Chapter 7

30 5 0
                                    

Her Day

Isang linggo ang nakalipas. At ngayon ay birthday na ni Rean. Kaya agad akog bumango at nag-open ng fezbook.

Rean (Online)

Dax: HAPPY BIRTHDAY!! MATANDA KA NA TALAGA!!

Rean: Gandang bungad ah. Thank you pangettt!! Punta kayo dito ah.

Dax: syur, maliligo muna me. Bye.

At doon nga ako naligo na. Kahit sobrang lamig tiniis ko na. Ganyan naman diba.

Pag tapos kong maligo. Agad ako nagbihis ng pang-alis. Pero wala akong kasabay at di ko alam ang daan dun. Iyak.

Pau (Online)

Dax: Pau papunta na kayo?

Pau: yah.

Dax: kita kita tayo diyan sa mall. Hintayin niyo ako!

Pau: oo na.

Niyo kase kasama niya si Eric.

Bumaba na ako at kinuha ang regalo. "Bye daddy!" Paalam ko.

"Pasalubong ah!" Pahabol niya.

"Wala akong pera!" Sinara ko na ang lock at umalis. Sumakay sa dyip at bumaba sa mall.

Pau: asan ka na? Nandito kami aa expressions.

Kaya pumunta ako sa expressions.

Nakakita akong isang malaki haha ang sama ko. Kasama si Eric at ang kapatid niya na si Ervin.

Umupo muna kami sa food court. At may nilabas silang stuff toy. Isang stitch at isang mukang aso na bear. Asbear. Naglabas sila ng gift wrapper. Ngayon palang sila maggigift wrap?

"Ngayon palang kayo magbabalot?"

"Oo, hindi na halata?" Asar ni Pau. Hindi ko nalang siya pinansin at pinanood ko nalang silang dalawa.

After mga 10 to 15 minutes. Lumabas na kami sa mall at naglakad na kami papunta sa bahay nila Rean. 

Nang papunta palang kami. Nakita namin yung papa ni Rean.
"Oh Guys nandon si Rean sa bahay."

"Sige po. Thank you." Bati namin sakanya at nagpatuloy sa paglalakad.

💜

Nakarating na kami sa bahay ni Rean. Na-upo kaming apat sa sofa. At lumabas si Rean sa kusina nila na naka-suot ng simpleng blue na blouse at pants  lang. To be honest ang ganda niya. Ngayon. Ngayon lang haha. Pumunta siya sa lamesa at kumuha ng 1.5 coke at naglabas ng limang baso. Naglagay siya ng coke sa mga baso. Malamang.

"Inom muna kayo." Sabi niya. Kaya tumayo kami at pumunta sa lamesa at kumuha ng sari sarili naming baso. Then bumalik kami sa upuan.

"Dax yung USB?" Nilabas ko ang usb na puno ng movies. Movies ha wag kayong ano.

Binigay ko ang usb kay Rean. Sinaksak niya ang usb sa tv nila. Pero nagkaproblema dahil isang movie lang ang lumabas. Eh, lima ang nilagay ko dun pero no choice. Kaya nanood kami ng The Girl.

Pumasok ulit si Rean sa kusina. "Akin na ang mga regalo niyo." Bigla sabi ni Eric.

"Huh bakit?" Takang sabi namin.

"Basta, ilalagay ko sa kwarto niya." Binigay namin ni Pau ang regalo namin at biglang umakyat si Eric sa taas at siguro nilagay ang regalo namin. Agad agad bumaba si Eric at umupo sa sofa. Tamang tama lumabas si Rean sa kusina.

"Oh ba't ang tahimik niyo?" Tanong ni Rean. Awkward laugh.
💜

Nang matapos ang ilang oras. Natapos na namin ang movie at kumain na rin kami. May dumating din na kaibigan ni Rean na pangalan at May.

"Rean, akyat muna tayo." Yaya ni Eric.

"Ehh, mamaya na." Tanggi ni Rean.

"Dali na." Hinawakan ni Eric ang kamay ni Rean at umakyat sila.

"Uy May teka lang." Sabi ni Rean.

Sumunod kaming dalawa ni Pau sa taas. May dalawang kwarto ang isa ay dalawa ang kama ang isa naman ay isa lang. Kaya dun kami sa isang kama.

Nanlaki ang mga mata ni Rean nang makita niya ang mga regalo namin.

Una niyang binuksan ang regalo ko. "Wow! Panyo." Asar niya.

"Grabe makalait ah."

"Dejoke lang."

Sunod niya namang binuksan ang regalo ni Pau. Na ang laman ay ang aso bear.

"May ganito na ako." Natawa kami sa sinabi ni Rean.

Sunod niya namang binuksan ay yung kay Eric.

"AHHHH!" Sigaw ni Rean. "STITCHHHH!" Sigaw niya ulit. Niyakap niya ang stitch niya at niyakap niya rin si Eric.

"Thank youuu!" Then may nalaglag na note. Kinuha yun ni Rean. "Huh? Ano to."

Binasa niya ng malakas.

"Happy Birthday, Rean. With heart.
Maraming salamat dahil nagustohan kita. Sana stay strong parin tayo.
Happy Birthday and belated happy anniversary. Love, Eric."

"Ang chessy." Natatawang sabi ko.

"Aww. Thank Eric. Tara na naghihintay si May."

Bumaba na kami sa sala. At lumabas para makapaglaro.

💜

Ilang oras sa pagod at saya. Umuwi na rin kami. Nakakapagod. Maging single haha.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now