Chapter 11

23 5 0
                                    

Exchange Guy

Ilang linggo na ang nakalipas simula nung nagbreak sila Eric. Kalat na rin ang balita kaya wala nang nagshiship sakanila.

Pero, may eepal. Si Renzo. Renzo classmate ko dati. Sinabi rin ni Rean na nagkagusto daw siya sakanya si Renzo. Sinabi din ni Rean na maghihintay siya na break silang dalawa ni Eric. Kaya eto ngayon si Renzo at Rean. Naghaharutan.

Wala kaming lesson kasi yung mga teachers busy sa intrams na magaganap. Kaya eto hindi ko mapigilang tignan silang dalawa. Hindi ko rin mapigilan makaramdam ng selos. Bakit ako nagseselos?

"Pau! Samahan mo ako." umupo si Pau sa tabi ko.

"Bakit Dax?"

"Ang boring eh. Gusto kong lapitan si Rean pero may bagong kalandian." Natatawa kong sabi.

"Kaya nga eh, pag katapos ni Eric si Renzo naman. Parang exchange guy lang."

"Oo nga, eh." Natawa nalang ako.

Ilang araw na nagiging close sila Renzo at Rean. I mean super close. Laging magkasama. Laging nagkakarutan.

Ngayon lunch. Nasa baba kaming tatlo ni Jyrah at Alex. Hinihintay sila Rean kasi gumawa sila ng banderitas.

Sakto dumating na silang dalawa. Pau at Rean. Tumabi sakin si Rean at si Pau naman ay tumabi kala Jyrah at Alex.

"So, Rean. Napansin ko na close na kayo." Sinabi ko habang kumakain. Tinignan ko siya at napahinto siya sa pagkain.

"Nino?"

"Renzo." Seryosong sabi ko.

Tumigin siya sakin. "Ah, oo ang kulit nun eh."

"Teka may tanong ako." Lumipat sila Jyrah, Alex at Pau ng upuan.

Kaya naiwan kaming dalawa ni Rean.

"Ano Rean? May gusto ka ba? Sakanya." Tahimik siya at niligpit ang pagkain niya at tumigin ulit siya sakin.

Tumango siya. "Parang."

Nakaramdam ako ng lungkot. Di ko alam kung bakit. Bakit nga ba?

"WEHHHHH?" pinoke ko siya sa braso niya. Parang inaasar ganun.

"Luh? Parang tanga." sambit niya. Tinutusok ko lang siya.

"Wehh? Bakit? Bakit?"

"Eto na, kasi sweet, tsaka makulit."

"Ayieee!"

"Uy Dax para kang timang diyan!" sigaw ni Pau. Sinamaan ko lang siya ng tigin.

"Talaga? Talaga?"

"Oo nga. Tara na akyat na tayo."

Habang umaakyat kami kinukulit ko siya. Hirap kaya paniwalaan.

💜

Since wala kaming ginagawa. Nakatunganga lang ako. Kausap ko naman si Maine pero na-bored na agad kami. Magsari sarili kaming mundo ngayon. Si Jyrah nagprapractice dahil kasali siya sa Ms. Intrams. Si Rean kasama ang bagong kalandian na si Renzo. Si Pau may kausap na iba.

Ako? Walang kausap kulang nalang mabaliw ako kakatitig sa orasan.

💜

Uwian. Cleaners ako ngayon kaya ako lang ang naglilinis. Si Rean at Renzo ay tinutulongan si Sir na maglagay ng mga banderitas. Si Pau ay kasama si Eric dahil hindi na lumalapit si Eric samin. Si Jyrah ay umuwi na.

"Done." Binalik ko ang walis sa likod ng room. Kinuha ko na rin ang bag ko.

Mukang tapos na rin sila Rean at Pau.

"Tara na." Sambit ko. Kinuha na rin nila ang mga bag nila. Naiwan si Rean kasi naguusap pa sila ni Renzo.

"Lagi nalang sila magkadikit." Sabi ko.

"Oo nga eh." Sabi naman ni Pau.

"Alam ko na ang tawag sa kanya." Sambit ni Pau. 

"Ano?" Tanong ko.

"Landeng."

"Hahaha! Baliw." Pinalo ko siya sa braso.

"Tara." Sambit ni Rean.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now