Special Chapter 1

21 3 0
                                    

Note: All Special Chapters happen after  the finals.

Mike's POV.

"Congrats, Mike." bati niya.

"Salamat." bati ko naman.

"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong niya.

Tumango ako. "DAX! May pupuntahan muna ako!" sigaw ko.

"Sige!" sigaw niya pabalik. Bumalik ang tingin ko kay Glen.

"Tara?"

💜

"Ano pala gusto mong pag-usapan?" tanong ko at inabot ang isang bote ng softdrinks.

"Sorry." napahinto ako sa pag-inom. Kitang kita ko ang kaba niya dahil sa sobrang higpit sa pag-hawak niya ng softdrinks.

"Para saan?" tanong ko.

"Para sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa'yo."

💜

"Glen?" pangatlong tawag ko na sakanya hindi niya pa rin ako pinapansin. "Glen, ok ka lang ba?"
Nakatalikod lang siya at naka-yuko. Nasapian ba 'to?

"Mike." tawag niya sa pangalan ko.

"B-bakit?" kabadong tanong ko.

"Itigil na natin ito."

Sa salita na yun. Nawarak ang aking puso.

Nagtutubig ang aking mata. Hindi ako makagalaw.

"B-bakit?" nangingiyak na tanong ko.

"Ayoko na. Hindi tama itong ginagawa natin. Saka once na makita tayo ng mga magulang ko. Malalagot ako pati rin ikaw."

"Glen, kaya nga natin tinatago di'ba?"

"Malalaman din nila." humarap siya sakin. "I'm sorry, Mike. Para sa atin din to." niyakap niya ako at bumuhos ang luha ko.

Paalam.

💜

"Para sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa'yo." para bang may kumirot sa puso ko.

"Sorry, dahil hindi na natin ma-ibabalik ang dating tayo."

Binaba ko ang bote at hinawakan ang kamay niya.

"Wag ka nang mag-sorry. Naiintindihan kita. Hindi na nga natin ma-ibabalik ang dati pero ang memories natin ay nandito pa." hinawakan ko ang dibdib ko. "Kaya ngayon magpakasaya na tayo. As friends." nginitian ko siya.

Ngumiti rin siya sakin pabalik. Bigla niya akong niyakap. "Salamat Mike."

Acceptance.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now