Chapter 34

13 4 0
                                    

All A Game (Part 3)

"Peke lang ang nararamdaman ko sayo."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

Narinig kong tumawa si Zay. Mas lalo akong nainis. Peke lang? Ano ba to? Laro? Pwede mo lang gawin mo sa isang tao.

"Yan. Masaya na." Natatawang sabi ni Zay. Nagkamao ang kamay ko.

"Ginagago mo lang ako?" Inis na sabi ko.

"Dax, hindi naman sa ganon."

"Hindi sa ganun?! Ano?! May dapat pa ba akong malaman?!" Inis na inis na sabi ko.

"At Ikaw!!" Tumigin ako kay Zay "Kontento ka na ba?! Masaya ka na, na nasasaktan na ako!"

"Oo." Sagot niya. Tumakbo ako papalapit sakanya at binigyan ng malaka na suntok. Napa-upo siya at hinawakan ang labi.

Hinawakan ko ang kwelyo niya at sinuntok ko ulit ang mukha niya.

Napa-upo ulit siya. "ZAY!" Sigaw ng isang babae.

"Rean?" Inalalayan ni Rean si Zay.

"Anong ginawa mo, Dax?!" Inis na sabi niya.

Ano ba tong nangyayare sa buhay ko?

"S-siya nauna." Kabadong sabi ko.

"Bakit kailangan mong gumanti!" Sigaw niya.

"Kailangan ko rin protecktahan ang sarili ko!" Hindi ko na kinaya.

May humawak sa braso ko. "Dax." Tumigin ako sakanya.

"At ikaw naman! Pinaglalaruan mo nalang ang nararamdaman ko. Kala ko seryoso ka na, eh." Di ko rin kinaya. Pumutak na ang luha ko. "Kala ko mamahalin mo ulit ako. Kung kailan bumalik na ang nararamdaman ko sayo. Ngayon mo lang ako gagagohin. Ayoko na. Pagod na pagod na ako."

"Dax, hindi. Totoo na tong nararamdaman ko sayo."

"Ayoko na. Hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko." Pinunasan ko ang luha ko at umalis.

💜

Nagbuntong hininga ako.

"Ok ka lang?"

Tumango ako. "Ilang linggo na kayo hindi nag-uusap kaya mo pa ba?"

"Kaya yan. Wala akong kasalanan."

"Naiintindihan ko. Pero kinausap mo na ba siya?" Tanong niya.

Umiling ako. "Ayoko, Pau. Sana naman ako ang intindihin niya diba?"

Tumango siya. Nagbuntong hininga siya.

"Kamusta yang sugat mo?" Tinignan ko ang kamay ko.

"Ok naman." Madaming bandages dahil sa hiwa sa kutsilyo.

"Ang dami mong pinagdaanan. At nandito ka parin nakatayo mag-isa. Plus nakapasok pa kayo sa round 2 ng battle of the bands. I'm proud."

Medyo gumaan gaan din ang pakiramdam ko.

"Dax." Tinignan ko kung sino yun.

"Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ko.

"Mauna na ako." Paalam ni Pau.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Anong pag-uusapan natin?" Inis na tanong ko.

"Tungkol ito sa nakaraang linggo." Sambit niya.

"Ano naman? Tapos na yun. Wala na tayong magagawa." Seryosong sabi ko.

"Oo, tapos na nga. Pero problema pa natin yun. Kaya sabihin mo kung anong nangyare?"

Nagbuntong hininga ako. "Simula nung nakabalik ako nakatayo sa harap ko si Zay. Sinapak niya ako at may pinaamoy siya sakin. Doon nangitim ang panigin ko. Tinali niya ako sa isang parte ng GYM na siya lang ang nakakaalam. Nakaalis ako at nakapagperform. Sinundan niya ako sa CR at sinuntok niya ako tumama ang kamay niya sa salamin kaya nagsugat ang kamay niya. Nong araw na yun. Nalaman kong pinagloloko na naman ako ni Iris. Hindi pala totoo ang nararamdaman niya sakin. Sa sobrang galit ko sakanila. Gumanti ako kay Zay."

"Sorry kung hindi kita inintindin bilang kaibigan. Nadala lang ako sa pag-aalala kay Zay. Kaya yan napahamak ka na naman."

"Ok lang. Pinapatawad na kita."

Bigla niya akong niyakap. "Salamat."

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now