Chapter 2

67 6 0
                                    

At That Night

"Dax? Ok ka na?" tanong ni Rean.
Tumango nalang ako. Ang tanging masasabi ko nalang ay "oo, ok lang ako." ayokong madamay sila sa problema ko. Alam kong gusto nila akong tulungan pero ayokong mag-alala siya.

"Sus, kahit hindi."

"Ba't ka pa nagtanong." asar na may inis na sabi ko.

"Break up lang yan, Dax matatapos din yan." sambit naman ni Jyrah.

"Mahirap kaya."

"Kwento mo nga kung anong nangyare?" sambit ni Pau.

"Tinatakasan ko na nga yung nakaraan ipapakwento mo pa." sabi ko. Ano ba guys? Pa-moving on na ako.

"Dali na!" bigla akong kiniliti ni Rean.

"Eto na, eto na." mahirap talaga ang napipilitan.

"Ganito kasi yun."

2 Months Ago...

Isang buwan nakalipas nang ginanap ang birthday ni Iris. Ngayon ay nasa-date kami ngayon. Ang hindi ko alam ay eto na pala ang last and final date namin.

"Inexpect mo na?" asar ni Jyrah.

"Baliw."

Then, hinawakan ko ang muka niya. Para bang first kiss moment ganun. Pero hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal iyon.

"May problema ba?" takang tanong ko.

"May kailangan akong sabihin sa'yo Dax."

"A-ano yun?" naririndang kong sabi.

"Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero."

"Pero?"

"Break na tayo."

Doon nawarak ang puso ko. Sa tatlong salita na nanggaling sakanya na hindi ko maasahang marinig na lumabas sa bunganga niya. Pero.. Pero nasabi niya na.

"B-bakit?"

"Ayoko na."

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now