Happy Monthsary, Babe
(Part 2)November 8.
Ang date kung saan naging mag-mu sila. Si Rean at Eric. Kala na ni Rean na siya na talaga. Pero.
💜
Uwian. Naghihintay ako sa labas. Kasi ang tagal maglinis ni Pau at Rean. Hindi ako cleaners kaya not my job today. Pumunta si Eric sa tabi ko.
"Hey." Bati niya. Nginitian ko lang. Pumasok siya sa loob. "Pau mauna na ako."
"Sige bye." sagot naman ni Pau.
"Bye." Paalam niya naman sakin. Ba't hindi siya nagpaalam kay Rean?
Pumasok ako sa room. Binagsak ni Rean ang walis.
Nagsimula siyang umiyak. "Re-rean anong problema?" Alalang tanong ko. Pinunasan niya ang luha niya. Tumigin siya kay Pau.
"Sabihin mo na." Seryosong sabi niya.
"A-ano?" Sambit ni Pau.
"Sabihin mo na ang totoo Pau!" Nagulat kami dahil tumaas ang boses niya.
"Ano bang nangyayare?" Tanong ko. Pero hindi nila ako pinansin.
Nilabas ni Pau ang phone niya. At binigay kay Rean.
Matapos niyang basahin. Tumulo ulit ang mga luha niya. Naka-yuko lang siya. Hindi siya umiimik.
"A-anong sabi?" Tanong ko.
"May bago na pala siya." Naka-yuko parin siya at umiiyak.
"Re-rean, sino?" Sambit ko. Tahimik lang si Pau sa likod.
"Si Eric, may bago na pala siya. Ang galing. Ang galing talaga. Kala ko ba mag-mu kami. Tapos malalaman ko nalang na may iba na pala siya. Ang galing talaga." Sinasabi niya habang umiiyak.
"Rean." Wala akong masabi.
"8 ngayon diba? Monthsary namin."
Nagkatinginan kami ni Pau.
"Sobrang galing." Sambit ni Rean at pinunasan niya ay luha niya.
Kinuha niya ang bag niya at lumabas kaya sumunod kami. Pagkalabas namin. Napahinto kami.
"Eric?" Nasa labas siya. Magkaharap sila ni Rean. Naka-yuko si Eric na para bang may sasabihin.
"Ayoko na." Sa isang salita yun. Tumulo ang mga luha ni Rean.
"Bakit? Bakit Eric? Nagsawa ka na ba sakin? Ha!" Sigaw ni Rean.
"Ayoko na! Di na kita gusto!"
"Ganun nalang ba yun?! Lahat ng pinagsamahan natin wala lang sayo?! I just wasted my time. I wasted 1 year and 2 months with the wrong fucking guy!" Sigaw ni Rean.
Hindi na sumagot si Eric. "Look, di ko nga alam na may anniversary, monthsary ang mag-mu eh."
"Gago." Mura ni Pau. Tinignan ko siya ng masama. "Sorry."
"Sana di nalang kita minahal."
"Sino ba nagsabe na mahalin mo ako?"
Feeling ko doon nadurog ang puso niya. Hard niya tae. Nagpatuloy parin sa pag iyak si Rean.
"Ano pa ba ang mga rason mo?"
"Sorry dahil nagselos ako." Unti unting lumapit si Eric. "Sorry, di ko na mapigilan. Sorry, dahil nadala ako sa pagseselos."
"Alam kong hindi lang yan ang mga rason mo."
"Una, selos kay Renzo." Malalaman niyo siya sa next update wink.
"Pangalawa, selos sa di kilala. At pangatlo selos kay kuya.""Seriously?! Wala silang halaga sa buhay ko! Ikaw lang."
"Buti nga, dahil ako hindi ako lumalande ng ibang babae! Hindi tulad mo marami kang lalaki na kilala at hinayaan mo lang na maging sweet sa'yo! Tangina naman Rean."
"Ayoko na, sorry."
"Wala nang magagawa yang sorry mo." Tumalikod si Eric at umalis. Naiwan kaming tatlo.
Biglang napaupo si Rean at umiyak.
Kaya agad naming dinamayan.
"Rean, sorry dahil wala kaming masabi. Nagulat lang ako sa mga nangyare." Sabi ko.
"Hindi, ok lang. Ayoko na rin."
"Rean."
💜
November 8.
Ang date kung saan naging mag-mu sila Rean at Eric. Akala ni Rean siya na talaga. Pero sa isang selos. Magbabago ang kanyang buhay.
YOU ARE READING
In A Relationship (Single #2) [Completed]
Ficção Adolescente[Single Book 2] After getting dumped by his first official girlfriend. Ipagpapatuloy ni Dax ang kanyang Single na buhay pero may twist at ibang pang ano-anong mangyayare sa buhay niya. Malalaman niya na ba ang ka-poreber niya? o forever alone lang...