Chapter 15

14 4 0
                                    

Friends?

Papasok na ako sa campus. As usual hinihintay  namin si Rean. Nasa baba kami waiting for the bus haha dejoke. After 10 years dumating na rin si Rean at si Cross. Mukang may plinaplano 'tong dalawa kanina.

"Uy Beh ang tagal mo." sabay hampas ni Jyrah sa braso ni Rean.

"Sorry na!" Nauna na kaming maglakad at naiwan ang dalawa sa likod. Tumigin kami sa likod baka naglalandian na.

Tumuloy kami sa paglalakad at umakyat papunta sa room.

💜

Lunch. Ang bilis diba? Nasa table kami kumakain. Nagkwekwentohan at naghaharotan sila. Tumayo si Cross. "Magc-cr muna ako." Pagpapaalam niya. Lahat kami tumango at umalis siya sa lamesa.

And Then,

♪~Shout out to my ex! You're really quite the man~♪

Biglang kanta ni Jyrah kasi pumunta si ex ni Rean sa lamesa namin. Biglang umupo si Eric sa harap ni Rean slash sa tabi ko naman.

"Anong kailangan mo?" mataray na sabi ni Rean.

"Rean." sambit ni Eric.

"Ano?" seryosong sabi ni Rean.

"Sorry na." Parang gustong hawakan ni Eric ang kamay ni Rean. Tama sa moment.

"Matagal na kitang pinatawad." inikot ni Rean ang mata niya at kumain ulit.

"Talaga?" para bang laking gulat ni Eric nang marining niya iyon.

"Pwede 'bang maging friends tayo?"

Nagbungtong hininga siya. "Oo na."

"Yay!"

"So musta pala ang buhay single?" biglang tanong ni Jyrah. Sira talaga to.

Natahimik si Eric at huminga ng malalim.

"Actually may bago akong crush."
Lahat kami ay nanlaki ng mata sa sinabi niya. Weh? Agad agad? Sabagay si Rean may Cross na.

"Weh agad agad?" di mapakaniwalang sagot ni Jyrah.
"Ang bilis niyo mag move on ah? Eto si Rean may-" naputol yung sinabi ni Jyrah dahil dumating na si Cross.

Awkward alert.

"Uh-hi!" bati ni Cross kay Eric at umupo sa tabi ni Rean.

"Uh-hi din."

"Ang awkward bes." bulong ni Jyrah sakin kaya natawa ako.

"Mag-mu kayo?" biglang tanong ni Eric. Nakita kong namula ang pisngi ni Rean at ni Cross.

"Soon." sabay kindat ni Cross.

"Great." mahinang sabi ni Eric. "Sige mauna na ako." tatayi na sana siya pero pinigilan siya ni Cross.

"Bro, dito ka muna."

"Uhm, sige." bumalik siya sa upuan niya.

"Sino na yung bago mong crush?" tanong naman ni Pau. 

"Si Ezi." sagot niya.

"Ezi?" sabay naming sabi.

"Oo. Classmate ko siya."

"Nice naman." sambit ni Cross kaya napatigin kami sakanya. Tinignan ko si Rean. Tahimik lang siya siguro di siya kumportable na nandito ang ex at present niya.

Awkwardness nga diba.

"Sige na aakyat na ako." pagpapaalam ni Eric. "Bye guys." umalis na si Eric.

Biglang napabuga si Rean. "Hays salamat."

"Ok ka lang?" tanong ni Cross.

"Oo, ok lang ako salamat."

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now