Chapter 32

11 4 0
                                    

Battle! (Part 1)

"Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Sambit ni Mike.

"Uhm.. Hindi na importante yun. Basta nandito na ako." Palusot ko.

"Bakit may hiwa yang kamay mo? May pasa yung pisngi mo may dugo rin yang labi mo." Sabi ni Izi. Wala na akong palusot pa.

"Uhmm.."

"Next up. Pogitas!" Sabi ng emcee. Nagsigawan ang mga tao sa labas.

"Mamaya na ang chica." Sambit ni Nat. "Oh, ito yung gitara mo." Binigay niya sakin ang gitara.

"Tara. Let's do this!" Sigaw ni Mike.

Nagbuntong hininga ako.

Umakyat kami sa stage. Ang daming taong nanonood. Kasama na dun sila Eddie, Rean, Jyrah at iba pang mga kaibigan ko.

"1,2,3!"

[Alay By Kamikazee]

Nagsimula kami ni Izi na magpatunong ng gitara namin. Sumunod si Nat sa drums niya.

~~♪♪Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
At sa yong mga mata
Pag-ibig ay damangdama
Di masusukat aking ligaya~~♪♪

Habang kumanta si Mikr di ko mapigilan mapatingin kay Zay at Rean. Ang sama ng tingin niya sakin. Pero nang humarap siya kay Rean isang pekeng ngiti ang ginawa niya.

~~♪♪Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa yo
Awiting kinakanta ng puso ko♪♪~~

Hatalang kay Glen niya pinapatamaan ang kanta niya. Nakatingin siya kay Glen habang kumakanta. Si Glen naman ay halatang kinikilig.

~~×♪♪Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan di ka nangiiwan~~♪♪

Kumanta na si Iris. Napa-tingin ako sakanya. Ang simple niyang mukha ay naka-ngiti sa mga nanonood.

Ang ganda talaga niya. Ito na naman ang puso kong nagmamarathon sa sobrang bilis ng tibok.

~~♪♪Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa yo
Awiting kinakanta ng puso ko

Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko♪♪~~

Lahat sila ay nagsipalakpakan pati ang mga judges. Lahat kami ay nag-bow.

"Thank you for that wonderful performance." Sabi ng emcee. Isa isa kaming bumaba sa stage at pumunta sa backstage.

"Ganito pala ang feeling." Naka-ngiting sabi ni Mike.

"Yeah!" Sigaw naman nila Izi at Nat.

"Teka, magpapalit muna ako ng damit." Pagpapaalam ko.

💜

Pinatay ko ang gripo at tumingin sa salamin. May nakita akong lalaki na nasa likod ko. Tinignan ko ng maigi sa salamin kung sino yun.

"Zay." sabi ko at hinarap ko siya.

"Paano ka naka-labas?" inis na tanong ko.

"Matalino ako, eh." sabay turo ko sa ulo ko.

Nakita ko ang inis niya sa labi niya.

"Mamatay ka na!!" sigaw niya at sumogod sakin. Susuntokin niya sana ako pero naka-iwas ako. Tumama ang kamay niya sa salamin. Nakita kong nagdudugo ang kanyang kanang kamay.

"Fuck!" mura niya. Tinignan niya ang dumudugong kamay niya. Naging kamao ulit ito at tumakbo papunta sakin.

Iilagan ko sana siya pero nahuli ako. Napa-upo ako sa sakit ng tiyan ko. Sinuntok niya ulit ako at nakaramdam ako ng sakit sa aking panga.

Sinuntok ko siya at natamaan siya labi. Tumayo ako at tumakbo palayo.

"DAX!!"

Shit!

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now