Chapter 25

15 4 0
                                    

Fight.

[Playing: Hanggang Kailan By: Michael Pangilinan]

Sa pag-ibig dalawa lang ang pagpipilian mo. Ipaglalaban mo o bibitawan mo na.


Ipaglalaban mo dahil mahal mo at malaki ang chance mo na maging kayo.

Bibitawan mo dahil sa tingin mo masaya na siya sa iba at wala ka nang pag-asa at naghihintay ka lang sa wala. Meaning nagpapakatanga.

At ito ang sitwasyon ni Pau. Ipaglalaban niya. Pero si Rean na nagsabi na wala na siyang pag-asa.

"Pau." sabi ko habang papalakad kami sa taas.

"Hmm?"

"Bakit siya?" tanong ko.

"Dax, special siya. Ayokong nakikita siyang umiiyak." sagot niya.

"Ginagawa mo lang ba to dahil ayaw mo siyang makitang malungkot o umiiyak? O ginagawa mo to dahil mahal mo talaga?" tanong ko ulit.

"Mahal ko siya." seryoso niyang sagot.

Nagbuntong hininga ako. "Siguro may chance ka pa." sambit ko.

"Paano mo nasabe?" tanong niya at tinignan ako.

"Dahil close kayo at mabait ka naman. Hindi mo naman siguro sasaktan ang tao." pagpapaliwanang ko.

"Pero siya na ang nagsabi na wala akong pag-asa." malungkot na sabi niya.

"Sabi niya lang iniisip niya lang ang mga yun. Pero hindi niya pa nakikita kung paano ka talaga mag-mahal." sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti kaya napa-ngiti rin ako.

"Ano ba ang gagawin ko para makuha ang puso niya?" tanong niya.

"Sabi ng kaibigan ko. Na dapat maging sweet ka muna as a friend para makaramdam siya ng protect sayo." sambit ko.

"Pwede pwede. Tulad neto?"

"Ang?" takang tanong ko.

"Pagsasama naming dalawa."

Tumango ako. "Oo, pwede kaso mas sweeter. Wag sumobra ang sobra ay nakakasama." sabi ko habang natatawa.

"Sige, sige. Thanks, Dax." sabi niya.

"Welcome." pumasok kami sa room. Inayos ko muna ang bag ko at nakipag-usap sa mga katabi ko.

💜

Uwian. Wala nang masyadong tao sa room. Si Pau may binigay kay Sir kaya naiwan kami ni Rean.

"Rean." tawag ko.

"Oh?"

"May tanong ako." lumapit siya sakin.

"Ano yun?" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ba't ayaw mo kay Pau. C'mon he's sweet and kind." sabi ko.

"Dax, wala talaga, eh. Kahit ipilit ko pa ang sarili kong mahalin siya. Wala talagang ramdam na mangyayari sakanya." pagpapaliwanang niya.

Tumango ako. "Kahit mag-effort siya?" tanong ko.

"Oo, kahit mag-effort siya. Wala talaga."

Nagbuntong hininga ako. Kawawang Pau.

"Oo nga pala." sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"Ano?" takang sabi ko.

"MU kami ni Zay."

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko.

"Ano? Kailan? Ha? Bakit?"

"Teka ang daming tanong." natatawang sabi niya.

"Sabi niya, kaya naman daw niyang maghintay at mahal niya ako. Doon na ako nahulog sakanya. His words, his feelings are strong to me. Ayokong paasahin ang tao."

"Pero badboy siya. Hindi ka ba natatakot na saktan ka niya? O ano man."

"Hindi na. I trust him. Alam kong hindi niya ako sasaktan."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano na ang sasabihin ko.

"Tignan nalang natin sa kinabukasan." Nakangiting sabi ko.

"Tignan na nga lang natin." Sambit niya.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now