2) [Completed]
Teenfikce[Single Book 2] After getting dumped by his first official girlfriend. Ipagpapatuloy ni Dax ang kanyang Single na buhay pero may twist at ibang pang ano-anong mangyayare sa buhay niya. Malalaman niya na ba ang ka-poreber niya? o forever alone lang...